Ch. 03 SAY THANK YOU

88 21 0
                                    


Nang nagising ako. PUTI. Puro puti ang nakikita ko. Waaaaahhh! Nasa langit na ba ako? Chos lang. Nababasa ko 'to sa wattpad stories, gigising ka akala mo nasa langit ka yun pala nasa ospital o kaya clinic ka lang. Bwahaha

At tama nga ako, nasa clinic ako.

"Buti na gising kana!" Tiningnan ko ang nagsalita. Ang bestfriend ko, si Celine. Nakaupo sya sa tabi ng kama ko, sitting pretty habang kumakain ng chocolate.

"Si-sino ka?"

Chos lang yan. Nababasa ko mga gamitong eksena.

"Si Celine. Obvious ba?"

Tiningnan ko lang sya.

"Sinong Celine? Sorry hindi kita maalala."

Yung eksenang kunwari may amnesia ka.

"WHAT???"

Nabitawan nya yung chocolate na hawak nya.

"OHMAYGAHD! Hindi mo talaga ako maalala? Oh noes!! May amnesia ka girl?"

Halos hindi makapaniwalang reaksyon nya. Nakahawak ang dalawang kamay nya sa bibib habang nanlalaki ang mga mata.

Kunting katahimikan.

"Tahahaha. Epic yung reaction mo girl. Tangeks! Uto uto ka talaga! Hahaha"

Hinimatay lang ako at hindi nabagok ang ulo or something like naaksidente kaya wala akong amnesia. Baliw talaga ito si Celine.

"Ewan ko sayo! Hmpf!"

"Anyway, pa'no nga pala ako napunta dito? Binuhat mo ko?"

Ang naalala ko lang kasi is sobrang pagod ako nun, tapos bigla akong inatak ni kumareng asthma tapos namumutla na ko nun tapos may bola tapos tapos...

"Waaaaahaaahhhhh" sigaw ni Celine.

"Ano ba! Ang ingay mo!"

Sinamaan ko nga ng tingin kaya't tumigil din.

"Ba't ka ba tumitili dyan, muntimang! Tsaka sagutin mo nga ikaw nagbuhat sakin dito?"

Si Celine lang naman kaso concern sakin at sya lang din kaibigan ko sa school.

"Duh! Sa tingin mo talaga kaya kitang buhatin?"

Oo nga noh?so sinong nagbuhat sakin?

"Eh sino nga?"

"Kyaaaaaaaahhhh!!!"

"Pwede ba itigil mo yang tili mo!"

Mapagkakamalang baliw to, buti na lang walang ibang tao dito sa clinic kundi kami lang. Nasa labas siguro ung school nurse.

"Sorry naman, kinikilig ako ee. Ang gwapo nung nagbuhat sayo. Sikat pa. Ang swerte mo sis!"

Gwapo? Which means lalaki? Oo nga naman. Alangan namang babae magnuhat sakin, ehako nang pinakamabigat na babae dito sa campus.

"Sino nga?" Ang kulit ee. Hindi pa sabihin.

Syempre dapat alamin ko para makapagpasalamat ako.

"Eh di si Zach Trevor Shelton!"

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi nya. Ang lalaking yun? Sya nagbuhat sakin?

-----------------------
-----------------------

"Dali na girl, kausapin mo na."

Pilit akong kinakaladkad ni Celine papunta sa bench kung nasaan sila Zach.

"Oo na. Bitaw muna nga. Ansakit na ng kamay ko kakahila mo, baka mabali."

"Ay sorry., hehe.. Ang gagawin mo lang is ibibigay mo yang food and magtethank you ka!"

"Bakit ko pa kasi 'to kelangan gawin?"

"Duh! May utang na loon ka po kasi sa kanya dahil sya ang nagbuhat sayo papuntang clinic that's why ibibigay mo yang food for peace offering I mean thank you offering pala haha"

Ok na sakin yung idea na magthank you sa kanya ee pero ewan ko ba sa utak ni Celine ba't kelangan may foods pa.

"Oh hi Celine, kayo pala, tara kain tayo dito oh!" Sigaw nung friend ni Zach ng makita nya kami ni Celine. Teka ano raw?

"Ui babae, kilala ka nya?" Tanong ko kay Celine.

"H-huh? o-OO. Kahapon lang..hehe"

Pinaliitan ko naman sya ng mata. I smell something fishy...

"Dont tell me dumadamoves ka sa kanya?"

"Excuse me! Baka sya noh!"

At nang makalapitn na nga kami sa kanila.

"U-uhmm, Zach, eto oh, para sayo, thanks pala kahapon" sabay abot ko sa kanya nung lunch box with food syempre.

Tinitigan nya lang ito tapos tumingin sakin tapos tingin ulit sya sa lunchbox.

"are you sure na ibibigay mo yan sakin?"

Sabay turo pa nya sa sarili nya.

"o-Oo. Pagkaing pasasalamat?"
Bakit patanong? Tapos ngumiti sya.

"Sure ka?" Ngumisi ulit sya. Weirdo.

"Oo sabi" kulit ah.

"Baka nga kulang pa yan sayo eh"

O_O

Nanlaki talaga ang mata ko sa sinabi nya. Watdafak! Gusto ko man magsalita at bugahan ng apoy 'tong nilalang na 'to ngunit wala akong mahanap na salitang gagamitin.

"Mukhang masarap naman Zach!" Sabi pa nung isang guy. Kinuha na lang nya sakin ung lunchbox.

"mukhang?" Tapos nagsmirk ulit sya. Eh kung sapakin ko kaya 'to.

"Ui grabe Zach ah! Dont judge the food by its Clover, I mean Cover. Masarap yan tikman mo pa!  Nagthank you na nga sya diba?" Buti nagsalita ka Celine.

"Ayoko nga thank you lang" tapos tumingin sya sakin. Kumunot ang noo ko. Anong ibig nyang sabihin?

"Kaya ibig sabihin, may utang ka pa sakin, tska ko na lang sisingilin."

Tapos naglakad na sya paalis.

Napanuntong hininga na lang ako.

Isang mahabang nakakainis na school days ata mangyayari sa taon na 'to.

------------

No MeasurementsWhere stories live. Discover now