Ch. 01 Ms. Chubby & Ms. Petite

134 24 3
                                    


"Standing infront of you is a 16 year old stunner from the 4th year division, My name is Clover Yin Villaruel. Vital statistics: 36'24'36".

Clap. Clap.
Pumalakpak ang bestfriend ko, si Celine.

Nandito ko ako sa kwarto nya at nagfeeling contestant sa isang beauty pageant.

Oo ako na feelingera.

Kinuha ko pa at pinulupot ang kumot nya para maging isang gown.

Natapos ang kabaliwan namin nang tinawag kami nang mama nya para magsnack.

Ayos! May libreng pakain, kaya gustong gusto ko tumatambay dito sa bahay nila ee. HAHA

Nasa Sala kami nang maisipan naming manuod nang movie habang kumakain. Si Celine naman pinatulan ang mga chocolates sa ref nila. Gahd! Mas matakaw yan sakin pero hindi naman tumataba palibhasa mabilis metabolism nya hindi tulad ko na tabain talaga.

Napili nya panuorin ay yung 200 pounds beauty. Ewan nangaasar pa ata 'to ee kesyu baka raw makatulong itong movie sakin tapos mamotivate akong magpapayat.

Hindi naman sa obese ako kasi proportion naman ulo ko sa katawan ko ee, so yeah I guess Chubby lang ako.

CHUBBY LANG AH!

Nang matapos ang movie ay napagpasyahan kong umuwi sa bahay na dahil back to school na naman bukas.

Pagkarating sa bahay ay nadatnan ko si mama na nagpeprepare ng pagkain. Pagkain na naman besh, tinitempt nila ako lalo pa't  paborito kong sinigang na bangus ang ulam. Isa pa sinong hindi mapapakain kung masarap na pagkain ang nakahain diba? My mom is great in cooking. Isa syang cook sa isang sikat na restaurant, at alam ko malapit na syang mapromote bilang head dito dahil sa galing nya sa pagluluto kahit pa hindi sya nakagraduate ng culinary.

"Alex, ano ba! kelangan tawagin pa para kumain?" Sigaw ni Mama kay Alex.

"Opo, bababa na po!"

Alex, is my younger sister. Panigurado nagkukulong na naman ito sa kwarto nya kakabasa sa wattpad. She's two years younger than me. So yeah, 14 years old sya at ako ay 16. Sa isang all girls sya nagaaral. Dont ask me kung bakit ganyan mga name namin, siguro fan lang si mama ng totally spice nung kabataan nya. At hindi tulad ko Alex has a good shape of body, I mean hindi sya chubby tulad ko. Palibhasa isa rin syang dancer sa school nila.

Pagkakain ay umakyat na ako sa kwarto ko upang ayusin ang mga gamit ko sa school bukas. Hindi sa excited ako ah, dahil wala namang bago sa school, gusto ko lang talagang maayos ang mga gamit ko.

Pagkagising ay nagayos na ako ng sarili. Typical routine nang isang student pagpapasok sa school.

Dinaanan ko muna si Celine sa bahay nila para sabay kaming pumasok sa school. And yes tulad ng dati, pagpasok namin sa school hindi pa rin maiwasang pagchismisan kami ng mga taong walang magawa sa buhay. Sikat kasi kami dito ee, hindi dahil sa campus sweetheart kami ah kundi dahil kami ang magbestfriend na opposite daw sa size. You see Im a chubby girl while Celine naman is a petite one. Para kaming isang hinlalaki at isang hinlilit sa mga daliri.

Pero keribels lang. Sanay naman kaming mabully. Sanayan lang yan bes. Mauumay din sila. Mapapagod. Tapos na ko sa dramang iiyak after ibully, pagkaisahan at lait laitin. Minsan pa nga ay tinatawanan na lang namin ni Celine. Celine is my bestfriend simula kinder, hanggang ngayon kami pa rin magkasama sa lahat ng drama. Chos! Buti na lang at magclassmate pa rin kami ngayong last year na namin sa Junior highschool. Ayos diba? Sana nga maging maayos ang school year na 'to or maybe not?

----------------
A/n: how was chapter 1? Comment po thank you 😀

No MeasurementsWhere stories live. Discover now