Ch. 05 MEET ZACH's SISTER

81 18 3
                                    


Nang idilat ko ang mata ko.

PUTI.

waaaaaaaahhhhhh.

Dont tell me nasa heaven na ako? Chos!

De ja vu.
Parang naulit na 'to ah. Dont tell me nasa clinic ulit ako?

Tingin sa kaliwa. Tingin sa kanan.
O_O

"Asan ako?" Kwarto, Pero hindi naman 'to ung kwarto ko ah.

"Nasa bahay"

"Waaaaahhhhh"

"SHUT UPPP!!!!"

Tumigil naman ako nang nakita sya.

"Nagulat ako eh. Teka, -asan ako? Be specific, kwarto mo?"

O_O dont tell me?

Tingin sa suot ko. Waaaaaahh. Oo na sorry na mahilig ako sumigaw.

"Bakit iba na suot ko? Anong nangyaroi?" Anong ginawa mo sakin?"

"SHUT UPP OKAY?" Natakot naman ako. Puro kami sigawan ah.

"Nasa bahay ka namin, in my sister's bedroom to be exact. Nilalalabhan uniform mo, yang suot mo naman sa kapatid ko, at wala akong ginawa sayo. Yuck!" Haba ngexplanation tska kung makayuck naman sya ah, ang oa.

"Ahhhh" tumango tango na lang ako.

Tapos bigla ko naalala yung nangyari...
Naglalakad ako pauwi nang madaanan ko yung mgakapre na yun, muntik na ko gawan ng masama pero dumating si Zach, inaatake na naman ako ni kumareng asthma ko tapos hinimatay ako, tapos paggising ko nandito na ko.

Pagtingin ko naman sa relo,11:45pm na. Lagot ako kay mama. Dali dali kong tinext si mama na nakisleepover ako sa friend ko dahil gumawa ng project. LIAR. Ayoko naman sabihinsa kanya yung totoo, magaalala yun. Buti pala inipit ko sa may palda ko yung cp ko kaya hindi nakuha nung mukhang kapre. Hehe

"Oy!!!!"

Ay nandito pa pala si Zach.

"A-ano?"

"Anong 'ano'? Lumilipad na naman yang utak mo. Ano bang iniisip mo dyan?"

Nang tingnan ko sya ay naalala ko yung pagligtas nya sakin. Hindi ko rin alam kung paano sya napadpad sa daan na yun, pero thankful ako na nandun sya kundi baka ano nang nangyari sakin. Sa ikalawang pagkakataon, naligtas na naman nya ko.

"Thanks pala Zach"

Napatingin naman sya sakin. Ugh! Ba't bigla akong naconscious nang tingnan nya ko sa mata.

"I dont need your "thank you". I have better plans kung paano ka makakabayad sa mga utang mo!"

Thanks lang naman sinabi ko hindi thank you, pero ano raw? Utang. Ahgh!!! Nakakainis tong lalaking to. May utang na naman ako sa kanya, perokung sabagay nilogtas nya ako sa mga salbaheng yun kanina.

"Oh!" Binato nya sakin si...

"Pucca?"

"Pinulot ko, alam kong bagong bili mo yan. Hindi naman madumi"

Ang akong headband.

"A-ahh eh--thank you" nahihiyang sabi ko.

May naalala pa ko.

"Teka pala, asan si Kim Bum?"

Kumunot naman yung noo nya.

"Ah wala pala, wala."

Bakit hindi nya pinulot yung picture ni Kim Bum ko? Dibale, mapapaprint na lang ulit ako.

"Pwede ka nang umuwi"

Agad naman akong napatingin sa kanya.

"WHAT???" Akala ko kasi ditona ko matutulog.

"Wag ka ngang feeling, kwarto tonang kapatid ko, hindi sayo."

Oo nga pala, nakakahiya naman.

"Pa'no ko uuwi? Late na masyado, baka mamaya nyan.." Baka kasi mapahamak ako sa labas. Nagkatrauma na ata ako.

"Ihahatid ka nang driver namin," ayun naman pala.

"Ah ok" sigh for relief.

*tok tok tok* wag kayong ano dyan, sound effect yan ng kumakatok.

Tapos biglang pumasok sa kwarto ang isang maladyosa ang kagandahan..wait..teka...parang si... "A---Andromeda?"

"Ate, iwan ko muna kayo dyan" sabay labas ni Zach.

Ate nya si Andromeda? Magkapatid sila?

"Hi girl. So, how are you? Feeling better?"

"Mmm" tumango tango ako. I cant believe this! Tapos tinitigan ko muli sya. Sya nga.

"Uhm yes? May dumi ba ko sa mukha?"

"Ah-wa-wala po. I-ikaw po si Andromeda?

"Yup. Kilala mo pala ko?"

"Waaaaahhhhhh" sigawako ng sigaw tapos hinawakan ko ung pisngi nya tapos bigla ko syang niyakap. Oo na, ako na weirdo.

"Idolllllll.. Waaahhh"

Si Andromeda? Kapatid si Zach Trevor? Kaya pala parang familiar yung surname nya kasi kapatid nya ang sikat na si Andromeda Shelton. Isa syang sikat na fashionista at model. Beauty queen sya at laging nananalo sa pageant nights nung highschool pa lang sya. Maiinggit si Celine kapag nakwunto ko to sa kanya. Haha

Tapos nagkwentuhan pa kami ni ate Andromeda. Naks! Nakiki ate na ako. Feeling close na talaga noh! More on about sa dresses lang naman napag-usapan namin medyo naconconscious nga ako kausap sya kasi ang ganda at ang sexy nya pa. at dahil nga sa napahaba ang usapan namin ay napagdesisyonan nyang dito na lang daw ako matulog, sa guest room pa nila.

Pagkauwi ko sa bahay,dumiretso agad ako sa kwarto. Kelangan ko nang. Maligo dahil may pasok ako sa school. Hinatid ako ng driver nila Zach. Dala ko na rin yung palda ko pero yung blouse ko hindi napala nilabhan dun may punit kasi dahil nga 'yon sa mga badguys kagabe. Syang, nabawasan tuloy blouse ko huhu.

"Anak, andyan ka na pala, tara, magbreakfast ka na" si mama. Atska nilagyan ng kanin yung plato ko, buti naman at hindi na nagtanong si mama ng kung ano man.

"Tapos anak, ipinagbalot kitang snacks mo, hati kayo ni Celine, tapos oh, lunch box mo, ubosij mo yan, naku, wag magsasayang ng pagkain ha? Andaming taong nagugutom."

Hindi totoo yung mga sinasabi nang mga tao sakin na, napabayaa. Sa kusina kaya tumaba, dahil unang una, madalas ako sa sala kumain hindi sa kusina. Haha. Dapat, pinakain ng pinakain ng magulang kaya tumaba, hahaha

Pagdating ko naman sa school, as usual, yung mga bunganga na naman ng mga estudyante putak na naman ng putak.

"Ang kapal ng mukha ng babaeng yan, nakita mo ba nung isang araw binuhat sya ni Zach papuntang Clinic, if I know acting nya lang yung hinimatay sya"
"May gusto siguro kay Zach, akala mo kung sinong inosente't conservative, yun pala malandi naman"
"Eww puro fats sya, si Zach muscles. Hindi naman ata bagay"
"Kaya nga, mas bagay naman ata ako kay Zach, sexy ako ee"

Akala ko pa naman sanay na ako sa mga ganitong sitwasyon. Dati wala akong pakialamsa mga sinasabi nila pero ngayon iba 'to. Tinawag nila akong malandi. Mas sanay akong tawaging mataba kesa malandi. Naiinis ako sa mga ganyang klaseng tao. Hindi ko naman sila kayang patulan, at kahit kelan hindi ko gagawin yun. Nakaramdam tuloy ako ng hiya. Hindi ko dapat ito maramdaman dahil hindi naman totoo mga sinasabi nila.

"Gurl, hayaan mo na. Wag mo na lang pansinin, naiinggit lang yan"

Hindi ko na napansing nasa tabi ko na pala si Celine. Tumango na lang ako at sabay na kaming pumunta sa room. Mabuti na lang dito sa classroom, kahit wala ako masyadong kaclose at friends atleast wala akong naririnig na masasamanh salita galing sa kanila.

------------------

No Measurementsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن