CH. 09 EKSENA SA KOTSE

68 18 1
                                    


A/n: Naisip kong gawan ng POV si ZACH TREVOR pati sa ibang chapters. HAHA.

-----

ZACH TREVOR's POV:

Sana matapos na ang araw na 'to para makuha ko na kay Daddy ang hinihingi kong pera. Palagi naman ganun ee, kada hihingi ako dapat may gawin muna ako. Pero ok lang naman, siguro nga ganun talaga kelangan mo munang paghirapan ang isang bagay bago mo makuha ang gusto mo. Katulad nito, pinapunta nila ako dito para tumulong sa foundation. Hindi ko hilig yung mga ganito pero pumayag na ko besides masarap din naman sa pakiramdam ang nakakatulong ka sa kapwa.

Ang reason kung bakit ko kelangan ng pera? Magpapagawa kasi ako ng isang fitness gym. Pumayag naman si Daddy na tutulongan nya ko. May sarili akong pera pero kelangan ko pa ng pera para sa pagprocess neto. Negosyo na rin at para may sarili akong gym para mag-workout.

Yung mga barkada ko naman, Tss! Hindi ko sila maasahan ngayon. Hindi man lang ako sinamahan buti at may slave ako kaya sya nandito. Kahit kelan talaga ansarap pagtripan at asarin ng babaeng to. Alam ko tinake advantage ko ung pagiging slave nya dahil pati dito isinama ko sya pero ok lang naman siguro tutal mawawala rin naman ako ng tatlong araw.

"Kapagod" sabi ni Yin at umupo.

Pansin ko lang kanina pa 'to pahinga ng pahinga ah. Kanina naabotan ko sya kasama si ate Joy.

"Ui Yin, ilang beses ka na nagpapahinga ah. Tumulong ka nga." Pero alam ko naman na kanina pa sya tumutulong talaga.

"Ui ba't mo ko tinawag sa second name ko? clover dapat, hindi Yin!" Ano bang big deal dun? Mas ok naman kung Yin ang itawag ko sa kanya, mas maikli.

"Eh sa gusto ko ee. Tumulong ka nga dun!"

"Eh sa mabilis akong mapagod eh. Ikaw nga dyan pautos utos lang, akala mo naman.. pinapasahod mo ba ko ha, Trevor?"

Tss. Tinawag nya ko sa second name ko! Huh! Tska ano naman kung magutos kami naman ang boss talaga ah.

"Bigyan mo na nga lang ng pagkain yung mga bata dun oh,ang papayat. Palibhasa chubby ka na eh!"

"Anong connect ha? Che! Makaalis na nga!"

Ang babaeng yun! Sya lang ang sumasagot sagot sakin, tss!

Bandang alas 6 na ng hapon nang matapos, sa wakas makakauwi na rin.

CLOVER's POV:

*yawn*

Sumandal agad ako sa frontseat sa BMW ni Trevor hindi sa feeling ko sakin 'to, sadyang pagod lang talaga at inaantok na nga ako. Ansakit ng katawan ko, hindi ako sanay eh. Sa bahay nga bihira ako gumawa dun eto namang Trevor na 'to, utos lang ng utos sakin kanina.

Nasa biyahe na kami. Gusto ko na mahiga sa kama o kaso 3 hours pa ang biyahe. Kung may kakayahan lang akong magteleport ee. Namimis ko nang yakapin unan ko. Tapos may naalala akong itanong sa kanya.

"Ui Trevor, bakit ka nga pala mawawala ng 3 days?"

Dont get me wrong, wala naman akong paki kung saang lupalop ng mundo sya pupunta, gusto ko lang talaga malaman o kaya gusto ko lang magopen ng conversation. Boring kasi dito sa loob ng kotse nya, walang pa music.

"Bakit mo natanong?"

"Wala naman. Uhmm, nacurious lang."

"Pupunta kami ng US with my family for business purposes."

Woahh! USA. Gusto ko din makapunta dun. Mabuti pa ang mayayaman, nakakapunta sa mga lugar na gusto nila.

"Talaga? Mabuti ka pa. Pangarap ko din makapunta dun."

Pangarap ko talaga malibot buong mundo mula bata pa 'ko.

"Nakakasawa nga dun." Woahh himala naguusap kami ng walang asaran.

"Palibhasa sanay ka na siguro"

"Yeah.. Madalas nga kami dun"

Balang araw makakapunta rin ako dun. Bwahaha.

"Ah. Mag-iingat ka dun ah!"

Bigla naman syang napatingin sakin.
Tapos ako parang nafrozen nang marealize ko yung sinabi ko. Ba't ko ba nasabi yun? Baka isipin nya that I care for him. Kelangan kong bawiin..naisip ko yung line na, *i mean magingat sila sayo!* kasobago ko pa sabihin naunahan nya ko nang..

"I WILL, THANKS!"

*lub*dub*

OHMAY GAHD. My heart what was that? Pagod na nga siguro kaya bigla na lang bumibilis heartbeat ko. Siguro. Oo tama! Tama.

---------------

Omg! Naeexcite ako sa mga upcoming chapters. Hihi

No MeasurementsWhere stories live. Discover now