CH. 10 DAYS WITHOUT HIM

69 17 0
                                    


Since Sunday is a family day kaya eto magkakasama kami nila mama at Alex para magsimba. Pansin ko lang dito sa simbahan, may mga naghaharotan na magshota. Hoy, wag nga dito! Mahiya nga kayo!

After naman namin magsimba ay binisita naman namin ang puntod ni Papa sa sementeryo. Parang kaugalian na sya na every after magsimba ay dadalawin namin si Papa.

Tapos pumunta kaming mall dahil ipagshoshopping daw kami ni mama. Buti na lang napromote si mama sa work nya. Ang galing ng mudra ko noh?

"Ay ate, ang cute nitong unan. Spongebob" hilig nya kasi si spongebob.

"Mas cute to oh" kinuha ko naman si Patrick.
Bigla naalala ko yung nasa mall ako at nakikipagagawan pa kay Trevor ng stuff toy. Kamusta na kaya yun? O_O

"Ui ate ok ka lang?"
Inalog alog ko kasi ulo ko, pinapalo ko pa.

"Ah eh nahihilo na ko sa gutom ee. Hehe"
Dyusme! Bakit naman kasi bigla na lang sumisingit si Trevor sa isipan ko. And what? Trevor? Nasasanay na agad akong Trevor itawag sa kanya? Kung sabagay mas ok naman yun sa Zach.

Kumain kami saglit tapos bumalik sa Department store.

"Ay ang ganda nito. Miss, may medyo malaki kayong size neto?" Tanong ko sa saleslady.

"Ay wala na pong ibang size yan mam" ay nyeta! Gush! Kakasimba ko lang tapos nagmumura ko ngayon sa isip ko! Eh kasi naman kanina pa ko pumipili tapos walang magkasya sakin. Urgh! Buti pa si Alex nakakarami na. Hmpf!

Sunod naman ay nagpapicture kami sa photoexpress, yung pose ko nga dun is sideview lang para payat tingnan. Haha..

Dahil sa dami ng bitbit namin ay napagpasyahan namin na magtaxi na lang.. Bigla naalala ko tuloy yung gabing pauwi na ako tapos muntik na kong mapahamak buti at dumating si Trevor. Urgh! Bakit ba bigla bigla na lang sya pumapasok sa isip ko? Kainis ah!

********

(Monday)

"La, la, la, la... 🎶🎶🎶"

Kumakanta kanta ako papuntang classroom. Masya ako ee, wala si Trevor. Walang mangaasar at mag-uutos. "La,la, la, 🎶🎶"
Hindi pa rin naman nagbabago mga tao dito, nakakarinig pa rin ako ng mga pangungutya nila. Pero sanayan na lang siguro.  Bahala kayo dyan. Asa naman kasing magbabago pa mga yan.

"La, la, la 🎶"
Oopps! Hindi ko na boses yun..

Pero familiar yung boses nya.

Pagtingin ko naman sa likod ko, si Celine lang pala. Kumakanta din. Masaya din?
Tapos nilagpasan nya ako. Ayy, hindi ako nakita? Tinawag ko nga!

"Hoy babae!" Sigaw ko.

"Ay labyu!" At talagang nagulat sya, natipalok pa nga sya e.

"Uy bestfriend ikaw pala! Tara na sa room."
Ang weird ata ngayon ng babaeng to.

"Anyare sayo, ba't ansaya mo to the highest level?"

"Bakit, ayaw mo ba kong maging masaya?" Ay gagang 'to, nagtampo daw ba.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin. What I mean is anong meron?"

"Eh kasi.. Kinikilis ako ee"

"Kanino naman?"

Nacurious naman daw si ako. Bihira naman kasi namin pagusapan ang mga boys na type namin ee.

"Kay Raphael. Nagdate kami nung sabado." Sabi ko na nga ba, Si Raphael eh.

So, date yung sinasabi nyang may lakad sya. Ang babaeng 'to, nagagawa nang maglihim sakin eh. Pagdating namin sa room, ayun kwento pa rin sya ng kwento, keshu ang sweet daw ni Paeng, blah, blah.

"So, ikaw, kamusta date nyo ni Zach?"

"H-huh?" Nagulat naman ako dun.

"Kamusta? Anong nangyari sa sabado mo?"

Kinuwento ko naman sa kanya.

"Ayieeee"

Sus. Kinilig? Anong nakakakilig sa ginawa ko nung sabado? Napagod lang nung sabado. Yun lang! Tsaka as if naman type ko yung Trevor na yun.

After ng klase, umuwi agad ako. Si Celine naman ay kasama si Rapahel, kakain pa raw sila sa labas. Niyaya pa nga ako. Syempre kahit pa pagkain yun, umayaw ako noh! Asa namang gusto ko maging third wheel. Lol.

*************

Next day, dito kami ngayon sa Gymnasium naglunch. Walang ibang tao bukod sakin, si Celine at ang limang guy. Ang tinutukoy ko ay sina Raphael, Apollo, Nicholas at ang kambal na sina Denver at Dennis.

So, ayan medyo mas nakilala ko na sila, mababait naman. Ayos din pala kahit papano feeling ko nadagdagan friends ko sa school, yun nga lang mas dumami haters ko eh kasi naman campus hottie 'tong mga to.

"Ui girl, namimiss mo?"
Nakakagulat naman 'tong si Celine. Bigla bigla na lang nagsasalita habang ngumunguya pa nang pizza na inorder pa nung boys.

"Sino?" Sino naman mamimiss ko?

"Si Zach?"

Binigyan ko naman sya ng look na, *anong-pinagsasabi-mo!? Eww lang*

"Girl may itatanong ako pwede?"

"Nagtatanong ka na nga eh" nagpout naman sya.

"Para sayo, sino si Zach? I mean diba sa tingin ng karamihan lalo na mga babaeng fans nya, isa syang ideal man. Gwapo't mayaman. Maraming nagkakagusto dun. Para sayo, sino si Zach?"

Para sakin?
"Mapang-asar at loko?"
Tama naman ah.

"Are you questioning or answering?"

"Answering!"

"Ito na nga lang sagutin mo, nung kakakilala mo pa lang sa kanya, anong tingin mo o first expression mo sa kanya?"
Ito talagang si Celine, nakakahiya naman sagutin andito friends ni Trevor ee. Pero first expression ko sa kanya?

"Ewan. Basta parang suplado sya na parang loko loko na mapang asar, lakas mangtrip."

Parang dismayado naman sila sa sagot ko. Narinig ko pang tumawa yung kambal. Totoo naman ah. Bigla naman nagthrowback sa isipan ko ang unang tagpo nang pagkikita namin nung nabunggo ko sya.

Well, yun ang unang tingin ko sa kanya pero ngayon nadagdagan na nang mapang-uto, natural kasi slave nya nga daw ako diba?

"Yun lang?"

Yun nga lang ba?

Napaisip naman ako dun, sa ilang araw na nakasama ko sya, nakilala ko ang isang Zach Trevor na thoughtful nung time na binibigyan nya ako ng mineral water? Mabuti sa kapwa, kahit hindi nya aminin mukha naman syang nagenjoy sa pagtulong sa foundation, napansin ko rin na sweet at malapit sya sa pamilya nya, mabuting kaibigan at marunong tumulong sa tao katulad nung tinulongan nya ako.

"Ay tara na nga Celine, malelate na tayo!" Agad ko naman syang hinila at nagpaalam sa boys. Kasi naman eh, nadadala na ako ng mga sinasabing utak ko. Ayan tuloy narealize ko ngayon lang na, namimis ko yung ginagawa ko bilang utosan nya o yung.. Haixt.. Oo sige na nga.., namimis ko sya.

---------------

No MeasurementsWhere stories live. Discover now