CH. 14 DRESS

32 16 0
                                    


CLOVER'S POV:

Ewan ko ba dito kay Celine, hanggang natapos ang klase kinikilig pa rin sya na ewan. Edi sya na may lovelife! Im happy naman for her, hindi naman ako naiinggit na single lady ako. Malay ko ba sa mga ganyan! Tapos hinatid pa sya ni Paeng nya pauwi. Iba talaga!

Ako naman as usual pupunta sa court kasi magpapractice si Trevor ng basketball.

"Oh ba't ngayon ka lang?" Oh diba ang ganda ng pambungad nya.

"Eh sa ngayon lang ako eh!"

"Tara na!" Tapos nilagpasan nya ako, sinundan ko naman sya. Ano daw ba yun kararating ko lang tapos aalis na?

"Ui san ka pupunta?" Tinawag nya ko, humiwalay kasi ako ng daan.

"Edi uuwi na. Sabi mo tara na which means uuwi na."

"Tara na dahil may pupuntahan tayo."

Ganun ba yun? Whatever. Hindi naman kasi nililinaw, akala ko tuloy makakauwi na ko.

Tapos dumiretso kami sa parking lot kung saan naghihintay si Kuya jeff na driver nila. Nasa likod kami magkatabi alangan naman kasi sa frontseat ako edi feeling much ako nyan.

Ewan ko kung saan kami pupunta. Wala ako sa mood magreklamo tska kelangan ko ngang sumunod diba? Slave eh. Tiis tiis. Malapit naman ng mag october tapos end na ng role ko bilang slave daw.

Ang komportable naman dito sa kotse.

Si Trevor naman nagpipindot sa cellphone nya.

*yawn*

Inaantok ako.

Sumabay pa ang music sa radyo na inopen ni kuya jeff at talaga nga namang mas nakakaantok.

Pag mulat ko ng mata ko.

O_O
Oh may gahd!

Nakatulog ako?

Naalala ko nasa sasakyan pa ako pero nakasandal ako sa balikat nya at nakasandal din sya sakin. The ef! Nakapikit sya at malamang nakatulog din.

Wala na sa kotse si kuya jeff, bumaba na panigurado.
Nakastop yung kotse sa harap ng bahay nila Trevor. Dito lang naman pala punta namin akala ko naman kung saan. Narealize kong sobrang magkalapit ng mukha namin ni Trevor kaya bigla akong lumayo sa kanya.

Agad naman syang nagising.

"Nandito na pala tayo." Sabi nya at kinuha nya bag nya tapos bumaba na sya sa kotse.

Bumaba rin ako at sinundan sya. Ba't ba parang ang init bigla at namumula ang pisngi ko.

Bumalik naman sa isipan ko yung moment kaninang nakasandal ulo namin sa isat isa. Eehhk.

"Ah sir, pasensya na po di ko na kayo ginising. Mukha po kasing pagod na pagod kayo." Paliwanag ni kuya jeff na nasa tapat ng pinto ng mansyon nila Zach.

"Ah ok lang po. Atska sabi ko naman sayong ayokong tinatawag ng sir, Zach na lang po kuya jeff."

Nagsmile lang din ako kay kuya Jeff at sinundan si Trevor papasok sa mansyon nila.

Hindi ko talagang mapigilang hindi humanga sa ganda ng malamansyon nilang bahay. Ang style nito ay hindi modern hindi rin old. Kaya hindi ko malaman kung kelan ito itinayo. Masyadong maaliwalas at mabango sa bahay na to. Ang bongga lahat ng furnitures.

Sana pala pansamantala na lang akong katulong dito kesa slave ni Trevor noh!

"Hey stop! Susundan at susundan mo na lang ba ako?" Sabi ni Trevor.

No MeasurementsWhere stories live. Discover now