Ngayon ko lang narealize na sinusundan ko nga sya at nasa second floor na kami.

"Ah eh. Hehe sorry."
Sorry naman naglalakbay ang utak ko at namamangha kasi sa ganda ng bahay.

Tinuro naman nya yung ibaba which means pinapababa nya ako. Pumasok naman sya sa isang kwarto na I think kwarto nya.

Bumaba ako at umupo muna sa sofa.

Dumating ang maid na may dalang juice at cookies. Infairness bes, may pa snack dito. Haha

Nag thank you naman ako sa maid. Grabe kahit maids dito, magaganda. Masyado akong bumabaon sa lupa, wala akong panlaban pati sa kasexyhan nila.

Bumaba na si Trevor at nakapagpalit na ng pambahay na kung tutuosin para syang may pupuntahan. Ganyan nga talaga siguro ang mayayaman kahit sa bahay lang sila, maayos pa rin ang porma.

"Ah Trevor akala ko may practice kayo kanina? Tska bakit tayo nandito?"

Diba kasi may practice dapat sila.

"Hindi natuloy ang practice. Hindi ba sinabi sayo ni Celine?"

Ah alam siguro ni Celine, kaya pala sabi nya kanina ihahatid sya ni Raphael. Eh bat hindi man lang nya ko sinabihan. Ang babaeng yun talaga.

"Eh so bakit nga tayo nandito?"

Don't tell me Magpapaka-maid nga ako dito?

"Utos ni ate."

As if on cue, bigla na lang lumabas sa isang sulok si Ate Andromeda. Waaah.. Ang ganda nya talaga. Pero may pagkaisip bata din pala ito si ate. Haha.

"Hi sis!" Binati nya ako tapos nakipag-beso. Nahiya naman ako dun kung ituring nya kasi ako parang close na talaga kami, eh syempre gusto ko din. Haha

"Hello po."

Tapos tinitigan nya ako.

Nakoconscious ako. Kung tingnan nya kasi ako yung tipong may mali sa itsura ko samantalang sya kahit nga ata bahasan suotin nito magmumukha pa rin syang dyosa.

"Tara sis doon tayo sa taas." Dali dali nya akong hinila sa kung saan man. Pumasok kami sa isang malaking kwarto. Wala rin akong makitang ibang gamit bukod sa mga damit.

"Sorry sis medyo magulo dito, yung iba kasi inaayos ko pa. Tapos yung ibang gamit itinago ko na sa mga cabinet." Pagpapaliwanag nya.

Grabe. Natulala ata ako ng ilang segundo. Nakakamangha. Halos lahat na ata ng uri ng damit mula noon hanggang ngayong modern na nandito sa loob ng kwarto na to, at ano daw? Yung iba nakatago na? Wow lang edi sobrang dami pala talaga. Alam ko namang isa syang model at fashionista pero hindi ko naman inexpect na may addictiom pala sya sa damit.

"Ah sis, puro lang eto pambabae, yung sa panlalaki nasa kabilang kwarto. Kay Trevor naman lahat ng yun."

"Dali sis, isuot mo 'to." May binigay sya saking kung anong dress. Medyo manipis nga eh. Sinunod ko na lang ng ipagtulakan nya ko sa fitting room. Grabe, may fitting room sila.

"Oh diba, bagay sayo." Sabi nya ng makita akong lumabas sa fitting room.

Hindi ako makapaniwala sa suot ko. Hindi ko nga makilala sarili ko. Chos lang! Eh kasi naman bagay yung dress sakin. Yung kulay at style nung dress nakatulong para itago ang size ng katawan ko. At isa pa hindi ako sanay magsuot ng ganito.

"Agatha, asan yung tape measure?"
May dumating naman na maid na may dala ng tape measure at binigay kay ate Andromeda.

"Susukatan kita." Hindi na ako nakapagreact pa dahil sinusukatan na nya ako.

"Bakit pa, para saan po?" Tanong ko.
Eh kasi naman wala akong idea sa kung ano mang ginagawa nya sakin. Baka mamaya nyan babayaran ko pala itong damit na binibigay nya. Eh wala naman akong pera at hindi ko din naman to kelangan.

"Igagawa kita ng dress mo. Wag ka nang magtanong kung bakit. Hayaan mo na lang akong gawin to sayo." So yun nga hinayaan ko na lang sya.

Tapos may inabot sya sa akin na mga paperbags after ko magpalit nung suot ko.

"Lahat ng dress na 'to sayo na. Sakto sayo yan! Pang semi formal lang naman yan. Tapos kung may kailangan kang dress if ever may pupuntahan kang events lumapit ka lang sakin, ok?"

Tumango tango na lang ako although hindi ko naman talaga alam kung bakit kelangan nya pa ko bigyan ng mga dress. Kaya nya ba ako pinapunta dito para bigyan lang ng dress? Nagmumukha na ba akong basura? Charot!

"Sorry sis pinapunta kita dito. Gustong gusto ko lang talaga na designan ka ng mga damit, at isa pa wala naman akong kapatid na babae at feeling ko naman sister kita eh. Hihi. I mean soon magiging sister din naman kita. Haha."

Ay ewan. May pagkaweird ata itong si Ate Andromeda, paano ko naman sya magiging sister, aber? Pero happy naman ako dahil nagiging close na kami.

------------

No MeasurementsWhere stories live. Discover now