Chapter 29: The Prom

84 8 0
                                    

A/N: Finally! Last chapter na guys para sa book 1 ng The New Hope Trilogy, enjoy reading! <3

Jasmine's P.O.V

Nagulat ako sa sinabi ni Jonathan, huh? Girlfriend?!

Tumingin ako sa 'kanya at agad din siyang tumingin sa 'kin, tinapakan ko ng madiin ang kaliwa niyang paa then I glared at him.

Sinabunutan ko siya at hinila ang buhok niya palapit sa bibig ko.

"Anong girlfriend? Manligaw ka muna!" galit na galit kong bulong sa 'kanya.

Tiningnan lang niya ako at tinawanan ng mahina, natutuwa pa pala siya kapag ganito ako. He-He! Tuwa niya muka niya!

Nilingon ko muli sila Jonas at Eunice, halatang hulat na gulat sila sa reaction nila. Gusto ko sanang sabihin sa 'kanila na Hello! Assumming nitong bwiset na 'to!

"Oh, siya pala yung babaeng palagi mong kasama pre?"

Tumango naman si Jonathan.

"Oo siya nga."

"2 days nalang prom na, may susuotin naba kayo?" ang tanong ni Jonas.

"Yes, syempre naman kailanganmaging pogi at maganda kaming dalawa ni Jas nun."

I rolled my eyes, kahit kailan napaka-hangin niya talaga then I crossed my arms.

Maya't-maya may kumatok sa pintuan, dumating na yung crew na may bitbit sa tray. Dalawa iyon, isang cinnamon at isang cuppuccino flavor. Agad ko naman kinuha ang sa 'kin, kay Jonathan pala yung isang cuppuccino. Agad naman  lumabasang crew na may ngiti sa 'kanyang labi.

Kumuha kaming dalawa ninJonathan sa kaliwa at tumabi sa pwesto nila Jonas at Eunice, nag-usap silang tatlo doon. Hindi din ako masyadong nagsasalita kasi first of all hindi ko sila close, pero napapansin ko si Eunice na panay tingin ng tingin sa 'kin. Sa tuwing pasimple ko siyang nilingon, palagi siyang naka-ngiti.

Pero, hindi yung ngiting masaya. Kundi, ngiting na may halong lungkot dahil din sa 'kanyang mga mata. Kumikinang ito, mistulang tutulo na ang kanyang mga luha.

"Jonathan, asan yung C.R dito?"

Agad naman niyang tinuro, at tinuro sa bandang kanang bahagi, diretsuhin ko lang daw yun at kaliwa.

Agad naman akong tumayo, at naglakad papunta sa direksyong tinuro ni Jonathan sa 'kin.

Binuksan ko ang pintuan ng C.R, sobrang linis nito. Lumapit ako sa motion sensor na faucet, may nilabas itobg tubig kapag nilalapit ko ang aking kamay. Naghilamos ako ng sandali nang nagbukas ang pintuan, ngumiti si Eunice sa 'kin at lumapit sa 'kin. Naghilamos din siya, at tumingin sa salamin.

Palabas na sana ako ng pintuan ng biglang nagsalita siya, napahinto ako sa pintuan pero hindi ko siya nilingon.

"Jasmine?" naiiyak niyang tanong. "Ingatan mo siya ah?

"I will do my best 'wag kang mag-alala." lumapit ako sa 'kanya at nginitian siya. Niyakap niya ako ng mahigpit, at agad ko din naman siyang niyapa pabalik.

"Nangako kasi ako sa 'kanya na hindi ko siya iiwan." paglalahad niya. "Pero sinira ko ang tiwala niya, si Jonathan yung taong hindi madaling magtiwala sa isang tao. Pero once na masira mo iyon, hindi ka niya ganun kadaling mapapatawad."

"Shhh, tinupad mo padin naman ang pangako mo sa 'kanya. Nandiyan ka padin naman para sa 'kanya, bilang isang kaibigan nalang."

Humagulgol siya kakaiyak, pero mga ilang minuto nadin ang nakalipas tumigil na ang pag-iiyak niya. Ang gusto lang naman niya ay patawarin siya ng taong minahal siya ng sobra at sa matagal na panahon.

The New HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon