Chapter 24: Birthday Gift

88 7 0
                                    

Jonathan's P.O.V

This is the last day.

Today is her flight, mamimiss ko siya, this is it. Our last hug, and last touch. It's already 5:48PM in afternoon, yung flight niya 7:00PM. Hindi naman ako mahihirapan pumunta ng airport besides isang sakayan lang yun sa bus, ang pinoproblema ko lang yung mamimiss ko siya agad.

LDR? Hahaha!  Naka upo lang ako sa kwarto ko ngayon, nakatutok lang ang attention sa laptop na nasa binti ko habang umiinom ng coffee na cuppuccino.

Nag-iisip ako ng bagong chapter para sa leading lady ng bida ko sa Until I Met You na sinusulat ko, nasa chapter 29 nako. Kung saan banda ang climax, kung saan banda magkakaroon ng conflict, kung saan magkakaroon ng dahilan kung bakit sila pinagtagpo.

English pa naman, nosebleed nanaman ako, kaya naman nagsimula na akong magtype sa laptop ko.

Last night, Jammie saw her lost diary in her hidden closet in their basement. She opened it, and read the 10th page in her diary. She was atonished, and she throw her diary and cried. Until she remembered the day January 1, 2007,the day she met Daniel Windchester at the cold morning at George station under the subway. She remember the day when impossible makes possible, she wished at that night to make her dreams come true. And her wish is...

Pinutol ko diyan ang last sentence ko, para irefresh naman ang isip ko. Nosebleed, english ba naman ang sinusulat mo.

Ok sana kung nakinig ka nung highschool sa english major mo, niligpit ko ang laptop ko at nilapag yun sa study table ko katabi ng lampshade. Tinangal ko ang reading glasses ko ang tiningnan ang tsura ko sa salamin.

Few minutes later, I looked at my phone to check the time. It's already 6:30PM, nagmadali akong magbihis papunta sa airport, nagpapara ako ng bus kaso lahat puno. I wear grey jacket, jogger pants. I don't need to be formal, ok na 'to hindi naman ako maasrte 'e, I also bring my reading glasses and my headset.

Reading glasses because I love reading books diba? I bring string bag too and 1 pocket book, named Thirteen Reasons Why by Jay Asher.

It is the story of a young high school student as she descends into despair brought on by betrayal and bullying, culminating with her suicide. The genre is young adult fiction novel.

Ngayon, nasa bus stop nako kung saan naghihintay ng bus, kaso puro puno ang mga laman. Ayoko naman makipagsiksikan kasi hindi naman ako sardinas diba? punuan mga sasakyan ngayon.

'Di ko alam kung makaka-abot ako sa airport bago umalis si Jasmine, nakakainis naman kasi. Baka trafic pa sa EDSA.

Kaya naman napilitan nalang akong sumakay sa air conditioned bus, atleast malamig diba? Ngayon naka-upo ako sa pinaka dulo ng bus, no choice yun nalang ang bakanteng pwesto.

Umupo ako doon at kinuha ang pocket book ko, I start listening music on my headset. Dumikit ako sa bintana banda at sinandal ang ulo ko, umaabon na. Ang ganda ng raindrops lalo na kapag nasa window side ka at nagso-soundtrip, ng biglang naalala ko si Jasmine.

Mamimiss kita Jasmine...

🎤🎶🎵 Magkalayong agwat
Gagawin ang lahat
Mapasa'yo lang ang
Pag-ibig na alay sa'yo

Ang awit na to ay awit ko sa'yo
Sana ay madama
Magkabila man ang ating mundo

Kahit nasan ka man
Hindi ka papalitan
Nag iisa ka lang 
Kahit na langit ka at lupa ako

Ang bituin ay aking dadamhin
Pag naiisip ka sabay kayong
Nagniningning

Dito ay umaga at dyan ay gabi
Ang oras natin ay magkasalungat
Ang aking hapunan ay
Iyong umagahan

Ngunit kahit na anong mangyari
Balang araw ay makakapiling ka

Hihintayin kita 
Kahit nasan kapa
Di ako mawawala
Kahit na may dumating pa

Andito lang ako iibig
Saiyo hangga't nandyan ka pa
Hangga't wala ka pang iba

Dito ay umaga at diyan ay gabi
Ang oras natin ay magkasalungat
Ang aking hapunan ay
Iyong umagahan... 🎤🎶🎵

'Di ko namalayang nakatulog pala ako dito sa bus, and oh wait. Sakto it's already 6:48PM, nagmadali akong hanapin ang terminal kung saan siya, halos madapa na ako kakatakbo pero hindi ko iniindang yun kasi ang mahalaga makasama ko siya bago ang flight niya. I think it's too late, 6:51PM na. Siguro naka pasok na siya.

Nanghinayang ako, yumuko nalang ako at umupo sa sahig. Nabigo akong makita siya, ang gusto ko lang naman makita at mayakap siya.

Nang may lumapit sa 'kin, nilingon ko iyon at ngumiti ako.

Si Jasmine yun.

Tumakbo ako papunta sa 'kanya at niyakap siya ng sobramg higpit.

"Ang akala ko umalis ka na." ang naiiyak kong sabi.

"Papayag ba ako na hindi ko mayayakap ang future boyfriend ko bago ako umalis?"

Natahimik ako sa sinabi niya at nagulat.

"Huy nanahimik ka ata?" sabay hawak niya sa pisnge ko. "Ba't ka namumula?"

"Ayos yung pormahan natin ngayon ah, pormahang nerd ba?" sabay tinawanan niya ako.

"F-Future boyfriend?" ang nauutal kong tanong.

"Oo, pero manligaw ka muna, alangan na hindi diba? Pero sorry ka, hard to get ako"

Niyakap ko siya nung tumalikod siya sa 'kin.

"Mamimiss kita."

Humarap siya sa 'kin, at hinalikan ako sa pisnge.

"Mamimiss din kita Jonathan."

May kinuha siya sa bag niya, 'di ko lang sure kung ano ito.

"Ito tangapin mo ito" sabay abot sa 'kin.

"Ano 'to?"

"Birthday gift." sabay ngumiti siya sa 'kin. " I love you, advance happy birthday Jonathan"

Papano niya nalaman kung kailan birthday ko?

Pinagmasdan ko lang yung regalong binigay niya sa 'kin, hangang sa nawala na siya sa paningin ko. I think pumasok na ata siya, 'di man lang ako nakapag paalam sa 'kanya at mahalikan man siya sa ulo.

Sana palagi siyang ok, binuksan ko ang nilalaman ng maliit na box.

Isa 'tong relo, branded. Mukang mamahalin, gold ang kulay nito. Sa loob ng maliit na box, may nakita akong tiniklop na papel.

Ibinuklat ko ito.

Advance Hapy Birthday Jonathan!!!
Magpakasaya ka ah, habang wala ako.
Magkasing edad na tayo, mamimiss kita.
Hintayin mo ako ah, celebrate your birthday without me. Binili ko 'tong relong 'to para sa 'yo, suotin mo palagi ah? Sana sa simpleng regalo ko ma-appreciate mo sana. This gift symbolized time, kahit na magkalayo tayo, magbibigay padin ako ng oras para sa 'yo kahit sobrang busy ako.
Enjoy your birthday, I love you!!

Itiniklop ko ulit 'to at ibinalik sa box, napangiti ako. 'Di ko aakalaing mag eefort siya ng ganito para sa 'kin.

The New HopeМесто, где живут истории. Откройте их для себя