Chapter 23: Don't Loose Hope

110 11 0
                                    

Jonathan's P.O.V

"Kailan ka babalik?" sabay yuko sa lupa habang naka-upo kami sa bench katapat ng playground kung saan naglalaro ang mga bata.

"After 1 year."

Nanatiling naka-yuko lang kami parehas, hindi din ako nakasagot agad sa sobrang lungkot. I'm speechless. Naiiyak ako, kasi ganun katagal ang hihintayin ko bago ko siya muling mayakap.

"Don't worry, babalik naman ako 'e. Makaka-abot ako sa prom, isang year lang naman Jonathan."

Hinawakan ko ang kamay niya.

"My queen... babalik ka ah? Promise?"

"Promise." sabay ngiti niya sa 'kin.

Hinawakan ko yung kamay niya at nilapit ang ulo ko sa ulo niya, nakapikit ako habang papalapit ako sa 'kanya ng bigla niya ko siyang niyakap.

"Mami-miss kita."

"Ako din Jonathan mami-miss din kita."

Hinawakan ko yung kamay niya at nilapit sa muka ko.

"Jonathan 'wag ka ng umiyak, para sa 1 year lang 'e."

"Kung alam mo lang kasi na mabilis akong maka-miss ng tao Jasmine, lalo ka na, ngayon mahal na kita. 'Di ko nga alam kung papano o bakit kita nagustuhan, basta bigla nalang kitang minahal."

May kinuha ako sa bulsa ko, isang box na maliit.

"Jonathan ano yan?"

"Ito ba? Necklace ito, hinati na puso. Sa 'yo yung sa kaliwang puso, akin yung sa kanang puso. Simbolo ito na pagmamahal ko sa 'yo, pag nasira ito. Ibig sabihin non mawawala ako sa 'yo."

"Nagbibiro ka ba? Bakal kaya ito sa 'tingin mo masisira 'to ng ganun kadali?" ang pagsusungit niya.

"Mismo, hindi naman masisira ang pagmamahal ko sa 'yo, unless masira yang necklace na yan."

Niyakap niya ako bigla, nagulat din ako sa nangyare. Pero parang huminto yung buong mundo ko nang narinig ko siyang umiyak.

"Salamat Jonathan ah? Sa lahat ng pagmamahal."

Maya't maya naglakad na kami pautungo sa lygar kung saan tahimik, secret garden ng Animax Campus. Umupo kami ni Jasmine sa ugat ng puno, gumagabi nadin, lumulubog na ang araw. Naka tingin lang ako sa 'kanya habang siya naka tingin sa pagbagsak ng araw, magkahawak ang aming kamay. 'Di ko mapinta ang kasiyahan ko ngayong araw, pero hindi ko din maiwasan maging malungkot.

Dahil konting minuto, oras, at panahon nalang ang natitira bago siya umalis dito. Sana makasama ko siya sa nalalapit kong kaarawan.

"Nakatulala ka?" sabay tingin sa 'kin.

"Ah wala wala."

"Ano nga?"

"Mami-miss lang kita, gusto kasi kitang makasama 'e." sabay yuko.

"Makakasama mo din ako pagbalik ko dito ulit."

Inakbayan ko siya, unti-unti niya akong tinititigan. Nag slow mo ang lahat ng nasa paligid ko, hangang sa tuluyan ng nagkalapit ang aming mga labi.

Sana ganito nalang ang mga tao sa buong mundo, puro pagmamahalan ang pinapiral, walang taong nasasaktan at umiiyak. Kaya ka nga pumasok sa isang relasyon para maging masaya, hindi para umiyak at masaktan.

"Jasmine my queen, just always remember. I love you, only you. No matter how death can tear us apart. I will still love you, always you, forever.".

"I love you more."

Isang sumpaan ang binitawan naming dalawa, isang sumpa na kahit kailan hindi kami mapaghihiwalay kahit na ang kamatayan.

FLASHBACK

Tanggap ko na yung ikaw na 'di na kayang mahalin ako. Tanggap ko na, na hindi lahat ng gusto ko. Gusto rin ako, na hindi lahat ng pagmamahal na binibigay ko ay masusuklian ako. Dahil ngayon, binitawan na kita para sa 'inyong dalawa. At ganun kita kamahal para hayaan kong nakita kitang masaya sa iba. Na sana ako naman, ako naman ang makaramdam ng halaga kung ok lang. Ako naman magmamahal at ikaw naman yung masasaktan, yung ako naman ang aalis at... hindi na kita babalikan. Noong gabi na tinapos natin ang lahat, saksi ang kalawakan kung gano kabigat ang bawat hakbang ko papalayo sa 'yo. Noong gabing yun, mailap ang mga tala. Na para bang nanandiya kung anong dilim ng aking kalooban na siya ring dilim ng kalangitan, sumabay pa 'to sa 'king kalungkutan. Sinubukan kong maglaro sa ulan, umaasang kaya nito hugasan at tangayin ang sakit na kung saan, ngunit hindi. Dahil ako, ako ang pinaglaruan ng ulan, ako ang pinagtaksilan ng kalawakan taksil ang kalawakan. Sinubukan kong tumakbo kasalungat ng pag-ikot ng mundo nagbabakasakaling kaya ko pang habulin ang kahapon sa piling mo noong sabay nating pagsaluhan ang paborito mong awit, noong sabay tayong naligaw sa magulo nating paligid. Makakaya ko pa kayang ibalik ang oras, minuto, o sigundo. Baka ko pa, baka kaya pa natin, at kung talagang hindi na kayang ibalik, maari bang ulitin nalang natin ulit? Yung ikaw, at ako, ang dating tayo.

Isa lang yan sa mga spoken poetry ko noong senior high palang ako, 'di ko alam kung bakit yan ang pinili ko pero ngayon alam ko na ang kahulugan niyan. Na kapag may umalis, may bagong darating. I think the new hope is real because you cannot feel joy unless you feel pain before.

END OF FLASHBACK

Nagtawanan kami ni Jasmine sa isang bench sa side walk ng Animax Campus.

"Dun tayo sa lalakeng kaya tayong patawanin at pakiligin diba Jasmine?" ang panunukso ko sa 'kanya.

"Ha Ha! Ang corny, tawa naba ako?"

" 'E tayo, tayo naba?" sabay tawa ko ng malakas.

"Anong connect paki-explain?"

"Connect? Yung ikaw at ako." sabay kuha sa panali niya sa buhok.

"Hoy Jonathan panali ko yan! Sampalin kita 'e!" sabay habol niya din sa 'kin.

Naghabulan kami sa sidewalk na parang bata, pilit niyang abutin ang panali niya, halos tumalon na siya oara lang abutin 'to sa taas ng kamay ko. Ng biglang hinalikan niya ako.

Nagulat ako, kaya naman napababa ko ang kamay ko.

"Bwiset ka, halik lang pala katapat mo taob ka na sa 'kin 'e." sabay pag-irap niya sa 'kin.

Lumapit ako sa 'kanya at nag back hug sa 'kanya, tumigil siya at hinalikan ko siya sa pisnge habang nakatalikod siya sa 'kin.

"Tigilan mo ako Jonathan." ang naiirita niyang sabi pero patuloy padin ako sa paghahalik sa pisnge niya.

"Fine sige hindi na nga diba?" sabay humarap siya sa 'kin.

Hinalikan niya ako ulit sa pisnge.

"Mahal kita" sabay yakap niya sa 'kin.

"Nathan." ang tawag niya sa 'kin.

"Hmmm?"

"Mangako ka, na pagka-uwi ko, dito tayo magkikita ulit. Dito sa tagpuan." ang naka ngiti niyang sabi sa 'kin.

"Pangako Jas." ngumiti ako sa 'kanya.

The New HopeKde žijí příběhy. Začni objevovat