Chapter 22: Bad Dream

187 11 0
                                    

Jasmine's P.O.V

"Jasmine, satingin ko ito na ang tamang panahon at oras." sabay kuha ng isang maliit na itim na box sa kanan niyang bulsa.  Binuksan niya iyon at kinuha ang laman  nun.... Isang wedding ring.

"Jasmine, I think this the right time. Sa 'tingin ko ito na ang tamang panahon nating dalawa. After 7 years nating pagsasama at pagmamahalan. Jasmine, will you marry me?"

'Di ako agad kumibo, sa halip umiyak ako sa tuwa. Napatakip pa ako ng aking bibig.

"Jonathan, yes." kasabay nito ang pagtulo ng mga luha ko sa 'aking mata.

Hangang sa nahilo ako at tuluyan ng wala ng naaninag pa, nagising nalang ako ng may puting ilaw sa itaas ng hinihigaan ko. Parang may nahawakan ako, kamay. Pamilyar na kamay,ang kamay ng taong mahal ko.

Si Jonathan...

Magkawak ang aming kamay habang siya ay natutulog... Natutulog nga ba?

May konti akong naaninag, isang diyamanteng sing-sing sa isang dalire ko.

"Jonathan..."

Nanaig ang kalungkutan sa buong kalooban ko, 'di ko na mapigilan ang aking nadarama kaya bumuhos ang madaming emosyon ko kaya't umiyak nalang ako. Hindi ko mapigilan, ang sakit...

Bakit kung kailan ok at masaya na ang lahat, doon pa eeksena ang sakit at puot. Bakit kung kailan masaya ka na, doon pa tayo sasaktan ng tadhana. Napaka-daya ng tadhana, bakit sa dinarami-rami ng lalakeng masasaktan... Bakit yung mahal ko pa? Mas lalo pa akong umiyak ng narinig kong hindi na tumitibok ang puso ni Jonathan.

Tuuuuuuuuuuuuuttttt....

"Jonathan... 'Wag mo akong iwan."

"Jasmine, hapon na gissing na!" sabay bangon ng mabilis, pagbangon ko. Nakita ko nalang si mama na galit na galit at stress dahil sa'kin.

"Ay hala ma, sorry sorry." sabay punas sa muka ko, ngayon ko lang napansin na umiiyak ako.

" 'O ba't ka umiiyak? Anong nangyari?"

"Ma... Isang masamang bangungot." sabay yuko at humagul-gol ng iyak ulit.

Jonathan's P.O.V

Buti naauwi ko si Jasmine sa 'kanila agad, sobrang pagod na pagod siya nung umuwi kami. Naka-tulog siya sa bisig ko kaya naman buong byahe naka-sandal lang siya sa balikat ko, familar lang 'to. Walang pinagkaiba nung pauwi kami ni Eunice galing E.K, nakasandal din siya sa balikat ko. At wait wait....ang cute ni Jasmine matulog, ang cute matulog ng reyna ko. 'Di lang sa tulo ang laway, kundi sa tsura din nito. Kaya naman hinalikan ko siya sa ulo at ikinangiti niya naman iyon, 'di ko alam kung nakita niya yung ginawa ko o naramdaman.

Kinarga ko pa siya pauwi sa 'kanila, ang payat niya pero yung weight. Para akong nagbuhat ng tatlong mamalaking sako ng bigas, ang bigat! Jusme!

'Di ko nalang siya ginissing kasi ang ang cute niya, at pagod din siya 'e, parehas sila ni Eunice kung matulog. Para silang koneho, ang cute pagmasdan habang natutulog.

Jasmine's P.O.V

"Anak, handa ka naba sa flight natin this comming friday?" tanong sa 'kin ni mama.

"I'm not sure, ma. Ano oras ba flight? At para saan?"

"Anak may aayusin lang tayong business doon na pinamana sa 'yo ng tatay mo, 1 year lang tayo doon. Medyo matatagalan kasi complicated na yung buisness doon kaya kailangan kong ayusin."

"Ma hindi pa ako ready umalis ng bansa, saan ba tayo?"

"Paris, France hija."

"Ma. Ang layo at ang tagal bago ako maka-uwi uli dito sa pinas." sabay yuko at tumingin nalang sa bintana habang naka-upo ako sa desk ko.

"Don't worry anak, I'll give you time naman 'e para sa 'inyo ni Jonathan.

"Ma, walang kami ni Jonathan." sabay bumuntong-hininga ako.

"Hija, itext mo na si Jonathan ngayon. Kung gusto mo, magkita kayo ngayon."

Tinext ko nga si Jonathan katulad ng sinabi ni mama. Haayy, LDR. Kahit wala namang kami, siguro M.U? Mutual Understanding o Madalas Umasa?

Jonathan, can we meet together? Sa Animax Campus?
Send: 1:21pm

Sampung minuto nadin ang lumipas pero wala padin siyang reply ng biglang may tumunog sa cellphone ko.

GLOBE REWARDS: You have earned 0.60 point/s. You have 1.2 rewards point/s as of today. Points earned in 2016 will be valid until tommorow only. For a list of rewards items, text ITEMS. For a list of partner stores, text CASHPOINTS. Send to 44** for free.
Sender: 44**

Ang tanging nasabi ko lang... What the f*ck.
Sa sobrang inis ko dinabog ko ang cellphone ko sa desk ng biglang nag-ring ang cellphone ko, may tumatawag sa 'kin. Pagkasilip ko si Jonathan pala ang tumatawag.

Jonathan ❤ is calling...
0927*******

<<<<< Answer                                Reject >>>>>

Sinagot ko ang tawag niya at hinintay siyang unang magsalita.

"Hello Jasmine? 4:00pm sa Animax Campus."

"Sige, puntahan lang natin ang nakaraan kung saan tayo unang nagkakilala."

"Sige." sabay baba sa phone.

Sasabihin ko na kay Jonathan na aalis kami, pupunta ng bansa. I think kailangan niyang malaman, dahil may gusto kami sa isa't-isa. Kaya naman hinanda ko na ang mga gamit ko sa cabinet, magsusuot ako ng jacket na pula at dress na blossom pink color.

I need to talk with him, I have to. I only have 5 days to stay here in Philipphines, gusto ko maubos ang limang araw ko dito kasama ang lalakeng mahal ko. Gusto ko siya mayakap, mayakap ng mahigpit.

I'll make you my everything, I'll make you my queen..

Naalala ko ang mga salitang yan sa 'kanya kagabi, yan ang mga salitang nagpatibok sa puso kong matamlay.

Mga tatlong oras nadin ako naghihintay bago pumatak abg oras na 4pm, ihinanda ko na ang suot ko at umalis na. Naka-punta ako sa Animax Campus ng 4:35pm, naglalakad ako sa side walk ng natanaw ko siya sa gate ng campus. Tumakbo ako papalapit sa 'kanya ng mabilis at niyakap siya ng mahigpit, wala akong pake kung tingnan man kami ng madaming tao dito o bigyan ng maling kwento. Ang sa 'akin lang mayakap ko ang lalakeng mahal ko bago ako lumuwas ng dito, mamimiss ko siya.

"My queen, anong problema?"

"Jonathan, kailangan natin mag-usap."

"Tungkol saan?"

"Jonathan, pupunta kaming Paris ngayong darating na friday."

The New HopeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora