Chapter 27:Past is Past

46 6 0
                                    

Jasmine's P.O.V

Nang maka-lipas ang matagal na panahon, sa wakas naka-uwi na ako. Wala akong ibang gustong hanapin kundi si Jonathan, dahil nga nangako siya. Nangako siyang pagka-uwi ko doon kami sa tagpuan magkikita. May halong tuwa at stress ang aking naramdaman,  si mama naiwan doon sa Paris. Dito muna ako para maalagaan ang kababata kong kapatid.

Agad akong nagpara ng taxi, at pumasok agad. Hindi na ako makapag-hintay makita ulit siya, hindi ko na siya tinext para naman masurprise siya kung darating ba talaga ako.

Jonathan's P.O.V

Ang tagal ng byahe, sobrang bagal pa ng andar dito ng mga kotse. Wala 'e, mapapamura ka nalang dito. Nakaka-inip nadin kasi, halos mag-iisang oras na kami pero wala padin ako sa kalahati ng tinitirhan ko. Nag-isip ako ng pwede kong gawin.

Binayaran ko nalang ang taxi driver at naglakad ako sa sidewalk, kahit papano magalaw naman ang katawan ko.

Pumasok ako sa isang cafe, binuksan ko ang pintuan ng tumunog ng kling! sa pintuan. Pantanggal stress din ito, nilibot ko ang aking tingin.

Ang liit ng mundo 'e 'no? Dito pa talaga nag date ang dalawang 'to? Si Eunice at Jonas, pero okay lang. Matagal-tagal nadin yung nangyare, agad naman nila akong napansin.

"Nathan!" ang sigaw ni Jonas sa 'kin na may malawak na ngitinging bumungad sa 'kin.

Nilingon din ako ni Eunice, at agad naman akong lumapit sa 'kanila ng naka-ngiti. Solid na 'to pare hahaha naka move-on na 'to.

"Nathan matagal nadin, wala na kaming balita sa 'yo simula nung kaarawan mo. Years nadin kasi nakakalipas, so kamusta ka na?" ang tanong sa 'kin ni Jonas.

"Okay naman, palagi naman akong okay."

"Sus, baka sabi-sabi mo lang yan pare ah." ang pang-aasar sa 'kin ni Jonas."Nga pala, kamusta kayo ni Jasmine? Kayo naba? Ikaw ah hindi ka nagsasabi."

"Uy, hindi pa 'no. The feeling is mutual palang, hinihintay ko yung pagbabalik niya 'e galing kasi siyang Paris." ang sagot ko sa 'kanya.

"Ay ganun ba Nathan?" ang naka-ngiti niyang tanong sa 'kin.

"Sandali lang ah, umupo ka muna dito banyo lang ako sandali." sanay inabutan niya ako upuan."Babe sandali lang ah, C.R lang ako babalik ako agad." sabay hinalikan niya si Eunice sa noo.

Awkward scene. Magkatabi ang mag-ex, ganun padin walang pansinan. Maya't-maya nagtaas na ako ng kamay, agad namang may lumapit sa 'king waiter na may ngiting bumungad sa mga labi niya.

"Sir ano pong order niyo?"ang naka ngiti niyang tanong sa 'kin.

"Isa pong Cuppuccino, large size salamat."

Tumango naman ito sa 'kin at nginitian ako ulit.

"Hindi ka padin nagbabago Jonathan, ikaw padin yan kasi yan yung gustong-gusto mong kape kahit joon palang. Pero medyo nagbago ka kumpara sa dati." tumawa ng mahina si Eunice.

"Ako padin naman ito, tangang tao. Ang pinagkaiba lang ay noon mahal kita pero ngayon hindi na. " ang proud kong sabi sa 'kanya.

"Jonathan." biglang humina ang boses niya.

"Hmmm?"

"Please, kung ano man ang nakaraan. Kalimutan nalang natin ah? Again I'm sor--"

"Ibaon nalang natin sa limot ang lahat, Dapat nga maging masaya tayo nung naghiwalay tayo diba? Kasi ito na yung chance na mahahanap natin yung taong para talaga sa 'atin."

Maya't-maya lumapit na ang isang waiter, dala-dala ang cuppuccino coffee ko kasabay nadin ang pagbalik ni Jonas dito sa table namin.

"Babe kailangan na natin umalis, ipapakilala pa kita sa magulang ko."

Tumango nalang si Eunice.

"Nathan una na kami ah? Papano bye na ah?" sabay tinapik ni Jonas ang kaliwa kong braso.

Nang maka-tayo na si Eunice, unti-unti siyang lumapit sa 'kin, at niyakap ako. Nagulat nalang ako sa nakita ko

May mga luhang tumutulo sa muka niya habang naka pikit siya, agad ko naman yun pinunasan at nginitian siya.

"Salamat Jonathan." ang bulong niyang sabi sa 'kin.

Kinawayan ko silang dalawa habang paalis sila, at pinagmasdan sila habang palabas, palayo dito sa 'kin. Alam ko naman na sila talaga ang para sa isa't-isa, at masaya na ako doon. Nagparaya ako noon para sa bestfriend kong si Jonas, kahit wala ng natira para sa 'kin. Past is past.

Inubos ko agad ang cuppuccino ko at inayos ang aking sarili. Tumayo nako at dumiretso sa pintuan, palabas ng cafe. Nagpara ako ng Jeep papunta doon banda sa gilid ng cafe kung saan may barker doon, agad akong naglakad papunta doon at sumakay na para umuwi sa 'min.

Wala pang kalahating oras nagpara na ako, bumaba ako sa daan papunta sa tirahan ko. Naglakad ako pauwi, nang may madaanan akong All 10 pesos items store doon malapit sa 'min, na 'di din masyadong kalayuan.

Sinilip ko lang ang tindahan, at may nakita akong isang necklace na may letrang J doon, bigla kong naisip si Jasmine doon. Hindi ko naman kasi masyadong afford ang mamahaling necklace. Kinapa ko ang aking bulsa, buti meron pa akong bente dito. Atleast may kalaman-laman padin kahit papano.

Nang maka-uwi ako sa bahay, inayos ko na ang aking tuxedo dahil 2 days nalang prom na sa Animax Campus. Nakaka-excite din ang ganoong pang-yayare, balak ko sana isayaw si Jasmine at ako mismo ang magsusuot ng kwintas na ito sa 'kanya. Kaso, nakaramdam ako ng lungkot nang hindi ko alam kung kailan pala siya makakabalik.

Kinuha ko na ang aking tuxedo, at pinatong yun sa 'aking mesa para ito ay plantsahin.

Nang matapos ko na itong plantsahin agad ko naman itong sinabit sa cabinet ko, all dome and prepared na

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

Nang matapos ko na itong plantsahin agad ko naman itong sinabit sa cabinet ko, all dome and prepared na. Dalawa nalang ang kailangan kong baon doon sa prom, una ang confidence, at pangalawa naman ay kagwapuhan. Kailangan maging pogi ako doon.

Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin, ang haba ng buhok ko. Pero gwapo padin, kaya crush ko sarili ko 'e.

Sana maging masaya itong prom na 'to, aasahan kong maganda ang isusuot ni Jasmine. Siya pa ba? Yung pandak na yun na cute, namimiss ko na siyang yakapin.

Bumulong ako sa 'aking sarili.

"Jasmine, maisasayaw nadin kita sa madaming tao. Sisiguraduhin kong ikaw ang pinaka maligayang babaeng mamahalin ko habang buhay, pangako yan." sabay ngumiti ako.

The New HopeМесто, где живут истории. Откройте их для себя