Chapter 12: The Cafe 2

190 11 0
                                    

Jasmine's P.O.V

6:30PM na ako naka uwi sa bahay, papano ba naman nakaka inis yung trafic sa EDSA. Jusmiyo, para akong babae na mandirgma ng spartan na haggard galing sa pakikipag sapalaran sa thesis naming subject, tapos sinabayan pa ng siksikan sa bus, ingay ng busina sa EDSA tapos sabayan pa ng sigawan ng mga barker ng bus at jeep na laging bukambibig "Tapt at Shap!" Daw, ano daw? Hay di bale, konting pahinga lang at ok na ako. Siguro konting beauty rest lang joke, konting pahinga lang siguro.

"Hayy, bagsak nanaman katawan ko neto." sabay huminga ako ng malalim.

Unfogetable moment talaga yung kanina nung umiyak si Jonathan habang kumakanta yung nag jajamming doon ng "Dating Tayo" ni Tj Monterde. Oo, inaamin kong malungkot yung kantang iyon. Alam ko din kung anong storya ni Jonathan, at mas lalong alam ko kung bakit siya nasasaktan at kung bakit siya umiiyak kanina. Siguro hindi pa siya nakaka move-on sa ex niya na si Eunice. Alam kong masakit maiwan at ipagpalit nalang basta-basta kasi naman.. You know? Parang feeling mo ang panget mo kasi pinagpalit ka nalang niya basta-basta, parang di pa sapat yung ginawa mo para iwan ka nalang niya ng biglaan? Diba masakit? Kaya alam ko din kung ano ang pinagdadaanan ni Jonathan ngayon. Kaya bukas, I will help him na maka move-on. Alam kong di pwedeng pilitin ang pag momove-on pero sabi nga nila.

Kapag gusto may paraan, kapag ayaw madaming dahilan...

Pano ka makakalimot kung pati mismo sarili mo di mo matulungan maka move-on. That is the part of our life na pathetic, kasi tayo din ang may kasalanan kung bakit nasasaktan tayo eh. Once is enough, but Twice is so much.

Kaya starting tommorow... I will help Jonathan na makalimot sa past niya, I think dadalhin ko nalang siya sa gilid ng SM. Yung cafeteria na sinasabi nilang "Love Cafe" sabi daw nila, kapag tinapon mo doon yung papel na naka sulat ng taong mahal mo, magiging kayo daw. Gusto ko lang malaman kung totoo yun, di naman sa nagdududa ako. Gusto ko lang talaga malaman kung totoo ba talaga iyon o hindi.

Maya-maya'y nagsuot na ako ng damit kong pantulog at pinatay ang ilaw para matulog.

Jonathan's P.O.V

6:56PM nakauwi na ako sa bahay. Sa sobrang pagod ko, bagsak na ang a'king katawan kaya ang una kong ginawa ay humiga na sa akin kama at tumingala ulit ako sa kisame katulad ng dati kong ginagawa. Iniisip ko kung saan ba kami pupunta ni Jasmine bukas, di ko talaga alam kung saan pero curious ako. Gusto ko kasi maging busy, para naman mapadali ang pag momove-on ko. Maya-maya'y inisip ko yung about sa isusulat kong story na "Until I Met You"

"Writer's Block nanaman ako neto." sabay ngiti sa a'king sarili.

Di ko talaga alam kung pano ko iyon sisimulan o tatapusin, alam ko kung ano yung kwento pero di ko talaga kung pano ko siya simulan. Habang iniisip ko ang about sa isusulat kong kwento, di ko namalayan na naka tulog na pala ako sa sobrang pagod ko sa mga ginawa ko ngayong araw.

The New HopeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora