Chapter 5: Voice

308 16 5
                                    

Jasmine's P.O.V

FLASHBACK

8:40AM kakatapos ko lang sa trabaho ko kasi working student ako sa isang restaurant sa likod lang ng campus, minadalian ko ang aking pagpalit ng damit dahil may ipapasa pa akong project na dapat isusubmit ko ng 8:50AM sa prof. ko sa english subject, at may dala-dala akong libro dahil may exam pa ako ng 11:00AM sa chemistry class ko, 2:00PM sa mathemathics class, at 4:00PM sa english class ko. Dahil rush hour ako, binilisan ko na ang pag aayos sa aking sarili, naglagay ng konting make-up then go na. Pag tingin ko saaking orasan, 8:45AM na.

"Patay! Kailangan ko ng magmadali!" ang sigaw ko sa aking sarili.

Sa sobrang madali ko, tumakbo na agad ako ng mabilis papuntang sidewalk dala-dala ang project ko na ipapasa ko sa prof. ko at ang mga libro na dapat kong aralin. Sa sobrang madali ko, nabanga ko ang isang lalakeng nagbabasa sa sidewalk. Parehas kaming natumba, nasaktan ako konti. Kasalanan ko naman eh, pero maya inabutan niya ako ng kamay at pinulot niya yung mga dala kong libro na nagkalat sa daan. Nagpulot din ako syempre ng mga nahulog kong libro but suddenly, di ko napansin na napulot ko pala ang notebook na binabasa niya. Maya-maya may napulot siyang picture, pero mga ilang saglit agad ko iyong kinuha sakanya at ang mga pinulot niyang libro na pagmamay-ari ko. Nagsorry nalang ako sakanya dahil sa mga nangyari at maya-maya agad akong humarurot ng takbo paalis dahil may ipapasa pa akong project.

8:59AM paakyat na ako sa building ng Animax Campus pero mga ilang saglit natigil ako dahil hinahabol ko ang aking hininga.

"Hays, 'di ako pwedeng magpahinga ngayon. Kailangan ko pang ipasa ang project ko sa Chemisty Prof. ko." bulong ko sa aking sarili habang hingal na hingal.

Maya-maya't tumakbo ako ng mabilis paakyat sa 3rd floor kung saan nandoon ang office ng prof ko sa chemistry. Nang pagka-akyat ko sa 3rd floor, tumakbo ako ulit papuntang office sa kaliwa bandang part. Nang pagpasok na pagpasok ko, bumungad saakin ang sermon ng prof. ko.

"Ms. Cortez, late ka nanaman nagpasa ng project mo. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ito nalang ang tanging hinihiling ko para makapasa ka sa subject ko." ang pasigaw niyang sermon.

"Sir promise po, last na po talaga ito. Nag extra time lang po ako ako sa restaurant na pinagtratrabahuan ko."

"Pagbibigyan kita ngayon ah! Pero this is will be the last time na late ka magpapasa ng project sa subject ko. Maliwang ba Ms. Cortez?"

"Opo sir, promise po!"

Mga ilang sandali naglakad na ako palayo sa office ng prof. ko at may kinapa ako sa aking bag, kinuha ko yung notebook na binabasa-basa ng lalake kanina na nalaglag nung nabanga ko siya. Habang binabasa ko ang mga iilang pahina mula doon, naramdaman ko ang sakit na nakasulat doon.

December 15, 2016

Nasa E.K kami kanina mga 7:00PM ng gabi, sobrang saya naming dalawa kasi nag enjoy kami bawat rides. Like the rides you called Rio Grande? Sobrang dami naming tawa doon dahil parehas kaming naligo sa tubig, that was so fun. Next naming sinakyan yung flying fiesta ba yun? Sobrang natawa ako doon kasi naka-kapit siya sa braso ko habang paikot ikot kami doon habang ako chillax lang samantala siya tili ng tili hahaha! Next namin sinakyan yung Space Shuttle, worth it naman kahit sobrang haba ng pila. Habang paakyat kami sa taas ng roller coaster, tili siya ng tili kahit di pa nga bumababa yung roller coaster pero the funny part is yung hunarurot pababa yung roller coaster, tawa ako ng tawa kasi palagi niyang sinasabi na "Jusko manong ibaba niyo ako dito, maaga pa para mamayapa ako sa takot" hahaha! Next rides naman namin yung Air Pterodactyl, pero pati ba naman yun na mababa lang tili siya ng tili? Hahahaha and sumunod na sinakyan namin yung EKstreme Tower, sa lahat ng sinakyan namin halos dun kami parehas mawawalan ng puso sa kaba ng pagkababa namin doon. At ang last naming sinakyan yung Wheel of Fate na para bang Ferris Wheel. Ang ganda ng view, kita ang buong E.K doon at lalo na ang view sa Laguna. Nang pagkababa namin doon dumiretso kami sa photo boot ng E.K at doon kami nagpapictute dalawa, tag iisa kami ng pic at nilagay namin yun sa wallet namin. Maya-maya nung pagkasakay namin sa bus, nakatulog agad siya sa pagod. And look at her face, para siyang bata na tulo laway kung matulog hahaha! Ang cute tingnan.

Februry 19, 2017
Nang papunta ako sa cafe na palagi naming tinatambayan, nakaramdam ako ng sakit at hapdi na para bang binagsakan ako ng langit at lupa.

Eunice kissing someone else, but that body looks familiar to me. Ng palapit ako ng palapit sakanila, dun na bumuhos ang lahat ng emosyon ko. Umiyak ako mismo in front of them, at totoo nga ang hinala ko.

She kissing my bestfriend, Jonas. Ang pag-asa ko na kami ang magkakatuluyan ay nawasak ng dahil lang sa pagtataksil niya saakin.

"Jonathan?" ang pabulong niyang sabi saakin, lumingon na din saakin si Jonas.

"Oh my God, I'm so sorry Jonathan." ang paluha ding sabi ni Eunice saakin.

Habang papalapit siya sa 'kin, tumungo nalang ang aking ulo at tinakbuhan ko siya ng mabilis.

Jonathan's P.O.V

Habang naglalakad kami ni Jasmine papunta sa Animax Campus, pinagmasdan ko ng maigi ang aking diary.

🎤🎶🎵 Di na muling luluha
Di na pipilitin pang ikaw ay aking ibigin
Hanggang sa walang hanggan

Di na makikinig ang isip ko'y lito
Malaman mo sanang ikaw ang iniibig ko

At kung hindi man para sa akin
Ang inalay mong pag-ibig
Ay di na rin aasa pa
Na muling mahahagkan

Dahan dahan mong bitawan
Puso kong di makalaban
Dahil minsan mong iniwan
Labis na nahihirapan

Di na papayag na ako'y iyong saktan na muli
At malimutan ang ating nakaraan
Di mo ba naririnig pintig ng aking dibdib?
Lumalayo na sa'yo ang damdamin ko

At kung hindi man para sa akin
Ang inalay mong pag-ibig
Ay di na rin aasa pa
Na muling mahahagkan

Dahan dahan mong bitawan
Puso kong di makalaban
Dahil minsan mong iniwan
Labis na nahihirapan

Dahan dahan mong bitawan
Puso kong di makalaban
Dahil minsan mong iniwan
Labis na nahihirapan... 🎤🎶🎵

"Jonathan?" ang tanong sa 'kin ni Jasmine. "Eyy magaling ka palang kumanta? Tara audition tayo sa The Voice charot lang."

The New HopeWhere stories live. Discover now