Chapter 10: Smile

178 15 3
                                    

Jonathan's P.O.V

Pag gissing ko ng 5:00AM ng umaga. Ngumiti ako ng malaki sa aking mga labi, naka ngisi habang nakatingala sa taas ng kisame ng aking kwarto. At tumayo nadin sa aking hinihigaan.

"Bakit kaya ang saya-saya ko?" ang tanong ko sa aking sarili habang naglalakad papunta sa C.R para maligo.

"Hindi naman ako nasisiraan ng bait o nababaliw? Ano kayang meron sa araw na ito? Bakit ba ako naka ngiti?"

Mga sampung minuto nadin ang nakakalipas, nakaligo nadin ako. Habang pinupunasan ko ang buhok ko, hinanap ko ang aking damit sa drawer malapit sa higaan ko. Mga ilang sandali naghanda na ako sa aking sarili para pumasok, suklay-suklay konti sa lampas kilay kong bangs, at isinuot ko na ang aking salamin pagkatapos lumabas nadin ako sa aking bahay.

------------------------------------------------

At another himala again, 6:00AM nasa highway na ako, naglalakad papunta sa school galing ako sa nasakyan kong jeep.

"Aba, himala nananan? Walang trafic sa EDSA?" sabay kamot sa ulo ko.

Habang ako'y naglalakad sa highway papunta sa gate ng Animax Campus. Kinuha ko ang aking diary sa bag at binasa ang 9th page sa diary ko, habang binabasa iyon. May bigla akong naalala.

FLASHBACK

Dear Diary:

Nung ako'y Grade 7 pa lamang, kinakabahan ako sa bago kong school. Amec School, dahil transferree ako doon. Dinaig ko pa ang santo sa sobrang tahimik ko.

"Mukang loner ako?" ang tanong ko sa aking sarili habang nakatingin sa katabi kong upuuan na wala pading umuupo na kaklase ko.

7:00AM tumunog na ang bell sa school namin at doon na nagsimula ang introduce yourself. Mga limang minuto nading lumipas, wala parin yung adviser namin kaya halos lahat ng classmate ko nag iingay, kahit saang angulo mo man tingnan. Sobrang gulo nila, halakhakan dito, halakhakan doon. Ako lang ata yung pinaka tahimik dito eh, kasi naman halos lahat sila ang iingay.

7:06AM sakto sa analog clock namin sa taas ng whiteboard, may biglang bumukas ng pintuan ng room namin at naghanap ng bakanteng uupuan. Tumingin siya saakin, at ngitian ako.

Sobrang ganda niya, may pagka red yung buhok niya. At napaka ligalig ng tawa niya. Maya-maya umupo na siya sa aking tabi at nagpakilala saakin with her cheerful smile.

"Hi, bagong transferee ka dito?" ang tanong niya saakin.

"Uhhm, oo eh." ang nahihiya kong sabi.

"Hahaha! Oh bakit parang ang tahimik mo? Ay oo nga pala, bago ka lang dito. By the Way I'm Eunice Trinidad, nice to meet you? Uhmm?" ang tawa-tawa niyang sabi saakin.

"Loner kasi ako, di ako sanay na may katabi. Kahit noong bata pa ako, I'm Jonathan Malacau, nice to meet you too." ang naka simangot kong sabi.

"Oh bakit ka naka simangot? Sayang naman yang muka mo, gwapo gwapo mo tapos naka simangot ka. Ngumiti ka naman para labas kapogian char!" sabay tawa ng malakas saakin.

Napangiti nadin ako sa sinabi niya saakin, sabay tawa.

"Oh yan, napangiti at napatawa na kita. Mas bagay sa'yo ng naka ngiti, parang tayo. Bagay." sabay tingin sa whiteboard.

Namula ako sa sinabi niya saakin, inaamin ko. Medyo comfortable akong kausap siya, iba kasi siya sa lahat. Di naman sa binola lang niya ako kaya ako nagkakaganito. Parang kasi tama yung sinabi niya na bagay kami.

Mga ilang sandali, pumasok na ang adviser namin sa room namin. Kaya lahat ng kaklase kong maiingay, nanahimik. Nagsimula ang introduce yourself sa likod kaya ang swerte namin ni Eunice kasi pinaka una kami sa dalawang upuan sa second row.

Kinakabahan ako sa introduse yourself kasi ako lang yung bagong transferee dito nang bigla hinawakan ni Eunice yung kamay ko.

"Wag kang kabahan Jonathan, palagi lang ako nasa tabi mo" sabay ngiti saakin.

END OF FLASHBACK

Napangiti ako sa nabasa ko sa aking diary.

"Tch! Nangako ka nga noon na palagi mo akong nasa tabi, eh ngayon. Nasaan ka na?" sabay smirk at naglakad papunta sa gate ng Animax Campus.

The New HopeWhere stories live. Discover now