"Edi! Magkakasundo pala kayo ni Mozzy nyan kasi mahilig siya magluto." Si Nanay Lorie.





Nagtagal pa kami sa kusina kakwentuhan si Nanay Lorie, sobrang bait niya masarap kausap tipong hindi ka talaga maboboring.



Hapon na nang magpasya akong maligo sa dagat. Suot ang isang two piece na kulay puti ay lumabas ako kanina pa nagpaalam sa akin si Kiefer na mamimitas daw sila ng mga prutas kasama niya si Tatay Greg.




Tama nga si Rick mas maganda ang dagat dito. Mas malinis at ang tubig sobrang linaw, sumisid pa ko papunta sa mas malalim na part at napangiti ako ng makita ang mga kasabay kong iba't ibang uri ng isda.



Pagkaangat ko ng ulo ko nakita ko sila Kiefer na may dala dala na iba't-ibang prutas. Natatakam ako doon sa buko na dala niya napakaarte ni Kiefer may pa design pa na payong.





Naupo siya doon sa nilatag ko. "Babe? Come here na please." Sigaw niya at kumakaway pa sa akin.






Hindi ko siya pinansin at pinasya na lang na sumisid pa. Magsusungit na naman yan kapag umahon na ko.






"Sabi ko lumapit ka na sa akin eh. Sobrang stubborn mo talaga." Bungad sa akin ni Kiefer pagkaahon ko.





"Why so sungit?" I asked him and pinch his nose. Tapos tumabi ako sa kanya at kinuha ang buko. "Marami kayong nakuha na fruits?" Sabi ko pero nagulat ako ng tumayo si kiefer kala ko lalayasan niya ko pero umupo lang pala siya sa likod ko at niyakap ako.




"Marami din, mamili ka na lang doon." Bulong niya sa tenga ko. Ayan na naman ang abnormal kong puso na grabe tumibok. "Are you enjoying your stay here?" Tanong niya sa akin.




"Oo naman, new environment, fresh air. Malayo sa limelight. Walang bashers." Sagot ko sa kanya at hinawakan ang kamay niyang nakayakap sa akin.






"I'm happy that you like the place. So payag ka ng magstay dito ng 3 months?" Tanong niya ulit sa akin.






"Bakit? May choice ba ko? Eh dinala mo na nga ako dito sa isla mo para mas lalo akong hindi makatakas no." Sabi ko sabay hampas sa mga hita niya.






Tawa naman ng tawa si Kiefer sa sinabi ko."Sunset babe. Dali tayo ka kuhanan kita ng picture maganda ang view." sabi niya tapos tumayo siya at kinuha ang camera niya, napangiti naman ako sa sinabi niya. Kiefer is really a charmer.






"Hold on, Ly. Please stop that." Sa isip ko at pinilig ko ang ulo ko. "Ano bang post ang gusto mo Mr. Ravena? Fierce ba?" Tanong ko sa kanya.





"Just be yourself and that's enough to me. And of course enjoy ka lang." Sabi ni kiefer na nakapagpatigil sa akin.





"Juice ko naman Kiefer. Magtigil ka na nga kilig na kilig na ko eh." Sa isip ko at bigla akong tumalikod sa kanya para hindi niya makita ang reaksyon ko.




"Babe? Ang tagal naman bilis na para mas marami kang kuha." Ayan na naman bumalik na naman ang masungit at kulang sa pasensya na mood ni Kiefer.






Tawa naman ako ng tawa dahil sinasadya kong hindi magpost ng mga pangit at puro wacky pero si Kiefer patuloy pa din sa pagkuha.






Nakita ko siyang naupo na doon sa nilatag ko kanina at nang tignan ko ang itsuta niya nakangiti siya habang nakatingin sa mga pictures ko.





Dreams Into Reality (COMPLETED)Where stories live. Discover now