"Oh...sorry!" Ang akala niya naman ay nauna na rin ito'ng kumain! Hindi naman niya matanggihan ang mommy nito.

Donny continued pouting but it looked more made-up now. Kumikinang ang mga mata nito sa ngiting pilit na itinatago. "Samahan mo pa rin ako'ng kumain."

Napa-ngisi siya, "Iyon lang?"

"Hmmm...you can feed me too," he said in a teasing tone.

"Tss..." nangingiti niya ito'ng nginiwian. "Hindi bagay sa'yong sinusubuan. Ang laki-laki mo na, eh."

Sinimangutan siya ni Donny ngunit gaya kanina ay hindi naman iyon seryoso. Hinila niya na ito patungo sa kusina at pina-upo sa breakfast counter habang kinukuhaan ito ng pagkain. Naroon si Crizelda, isa sa mga kasambahay, ngunit gusto niyang siya ang umaasikaso sa asawa.

"Do you have a picture of your gown? Can I see it now, angel?" he curiously asked while waiting for his food.

"Hindi puwede!"

"Why?"

"Basta, bawal pa. Wait for our wedding day, Mr. Attorney," she grinned.

"I can't wait to see it. But I've lived long enough with my lola, mother and sister to know better. I think I really have no choice but to wait," pagsuko nito na mas lalong nagpangiti sa kanya.

Inilapag na niya ang plato sa harapan ni Donny para magsimula na ito'ng kumain. It's almost nine in the clock. She couldn't imagine how starving he is right now. Pinagkrus niya ang mga braso sa ibabaw ng counter habang pinapanood ito. "Sa susunod, huwag mo na kasi ako'ng hintayin umuwi. 'Di ko naman dala ang pagkain mo."

"Nako, Ma'am, pinipilit namin 'yan si Attorney na kumain kanina pero gusto ka talagang hintayin," ani Crizelda.

"Talaga? Tsk..." Bumuntong-hininga siya at pinagtaasan ng kilay si Donny nang ibalik ang tingin dito.

"I won't eat my dinner without you," he insisted.

"Ang sweet ni Sir!" tudyo ni Crizelda sa kanila.

Gusto niyang mas lalong sumimangot sa sinabi ni Donny ngunit hindi siya nakatiis at naiiling na napangiti na rin. "Tigilan mo ako, Donato."

"You're smiling," he proudly said.

"Hindi ibig sabihin no'n natutuwa ako sa'yo." Kaso kahit ano'ng pigil niya ay lalo lamang siyang napapangiti lalo na nang ngusuhan na naman siya nito. Damn it, why does he have to look so adorable!

"Nako, ang sweet ng mag-asawa! Maiwan ko na nga po kayo."

Natatawa niyang inilingan si Crizelda. Sa ilang araw na pagtira niya rito ay nakasundo na niya ang mga empleyado ni Donny. She must say that her husband knows how to choose his people. Mababait ang mga ito at talagang mapagkakatiwalaan.

"Come here, angel. I have something to tell you," tinapik-tapik ni Donny ang high chair sa tabi nito. Agad siyang naglakad patungo roon at umupo sa silya. Donny scooted his seat closer as if they're not close enough.

"Ano 'yon?" tanong niya habang marahang sinusuklay ang buhok nito ng kanyang mga daliri.

"Well...I talked to my dad and told him about our wedding. He said he wanted to meet you," anito habang maingat na pinagmamasdan ang kanyang ekspresyon.

Congressman Gregory Pangilinan. Ilang taon na rin nang huling beses niya ito'ng makita.

"Will that be okay, angel?" he cocked his head to one side, waiting for her answer.

Ngumiti siya at tumango roon. Wala siyang nakikitang dahilan para tanggihan niya iyon. She'd certainly want to meet Donny's father and this time as his son's wife. "Oo naman, Donny."

Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)Where stories live. Discover now