Chapter 14

795 55 6
                                    


GIAN POV

"Brrr! Emegerd! Ako lang ba ang nakakaramdam ng lamig dito?  Babe paki-off naman ng aircon. Ang lamig eh!" rinig kong inarte ni Rose. Mula sa kinatatayuan ko ay kita ko ang pagyakap niya sa sarili.

"Anong nangyari? Okay pa naman siya kani-kanina lang ah," boses naman ni Rayne. Nangungunot na naman siguro ang noo nito.

Sa tagal na kasi naming magkakasama, halos memorisado ko na ang moods ng mga kaibigan ko.

"Do you know something, Gian?" Napatingin ako sa nagsalita.

Bumungad agad sa 'kin ang nakataas ang kilay na si Vio. Napalunok ako. Uh-oh, this is not good! What to do? sa isip-isip ko. Palapit siya sa 'kin ngayon.

Sasabihin ko ba? Ah huwag na!Mapagkamalan pa akong chismoso. Saka isa pa, lagot ako kapag nalaman ni Reese na sinabi ko sa kanila ang nakita ko kanina. Baka maghapon na naman akong batuhin ng bolang apoy. Natuto na ako! Ang hirap kayang ilagan ang mga iyon, lalo na kung nakatali ang isa mong paa sa puno. I still love my skin to experience that again! Ayaw ko ngang maging negga katulad ni Brent.

Hindi. Joke lang. Hindi naman talaga negga si Brent. Katunayan nga'y mas maputi pa iyon kaysa sa 'kin. Nagmimistulang mestisong bangus sa kaputihan. Parang hindi nasisinagan ng araw. Hindi naman siya bampira.

"Bah! Kinamalayan ko!" Gaya ng inaasahan ko, sinamaan agad ako ng tingin. Heto na nga bang sinasabi ko. Ayaw na ayaw kasi ni Vio na nagsisinungaling ako sa kaniya.

"Hindi ko talaga alam! Pagdating ko sa kusina badtrip na 'yon. Malay ko ba kung bakit," pagtatanggol ko sa sarili. Sana naman ay kagatin niya ang palusot ko.

"Eh ba't todo tanggi ka? Hay naku Vio, I'm sure may alam 'yan, ayaw lang sabihin."

Pinaningkitan ko ng tingin si Rose. Narinig niya pala. Mapapahamak ako sa bunganga nito eh! Daig pa ang detective kung mag-imbestiga.

"Hindi ko nga talaga alam! Ang kukulit niyo rin eh! Halika na nga babe, labas muna tayo." Hindi ko siya hinintay na magsalita pa at agad na hinila.

Hindi rin naman ito nagprotesta habang hinihila ko kaya't alam kong hindi talaga ito galit sa 'kin. Nagtatampo, oo, pero hindi galit. Ibibili ko na lang ito mamaya ng paborito niyang ice cream para mawalang tuluyan ang inis niya.

ZHYRIX POV

"Seriously? Zhy, may alam ka ba kung ba't bigla na lang nawala sa mood si Reese?" Napabuntong-hininga ako.

Isa lang naman ang alam kong dahilan kung bakit biglang nagbago ang mood niya. Naalala na naman siguro niya ang nakaraan. Napansin ko kanina na mahigpit ang hawak niya sa kaniyang celphone. Idagdag pa na nakakabit doon ang earphone. Paniguradong nakinig na naman ito ng tugtog kaya nagkakaganyan. Palagi ko naman siyang pinagsasabihan dati na palitan na ang mga tugtog niya, pero nagmatigas siya. Ano pang magagawa ko? Hindi naman ako nanay ang niya.

"It's for me to know, and for you to find out." Makahulugan kong sabi na ikinakunot ng noo nila.

Kung minsan may pagka-slowpoke rin ang mga ito. Sa totoo lang ay alam din naman nila ang mga sagot sa katanungan nila, iyon nga lang ay hindi ko na alam kung bakit hindi pa pumapasok sa isip nila iyon.

Agatha: Of Words and Wisdom [Under Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon