Chapter 8

1.5K 97 4
                                    


RAYNE POV

Bigla akong naalimpugutan sa pagkakatulog sa malakas na sigaw ni kuya. Pupungas-pungas akong napatingin sa kaniya na ngayo'y halos umusok na ang tainga sa inis. Kulang na lang pati ilong ay umusok din.

Hawak-hawak nito ngayon ang mga damit niya na kusot-kusot at hindi natupi.

"You called for me?" inosente kong tanong na mas lalong nagpatindi ng inis niya.

"What the hell did you do to my clothes? Bakit ganito na sila!"

"Bakit kuya? Inilagay ko naman sa cabinet mo ang mga gamit mo," kalmado kong sagot.

Napalunok lang ako nang makitang nanginginig na si kuya sa inis. Galit na talaga siguro ito.

Uh-oh! Better escape! Napalunok ako sa naisip. Bago pa man siya magsalita ay mabilis na akong tumalima para buhatin si Agatha sabay takbo palabas ng kwarto.

"Rayne! Hindi pa tayo tapos!" malakas na sigaw ni kuya. Ramdam ko pa ang bahagyang pagyanig ng sahig pati na rin ang biglaang pagkakaroon ng malakas na hangin sa korridor. Imbes na matakot ay napabungisngis lang ako.

"You're welcome! It's your damn fault for always making me fix your things everytime!" Sigaw ko naman pabalik bago tumawa.

I got him this time!

Dumiretso na muna kami sa rooftop para tumambay. Hihintayin na lang namin na makaalis si kuya bago bumalik sa kwarto. Mabuti na lang ay may mga duyan dito na pwedeng higaan.

Pagkababa ko kay Agatha ay tinuro ko na agad ang duyan sa kabila. Saka lang ako nahiga nang maglakad na ito palayo. Napatingin ako sa kabuuan ng Campus. Napangiti pa ako nang makita ang iba't-ibang mga bulaklak. Nakakaakit sa mata ang mga kulay nila.

Napapikit ako ng mariin. Ninanamnam ang malamig at preskong simoy ng hangin. Malaya itong humahampas sa aking balat. Hindi ko masyadong nararamdaman ang init ng panahon sa tuwing tatambay ako rito.

Ilang saglit pa'y naramdaman ko ang pagbigat ng aking mga talukap. Pilit ko itong nilalabanan pero sa huli ay bumigay na rin ako.


Hindi ko alam kung ilang minuto ba akong nakaidlip pero napamulat ako ng mata ng maramdaman ang paisa-isang patak ng ulan.

Kamalas naman oh! Kung kailan ang sarap na ng higa ko saka pa lang uulan! Buwisit! Padabog akong tumayo saka pinuntahan si Agatha. Tuwid na tuwid itong nakaupo habang nakatingin sa malayo. Hindi ba nasakit ang likod niya?

"Agatha, tara na, baba na tayo. Mukhang uulan eh," malambing kong sabi. Napatango naman ito kaya inalalayan ko na siyang tumayo. Nakakailang hakbang pa lang kami nang magsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Binuhat ko na lang siya bago tumakbo patungo sa may pintuan.

Ang ending, basang-basa kami.

"Pambihira naman oh! Wrong timing naman ang pag-bless mo sa 'min kaibigang ulan! Yung totoo? May galit ka ba sa 'min?" Malakas kong sigaw habang pinagmamasdan ang patuloy na pagluha ng langit.

Hindi ko na rin binaba si Agatha habang binabagtas namin ang daan pababa sa floor namin. Mas gusto ko iyong ganito kami palagi pero hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako. Paanong ang gaan-gaan niya samantalang doble pa sa 'kin ang kaniyang kinakain?

Agatha: Of Words and Wisdom [Under Major Revision]Where stories live. Discover now