Chapter 12

741 50 4
                                    


RAYNE POV

Agatha! Nasaan ka na ba? Nalingat lang ako saglit, bigla ka na lang nawala! Urgh! Lagot ako kay Kuya nito. Paniguradong walang katapusang sermon ang aabutin ko sa kan'ya kung nagkataon! May bonus pang batok.

Kanina ko pa siya hinahanap pero parang impossible eh. Nalibot ko na yata ang halos kalahati nitong Academy, pero wala pa rin. Wala naman talaga akong balak na ipaalam sa iba dahil paniguradong makakarating iyon kay kuya, pero wala na akong ibang pagpipilian. Mas lalo lang magagalit si kuya kung hindi ko agad ipinaalam sa kanila na nawawala si Agatha. Ano ba naman ito oh! Trouble agad! Kung hindi ba naman kasi sobrang laki ng paaralang ito ay madali ko lang sana siyang mahahanap, pero hindi eh!

Kakalabas ko lang ngayon sa isang abandonadong building dito sa may malapit sa HQ namin ng biglang mag-ring ang telepono ko. Sino ba itong buwisit na ito?

Hindi ko na sana papansinin ang text pero nakita ko ang pangalan ni Gian sa harapan. Ano bang gusto nito?

[From Gian;

Fra, asn k fra?]

Rereplayan ko ba? Aist! Bahala na!

[To Gian;

Dito sa abandoned building na malapit sa HQ. Bakit?]

Aalis na sana ako ng mag-ring ulit ang cp ko. Ang bilis naman nitong magreply. Kung sabagay, tatagurian ba siyang typing Prince kung hindi siya mabilis magreply?

[From Gian;

Dmrtso k n x HQ fra. Ppnta n dn kmi do'n.]

Nangunot ang noo ko sa nabasa. Anong gagawin namin sa HQ? Magrereplay na sana ulit ako ng maunahan na naman ako kaya dali-dali ko na itong binuksan.

[From Gian;

Mgkta kta dw tau dun sb kuya m. Mkhng bd3p sau eh. Dmy p kme. Cge fra, kta kts n lng dun.]

Bigla na lang nanlambot ang mga tuhod ko sa nabasa. Lagot kang bata ka! Nakaramdam din ako ng kakaibang lamig na tumagos sa batok ko pababa sa likod ko na mas lalong nagpadagundong ng aking dibdib. Sa totoo lang ay wala naman akong kinakakatakutan, pero pagdating kay kuya, ibang usapan na iyon.

Napatingin ako sa langit habang hawak-hawak ang dibdib. Nagwawala ito sa matinding kaba. Kulang na lang siguro ay lumabas na ito. Bahala na. Nawa'y bigyan niyo po sana ako ng tapang para harapin si kuya! At sana'y mahanap na namin siya.


REESE POV

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko kanina at bigla ko na lang nakita ang sarili ko na naglalakad na papasok sa gubat na ito.

Nasa tamang pag-iisip pa naman ako pero hindi ko makontrol ang katawan ko. Parang may sarili itong utak. Nagmistula ako ngayong human puppet.

Sa totoo lang ay matagal ko nang gustong pasukin ang lugar na ito, pero hindi ko magawa-gawa. Masyadong okupado ang schedule namin.

Sa totoo lang ay ngayon lang kami nagkaroon ng oras para sa sarili namin dahil kakasimula pa lang ng klase. Maliban sa ilang oras na pagsasanay ay wala pa naman kaming natatanggap na mga bagong misyon. Ang sabi ni HM ay baka sa mga susunod pa raw na linggo darating ang mga listahan ng misyon namin kaya i-enjoy na lang daw muna namin ang pagkakataong ito para sa sarili namin.

Agatha: Of Words and Wisdom [Under Major Revision]Where stories live. Discover now