Chapter 10: Reese Devlin Montreal

2K 122 26
                                    


ZHYRIX POV

Pagkaalis ko sa HQ kanina ay dumiretso agad ako sa pinakapaborito kong lugar dito sa campus.

Ang rooftop.

Wala kasing masyadong pumupunta rito kaya tahimik ang lugar. Pwede akong magpahinga ng walang abala.

Mamaya pa naman ang susunod kong klase kaya may isang oras pa ako para matulog.

Nahiga na agad ako sa isang duyan saka napatingin sa bughaw na kalangitan. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung paano sasabihin kay Reese ang tungkol kay Agatha. Panigurado kasing hindi magiging madali ito dahil sa ugali niya.

Halos sabay na kaming lumaki kaya kilalang-kilala ko siya. Tinagurian pa nga kaming sanggang dikit na hindi mapaghiwalay.

I'll just introduce him since he's not the talkative type.

Ang buong pangalan niya ay Reese Devlin Montreal, 21 years old. Siya ang naturingang leader ng grupo namin hindi dahil sa siya ang pinakamalakas kundi dahil sa isang bagay na sa kanya lang namin nakikita.

There's something in him that makes you wanna follow him. Kahit may personality problem siya ay maaasahan pa rin ito tuwing may problema ang grupo.

Napapangiti na lang ako habang ninanamnam ang malamig na hangin na dumadampi sa aking balat. Sa totoo lang ay kanina ko pa gustong gamitin ang kapangyarihan ko, ang problema ay baka may makakita.

Wala namang ibang tao sa paligid pero naninigurado lang ako. Hindi lang ang kaligtasan ko ang pinag-uusapan dito kundi kaming lahat ng mga kaibigan ko. At pati na rin kay Agatha. Speaking of Agatha, I'm not sure, but there's something bothering me about her. Parang may kakaiba sa kanya. Hindi ko matukoy kung ano, pero may isang parte sa 'kin na sumisigaw na katulad din namin siya. Sana naman ay haka-haka ko lang iyon.

Masyadong mapanganib ang mundong ginagalawan namin. Sa bawat misyon ay buhay namin ang nakataya. Hindi ako papayag na madamay pa siya sa magulo at napakadelikado naming mundo.

Napabuntong-hininga na lang ako. Siguro nga ay wala pang isang linggo mula noong nakilala ko siya, pero hindi naman batayan kung gaano katagal mo nakasama ang isang tao para ituring siyang mahalaga para sa iyo.

Napaitag ako mula sa pagkakahiga nang biglang mabulabog ng malakas na tunog ng selpon ang pagmumuni-muni ko. Ilang beses pa akong kumurap bago ito tinignan. May dalawang miss call at isang message akong nakita galing kay Gian pero hindi iyon ang napansin ko kundi ang oras na nakapaskil sa harapan mismo. Napamulagat ako nang makitang alas onse na pala ng tanghali.

What the fuck! Wala pa atang sampung minuto nung nagpunta ako rito sa rooftop pero may isang oras na rin pala Napahilamos na lang ako ng mukha.

Ano na ba ang nangyayari sa panahon ngayon at napakabilis naman yata ng oras?

Ganoon na ba talaga ako katagal na nakaupo rito?

Bumagsak ang balikat ko. Lintik na teacher iyan, bakit pa kasi niya isiningit ang subject niya ng ganitong oras. Ayos na sana ang schedule ko kaso panira lang iyong subject na iyon. Imbes na diretso ang break time ko, naging putol-putol pa.

Nanlulumo akong tumayo at pinilit ang sariling humakbang pababa sa klase ko.

Mabuti na lang ay tapos na ang recess kaya wala nang mga estudiyante sa hallway. Wala ako sa mood ngayon kaya huwag na huwag silang titili.

Ilang hakbang na lang at nasa klase na ako nang biglang pumasok sa isipan ko si Agatha. Kamusta na kaya siya.

Binabantayan ba siyang mabuti ni Rayne?

Agatha: Of Words and Wisdom [Under Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon