Chapter 9: The Gang

775 53 0
                                    


Nandito na kami ngayon sa HQ namin sa may likod ng school. Alas nuebe pa lang naman kaya may isang oras at kalahati pa kami bago ang klase namin. Nakahiga ako ngayon sa may sofa habang naglalaro ng ML. Si Agatha naman ay nakaupo lang sa tabi ko habang nanonood ng TV. Nasa kusina si kuya ngayon at umiinom ng tubig. Kakarating lang kasi niya galing sa PE class niya. Hindi ko nga alam kung bakit 'yon ang unang klase niya. Ang aga-agad PE kaagad. Ang sama nga ng tingin niya sa 'kin kanina. Kung nakamamatay man iyon, malamang sa malamang, kanina pa ako nakabulagta rito.

Napangiti lang ako ng maluwang ng makita iyong mga kasamahan ko sa laro na nilulusob na yung base ng kalaban. "Yes! I can already smell the victory!" palatak ko. Nakataas pa ang kamay sa ere.

Kaunti na lang kasi ay wasak na yung base nila. Ibig sabihin ay panalo kami. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at mabilis na pinatakbo palapit sa torre ang character ko. Naghanda ako sa pag-atake pero bago pa man ako makagawa ng hakbang ay biglang bumalibag yung pinto na ikinagulat ko. Niluwa noon ang apat na magshoshota. Nag-eecho rin sa paligid ang lakas ng mga tawanan at harutan nila. Inikot ko na lang ang mga mata ko sa kanila. Kung makaasta naman itong mga ito, parang wala nang bukas. Hindi na sila nahiya sa mga kapitbahay nila.

Napailing na lang ako bago binalik ang tingin sa screen ng celpon ko pero ganoon na lamang ang panlulumo ko nang makita ang nakasulat doon.

Defeat.

No! No! No! No! Why! Anong nangyari? Bakit defeat! pilit na sinisigaw ng utak ko pero walang lumabas na kahit anong tunog mula sa nakanganga kong bunganga.

Bumalik lang ako sa realidad nang marinig ang mala-megaphone na boses ni Rose. "Hahaha! Oh! Hey there! Morning Rayne, morning Zhyrix. Erm, sino siya?"

Sigurado rin ako na nakataas na naman ang kilay nito habang tinititigan si Agatha mula ulo hanggang paa. Ganyan naman palagi iyan. Hindi na nagbago.

Tinignan ko na lang sila ng masama. Kasalanan niyo ito eh! Kung hindi kayo dumating, e di sana panalo kami ngayon!

Magsasalita na sana ako ng maunahan ako ni Brent. "Bagong gf mo na naman?"

"Idol na talaga kita fra! Ang lakas mo talaga sa mga chikababes! Nagalaw mo na ba? Pero teka, pang ilan na ba siya? Pang 50? O 70? Teka? 80 ba yun o 90? Ah ewan! Basta 'yon na 'yon! Nga pala, tanong ko na rin kung kailan mo ulit 'yan balak palitan? Mamaya, bukas o samakalawa?" sunod-sunod na tanong ng kumag na si Gian kaya napatingin ako sa kaniya ng masama.

"Gago!" malakas kong bulyaw rito. Agad kong kinuha ang headset at inilagay sa tainga ni Agatha para hindi niya marinig ang mga kagaguhan niya.

She's too innocent for these types of conversations.

"Uy! Protective siya huh? Tama ako noh? Bagong gf mo na naman siya noh?" Nanunuksong tawa ni Gian kaya mas lalo akong sumimangot.

Magsasalita pa sana ako ng biglang sumingit si Vio.

Ano bang araw ngayon at ang hihilig nilang sumingit? Ganito na ba ang uso?

"Guys! Pwede ba? Mas mabuti pa'y magpakilala na lang tayo kaysa sa kung ano-anong sinasabi ninyo d'yan." Napangiti ako sa sinabi ni Vio. Maasahan talaga siya sa mga bagay na ganito. Wala nang nagawa yung iba kundi ang tumango. Nang makitang sumeryoso na sila ay saka ko lang tinanggal iyong headphone kay Agatha para marinig niya sila.

"Hi miss! Ako nga pala si Gian Cruz, 20 years of age. Ang pinakapogi, pinaka-astig at pinaka-matalino sa grupong ito. Nice to meet you." Gaya ng dati, ang hangin talaga magsalita ng isang ito.

Doesn't he know that over-confident could kill him?

Doesn't he know that over-confident could kill him?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Agatha: Of Words and Wisdom [Under Major Revision]Where stories live. Discover now