Chapter 11

772 55 2
                                    


ZHYRIX POV

Halos dalawampung minuto na akong naghahanap pero ni anino niya ay hindi ko pa rin makita-kita. Bawat sulok ng Academy ay hindi ko pinalagpas. Ultimo banyo ng mga babae ay napasok ko na. Napatingin ako sa relos ko at nakitang 15 minutes na lang ay magbe-bell na. Kailangan ko siyang mahanap bago pa magsilabasan ang lahat ng mga estudiyante. Mas mahihirapan kami sa paghahanap kapag nangyari iyon.

Nandito ako ngayon sa garden kung saan kami laging tumatambay. Naisipan kong sumilip dito sa pagbabakasakali na naligaw siya rito pero kanina pa ako paikot-ikot dito'y hindi ko pa rin siya mahanap-hanap. Hindi ko naman pwedeng gamitin ang kapangyarihan ko ngayon dahil may iilang estudiyante na nakatambay rin sa may di kalayuan sa 'kin. Paniguradong nag-cutting ang mga ito dahil hindi pa naman time.

Nang makonfirm ko na wala talaga siya ay mabilis na akong naglakad paalis. Napatigil lang ako ng bigla kong marinig ang boses ni Gian sa utak ko. Bilang isa itong Wizard ay kaya niyang kumonekta sa mga utak namin kagaya ng isang telepath. Siya na rin ang gumagawa ng paraan para makausap namin ang isa't-isa kahit na malayo pa kami.

Zhy pare, nahalughog na namin ni Vio ang Kanlurang bahagi ng Akademy pero hindi namin siya nakita. Ano nang balita d'yan?

Napakuyom ako ng kamao. Ang tanga-tanga ko! Dapat ay hindi ko na lang siya hinayaan kay Rayne. Ngayon nga lang kami pumasok, trouble agad!

Brent? Anong balita d'yan sa West? tanong ko habang pinipigilan ang sarili na magwala. Kaunti na lang talaga at sasabog na ako.

Negative.

Mas lalong humigpit ang pagkakakuyom ko sa kamao ko. May naramdaman pa akong malapot na bagay na tumutulo mula rito pero hindi ko na iyon binigyang pansin.

Nagsisimula na kasing magdilim ang paningin ko. Wala na rin akong pakialam kung may magawa man akong hindi maganda.

Hanapin niyo si Rayne ngayon din! Gusto ko s'yang makita sa HQ sa loob ng isang oras! utos ko sa kanila pero bago pa man sila makasagot ay mabilis ko nang bli-nock ang utak ko.

Iisang lugar na lang ang hindi ko pa nahalughog. Malakas ang kutob ko na nandoon siya o kaya naman ay malapit lang siya sa lugar na iyon dahil doon na lang ang hindi pa namin napupuntahan.

Mas lalo akong nanghina sa naisip. Pakiramdam ko'y bibigay na anumang oras ang mga tuhod ko.

Pinipilit ko lang na pakalmahin ang sarili ko para kahit papaano ay makatayo pa rin ako ng tuwid.

"Agatha! What have you done to me? Hindi naman ako ganito dati. Sana mahanap na kita," bulong ko sa hangin. Napahilamos ako ng mukha. Sana ay mali ang naiisip ko.


Nang makaramdam ng kaunting kaginhawaan ay mabilis ko nang tinahak ang daan patungo sa lugar na iyon.

Inabot ako ng ilang minuto bago makarating sa bukana ng gubat. Agad kong nilibot ang paningin ko sa kabuuan nito. Sa isang tingin pa lang ay nagmumukha na itong pugad ng mga demonyo. Maliban kasi sa napakadilim ng lugar ay napapalibutan din ito ng itim na usok. Walang nakakaalam kung saan ito nagmumula. Basta ang alam ng lahat ay parte na talaga ng gubat ang usok na iyon. Idagdag pa na hindi na mabilang ang mga estudiyanteng bigla na lang nawawala sa loob nito at kung may makaligtas man ay sa mental hospital na ang bagsak. Dahil doon ay napagpasyahan ng mga otoridad na ipagbawal ang pagpasok dito.

Agatha: Of Words and Wisdom [Under Major Revision]Where stories live. Discover now