Chapter 4: Question time

1.7K 107 11
                                    


ZYRIX POV

Pagkalabas ay sinalubong kaagad ako ng malamig na simoy ng hangin. Madilim din ang mga ulap tanda ng papalapit na pag-ulan. Mabuti na lang at naisipan kong dalhin ang kotse at hindi ang motor.

Dumiretso na ako sa garage at napangiti ng makita ang aking kotse. Ang kauna-unahang bagay na regalo ko sa sarili ko noong ika-labing walong kaarawan ko. Apat na taon na rin ito sa 'kin, pero nagmumukha pa rin itong bago.

Lumapit na ako rito at akmang bubuksan na sana ito nang maalalang naiwan ko nga pala sa may lamesa iyong susi.

Damn! Kung kailan naman nandito na 'ko saka ko pa naalala! Automatiko kong naikuyom ang kamao ko para pigilan ang inis na namumuo sa aking dibdib.

Kalma ka lang Zhyrix. Kalma lang. Walang mangyayari kung papairalin mo ang inis mo. Ilang beses muna akong napabuntong-hininga bago kinapa ang bulsa.

Naisip kong tawagan na lang si Rayne para ipadala sa kanya ang susi.

Teka, nasaan na ang cell ko? Huwag mong sabihing...

Shit! Naalala ko, magkasama ko nga pa lang pinatong ang cellphone at susi sa lamesa dahil maliligo ako kanina. Nakalimutan ko silang dalhin dahil natakpan ang mga ito ng damit.

Lintik na iyan! Ang aga-aga minamalas na ako!

Agad na akong tumalikod at naglakad pabalik sa bahay.

Wala sa sarili kong binalibag ang pinto saka pumasok.

Mula sa dulo ng mga mata ko ay nakita ko si Rayne na kumakain. Napatingin din siya sa 'kin habang nanlalaki ang mga mata. Hayayaan ko na sana siya ng mahagip ng mata ko ang pigura ng isang babae?

Ah. Baka namamalikmata lang ako.

Hindi ko na lang sila pinansin. Nakakailang hakbang pa lang ako nang biglang matigilan. Biglang bumalik ang enerhiya ko na kani-kanina lamang ay tumakas. Pakiramdam ko'y tumaas bigla ang mga dugo ko sa katawan.

Teka, tama ba ang nakita ko? May kasamang babae si Rayne? Para makasigurado ay dahan-dahan akong lumingon sa kanila.

Napamulagat na lang ako nang makumpirmang hindi lang ito illusyon. Kahit pa natatakpan ng mahabang upuan ang babae ay kitang-kita ko pa rin ito.

"Who is this?" Pigil galit kong tanong. Nakita ko pang lumunok muna si Rayne bago bumulong.

Damn!

Medyo nabastusan pa ako ng makitang nakatalikod pa rin sa 'kin ang babae at hindi man lang lumingon para tignan kung sino ang nagsalita. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at mabilis na nilapitan ang kapatid ko.

"Rayne, who is this? I warned you, didn't I?" asik ko sa kanya. Ayaw na ayaw ko kasi na may ibang tao rito sa bahay maliban lang sa mga kaibigan namin. Nawalan na ako ng tiwala simula noong paulit-ulit kaming pagnakawan ng mga naging maids namin dito kaya simula noon ay hindi na ako kumuha ng mga katulong. Sinanay ko ang sarili ko at si Rayne na gumawa ng mga gawaing-bahay nang hindi umaasa sa ibang tao.

"Ah! K-kuya! Pasensya na! Long story! But I can explain!" pautal-utal niyang sabi habang kinakabahang napapatingin sa babae.

Agad kong sinundan ang mga tingin niya na nagpatulala sa 'kin.

What the heck!

Bakit ganito?

Pakiramdam ko'y naga-slow motion ang paligid. Napamulagat din ako at kulang na lang siguro ay dumapo na sa sahig ang aking panga. Hindi rin ako makagalaw sa kinatatayuan. Ni mga daliri ko sa paa ay hindi ko magawang i-galaw.

Agatha: Of Words and Wisdom [Under Major Revision]Where stories live. Discover now