Chapter 6.1

897 56 0
                                    


RAYNE POV

Ang bilis naman ng oras. Tatlong araw na kasi simula nang tumira sa amin si Agatha.

Tatlong araw pa lang pero ang tatlong araw na iyon ang pinakamasayang mga araw sa buhay namin. Ang pinakamasayang mga araw sa buhay ko.

Simula noong dumating siya ay biglang nagkaroon ng kakaibang sigla ang nanlalabo kong mundo.

Sa loob din pala ng tatlong araw na iyon ay na-i-enrol na siya ni kuya sa school namin kaya simula sa Lunes ay doon na rin siya mag-aaral kasama namin.

Mas mabuti na rin siguro iyon para matutunan niya ang mga bagay-bagay. Para kasi siyang bagong silang na sanggol na walang kamuwang-muwang sa modernong mundo na ginagalawan namin.

Linggo ngayon kaya kailangan na naming bumalik sa Academy. Isa itong boarding school. Kung tutuusin ay noong isang linggo pa nagsimula ang klase pero ngayon lang kami makakapasok. Maraming inaskaso si kuya habang ako naman ay dinalaw ng pagkatamad.

Saktong-sakto naman dahil nakilala namin si Agatha. Kung pumasok siguro ako noong lunes ay paniguradong hinding-hindi ko makikilala si Agatha.

Biglang naputol ang pagmumuni-muni ko nang maalala ang sinabi ni kuya.

Sinipat ko ang relos ko at nakitang isang oras na lang ay lalarga na kami kaya mas binilisan ko pa ang pag-aayos ng mga gamit namin. Buti na lang at nakaligo na ako kanina kung hindi ay paniguradong abot-langit na reklamo na naman ang maririnig ko mula sa kaniya. Papaliguan ko lang si Agatha at pwede na kaming umalis.

Isa iyon sa mga napag-usapan namin. Balak sana naming kumuha ng katulong para may mag-asikaso sa kaniya habang nasa klase kami kaso hindi pwede ang mga iyon. Hindi pwedeng makapasok ang mga hindi estudiyante ng Eventide Academy kaya wala kaming ibang choice kundi i-enrol na lang siya. Sinigurado namin na magiging kaklase ko siya para mas mabantayan ko ito. Nasa higher year na kasi si kuya kaya sa 'kin niya siya binilin dahil mukha naman daw kaming magkaedad.

Matapos kong ilagay ang pinakahuling gamit sa bag ay mabilis na akong tumalima para paliguan siya.

Sa totoo lang, kahit tatlong araw na mula nung ako ang nag-aasikaso sa kanya ay hindi ko pa rin mapigilan ang pagkabog ng aking dibdib at idagdag pa ang pamulahan sa tuwing pinapaliguan ko na siya. Hindi naman masyado katulad nung una pero nandoon pa rin. Medyo nasasanay na rin siguro ako?

Syempre, kahit pagbali-baligtarin man ang mundo, hindi pa rin magbabago ang katotohanang lalaki pa rin ako at babae pa rin siya.

Buti sana kung bakla ako pwede pa, pero hindi eh.

"Masanay ka na nga Rayne! Dahil hindi na magbabago ang katotohanan na ikaw na ang nakatokang mag-asikaso sa kan'ya!" Bulong ko sa hangin bago humugot ng malalim na buntong-hininga.

Itinuon ko na lang ang pansin sa pagpapaligo rito.


Makalipas lang ng ilang minuto ay natapos na rin kami. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at mabilis ko na siyang binihisan. Bi-no-blower ko pa lang ang buhok niya nang biglang dumating si kuya.

"Are you guys ready?" Bungad agad niya agad pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto. Sabi ko na nga ba eh.

"Oo ready na, tatapusin ko lang ito." Nang tumango si kuya ay tinuloy ko na ang ginagawa ko.

Mula sa dulo ng mga mata ko ay nakita kong binuhat na niya ang mga bagahe namin bago magsalita.

"Be outside in 10 minutes."

Agatha: Of Words and Wisdom [Under Major Revision]Where stories live. Discover now