EPILOGUE

3K 54 10
                                    

ANDREA'S P.O.V.

Lahat nandito na sa simbahan at yung partner ko na lang ang hinihintay. Malay ko ba kung sang planeta nila pinulot yon at napakatagal dumating. Gahd!

“Nakakainis naman. Nasan na ba kasi siya!? inis na sabi ni ate saka siya bumusangot na siyang ikinairap ko.

I looked at my watch and he's already 30 minutes late. He's unbelievable. Sino ba naman ang magiging pa-VIP sa hindi mo kasal diba? Yung groom at bride pa ang mag-a-adjust ng time ganon?

"I'M HERE!"

Bigla akong natulala at pakiramdam ko namanhid ako ng marinig ko ang boses na 'yon. Kilala ko ang may-ari ng boses na 'yon.

“Finally! Akala ko hindi na matutuloy ang kasal ko! Na-stress ako sayo!sigaw ni Ate Abigail.

Pakiramdam ko ay na-estatwa ako sa kinatatayuan ko ngayon. Hindi ako makalingon. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung magsasalita ba ako o hindi. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Ang awkward sa pakiramdam. Ilang taon ang lumipas tapos....sa ganitong pagkakataon pala kami magkikita ulit.

Hi partner. Sorry I'm late. So, start na!sigaw niya saka bigla niyang hinawakan ang kamay ko at ikinawit iyon sa braso niya.

You're shaking. Chill miss. Hindi naman ako nangangain ng tao eh.” natatawa niyang sabi sakin.

Huminga ako ng malalim at unti-unting nag-angat ng tingin saka ako tumingin ng deretso sa mga mata niya.

Nakita ko kung paano unti-unting naglaho ang ngiti sa labi niya. Napalitan ito ng pagkagulat. Daig pa niya ang nakakita ng multo.

At kahit gustong-gusto ko siyang yakapin ng mahigpit, I refrained myself from doing that. Nakakahiya. Hindi ko alam.

Tinatanong ko ang sarili ko kung mayroon ba kong karapatang gawin 'yon. When in fact, ako ang huling nakipaghiwalay. Ako ang huling umayaw saming dalawa.

A-andrea.gulat at nauutal niyang sabi.

Siguro nga ay inakala niyang hindi ako makakauwi sa mismong kasal ng kapatid ko. Siguro rin ay hindi sinabi ng magaling kong kapatid na ako ang magiging ka-partner niya sa kasal. Perhaps, he hasn't read the invitation either.

And honestly, I wany to hug him tight and never let him go again. Pero hindi ko magawa. Hindi ko kaya. May kung anong pumipigil saking gawin ko 'yon.

“Long time no see.” sabi ko sa kanya saka ako ngumiti ng peke.

Kahit na pakiramdam ko ay maiiyak ako, pinili kong ngumiti sa harapan niya.

Ano nga bang karapatan kong umiyak? Nakikipagbalikan siya noon. Nakikipag-ayos siya noon. Pero ako itong umayaw.

Pero masama ba? Mali ba ang naging desisyon kong umayaw? Gayong ang gusto ko lang naman ay ayusin muna ang sarili ko. Gusto kong buuin muna iyong sarili ko. Na kaya kong gawin 'yon kahit ako lang mag-isa.

Growing up and maturing is a self-process, iyon ang prinsipyo ko. Hindi ako naniniwala sa mga pinagsasabi ng iba na kesyo samahan mo mag-grow at huwag mong iwanan. I highly disagree on that. Kasi sa tingin ko, one shoud grow up and mature on his or her own.

“Yeah. It's been a long time.”

Mas malamig pa yata sa klima ng pinanggalingan ko iyong boses niyang sobrang lalim na para akong malulunod. Rinig ko ang kaseryosohan non at hindi ko alam kung dapat ba kong kabahan o masanay na. Siguro nga, sa tagal na panahon na nagkahiwalay kaming dalawa at ni walang kahit isang beses na komunikasyon ay maraming nagbago. Siguro, hindi na nga kagaya ng dati ang lahat.

Chasing You (EDITING)Where stories live. Discover now