Chapter 38

1.7K 30 0
                                    

VON'S P.O.V.

"Andrea! Andrea wake up!", sigaw ni Abigail

Agad akong lumapit at binuhat si Andrea papasok ng kotse. Sumunod sakin si Samantha.

"Wake up sweetie", umiiyak na sabi ni Samantha

Tumingin ako sa side mirror at nakita kong nakasunod ang mga kaibigan niya. Damn it. Damn that traitor!

Nung makarating kami sa hospital agad nilang inasikaso si Andrea.

"Damn it! What happened!?", sigaw ni Kelvin

"Nabaril siya sa likod", sagot ko

Hinawakan ni Kelvin ang leeg ni Andrea at sa tingin ko'y hinahanap niya ang pulsuhan nito.

"Get the operating room ready now!", sigaw ni Kelvin

Agad na gumalaw at nagmadali ang mga nurses at iba pang doctor.

"Ipunta niyo siya sa OR. Susunod ako", seryosong sabi ni Kelvin

Tumango ang nga nurses at dinala si Andrea sa OR.

"Si Cronus?", tanong ni Kelvin

"He's dead", sagot ng Daddy ni Kelvin

Paglingon ko, nasa likuran na pala namin sila.

"Paki-assist siya", sabi ko

Saka ko inilapit sa mga nurse si Venus.

"Kelvin, gawin mo lahat please. Iligtas mo si Andrea,
please", umiiyak na sabi ni Samantha

"Gagawin ko lahat tita", sagot ni Kelvin saka na siya umalis

Naupo si Samantha at ang iba pang mga bata.

"Nurse, kamusta ang dalawang dinala nila Kelvin dito. Makspeyn De Vera at Matheo Buenavista III", tanong ko sa nurse

"Yung babae sir, unconscious pa po. Yung lalake, maya-maya ay magigising na", sagot ng nurse

Tumango ako. Saka ako lumapit kay Venus. Nasa tabi niya si Ares.

"Tawagin niyo ang mga magulang niyo. Papuntahin niyo dito. Sabihin niyo, pinapatawag ko sila", sabi ko

"Sige po", sagot ni Ares

Tumango na lang ako at umupo sa tabi ni Samantha. Umiiyak pa rin siya hanggang ngayon. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Kailangan kong maging matapang para sa pamilya ko.

"Akala ko maiiwas natin sila ni Gail sa ganito. Akala ko lalaki silang normal ang buhay. Pero ito na ang ikinakatakot ko. Dumating na ang araw na madadamay sila", umiiyak na sabi ni Samantha

Niyakap ko siya at hinalikan sa ulo.

"Magiging maayos din ang lahat", sabi ko sa kanya saka ko hinagod ang likod niya.

Hanggang ngayon ay napapaisip ako. Kung kapatid nga ni Venus si Andrea, bakit hindi sila magkamukha? Hindi rin niya kamukha ang mga magulang nito.

Ang itsura ni Andrea kanina, ang pagpapalit-palit ng kulay ng mata niya. Paano maipapaliwanag yon? Tanging kaming nakaitataas lang ang may katangiang ganon. Imposibleng kapatid niya sila Kelvin.

Kung anak man namin siya, bakit nakita namin siya sa basurahan? Paanong nandun siya? Sino ang patay na sanggol na pinakita nila samin noon? Posible kayang hindi namatay ang anak namin at si Andrea talaga 'yon?

"Dad, si Andrea. Kasalanan ko 'to. Sana hindi na lang siya lumapit. Sana hindi na lang niya ko niligtas. Edi sana hindi siya nasa panganib ngayon", umiiyak na sabi ni Gail

Chasing You (EDITING)Where stories live. Discover now