Chapter 19

2K 31 4
                                    

ANDREA'S P.O.V.

Nung matapos ang birthday ko kagabi, agad agad akong naligo ay nagpalit saka na ko natulog.

Maybe bubuksan ko na lang ngayon mga gifts ko, because I'm really realy tired.

"Miss Andy, baba na daw po kayo. Kakain na daw po kayo", sabi ni yaya

"Sunod ako manang Feling", sabi ko

Tumango naman siya at ngumiti saka na umalis.

While I—I took a quick shower before going down to eat breakfast.

Since Sunday ngayon, wala naman akong magawa. Tumambay na lang ako dito sa may garden. Sariwa ang hangin, maganda ang paligid. Makakapag-relax ako.

"Hello sweetie", bati ni Mommy

"Hi mom", bati ko

Ngumiti siya at umupo sa tabi ko. Inalis ko naman ang headset na suot ko.

"Did you enjoy your party last night?", tanong ni Mommy

"Of course I did mom! Thank you", nakangiting sabi ko

Nagulat ako nung hawakan ni Mommy yung kamay ko tapos tumingin siya sakin at nginitian ako.

"If something is bothering you, I'm always here to listen", sabi ni Mommy

Napabuntong-hininga na lang ako.

Bakit ba ganon? Ang hirap hirap para sakin magtago ng emosyon. Ang hirap ipakita na mukha akong okay kahit na hindi. Bakit ang dali para sa kanila na basahin ako?

"Mom, you know Grae right? Madami siyang nagawa para sakin. Remember before, I was that brat little girl. Batang sobrang spoiled. Gusto ko makuha ko kaaagad yung gusto ko ganon. Wala akong pakialam sa nararamdaman ng ibang tao. A heartless one, ganon ako dati diba mommy?", sabi ko

Tumango si Mommy at ngumiti.

"And Grae, changed you", sagot ni Mommy

Tumango ako. Totoo naman kasi. Si Grae ang dahilan kung bakit ako nagbago. Si Grae ang bumago sa buhay ko. Si Grae yung umayos ng buhay ko. Kundi dahil sa kanya, hindi ako kung sino at ano ako ngayon.

"Yes mom. He told me before na, even though I have a lot of problems, I should still smile. Kahit na sobrang malungkot ako, I shouldn't forget to laugh. Hindi porket nakukuha ko lahat ng gusto ko, hindi na ko marunong magpahalaga. At higit sa lahat, sinabi niya sakin, I should learn to appreciate, love and take a good care of everything I have kasi hindi pang-habang buhay nasakin ang mga bagay at taong nasa buhay ko ngayon mommy", sabi ko

Sabi niya sakin dati, 'wag kong i-take for granted ang mga taong mababait sakin. Mga taong nagpapasensya sa ugali ko. Mga taong hindi umalis sa tabi ko. Kasi, kapag daw isang araw, mawala sila bigla, doon ko mapapagtanto kung saan ako nagkamali. Kung saan ako nagkulang. And I don't want that to happen.

"Yes and Grae is also the reason why you saw the real meaning of love", sabi ni Mommy

Ngumiti ako at tumango.

Chasing You (EDITING)Where stories live. Discover now