Chapter 54

1.6K 24 3
                                    

ANDREA'S P.O.V.

A day before the moving up exercises, nag-aya sila gumala. Since, gusto ni daddy na may bantay ako, palagi na niyang pinapasama sakin sila ate Venus at Ares. Kaya ngayong may lakad, sasama rin silang dalawa.

"Sayang talaga wala si Grae", nakasimangot na sabi ni ate Cheo

"Hayaan mo na ate, pagaling na lang siya para maka-attend siya bukas", nakangiting sagot ko

Nung inaya kasi namin siya, sabi niya hindi raw siya makakasama. Masama raw ang pakiramdam niya. Dapat nga pupuntahan ko siya kaso sabi niya, 'wag na daw. Kaya naman daw niya. Tsaka, mag-enjoy na lang daw kami. Pero, pupuntahan ko pa rin siya mamaya para i-check.

"Sabagay. Haha. Pero ano! Musta naman ang feeling na valedictorian ka? Kaloka! Ikaw na!", natatawang sabi ni ate Cheo sakin

Ako kasi ang valedictorian sa batch. Pinakamataas na section rin. Nakakatuwa nga eh. Nakakaproud.

"Masaya ate syempre. Tsaka, proud! Haha", sagot ko

Sino ba naman kasi ang hindi diba? Ikaw ba naman maging valedictorian, sinong hindi sasaya? Gayong alam mo na bukod sa proud sayo ang mga kaibigan mo, proud na proud sayo ang pamilya mo. Though, making them happy and seeing them smile is the greatest achievement in my life.

"Dibale! Dito pa rin naman kami magse-senior high kaya magkakasama pa din tayo!", sigaw ni ate Kyara

"Walang titibag satin na kahit ano!", sigaw naman ni kuya Third

"SATIN LANG MAY FOREVER!", sabay-sabay naming sigaw

Ni hindi ko inakalang parehas kaming lahat ng iniisip. Pagkatapos naming isigaw yan, bigla na lang kaming natawang lahat.

"Seryoso natin pre. Uso naman ngumiti", pang aasar ni kuya Stroam kay Ares

"Kay Andy lang kasi 'yan ngumingiti", panunukso ni ate Venus

"Ayieeee!", sigaw naman ng ibang girls

"Eh paano ba 'yan? Taken na si Andy", sabi ni kuya Spade

"Who cares? Being her friend is enough for me anyway", seryosong sagot ni Ares

"Katakot ka naman magseryoso pre!", sigaw ni kuya Stroam

Nagtawanan kaming lahat. Natakot pa, amputek. HAHAHAHA. Hindi naman siya nangangain ng tao eh, grabe lang. Hahaha.

Maya-maya biglang tumunog ang phone ko kaya napatigil ako sa pagtawa. Unregistered number. Bigla akong kinabahan.

"Is there something wrong?", bulong sakin ni Ares

Tinignan ko siya at nginitian saka ako umiling.

Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang message.

From: 09956789023

Gaano ka kasiguradong mahal ka nga ng taong mahal mo?

Tarantado 'to. Sinong gago naman ang gagawa nito sakin?

Hindi ko na lang pinansin, pero nagmessage pa ulit. This time, picture na ang sinend niya. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko at nabitawan ko ang phone ko.

Chasing You (EDITING)Where stories live. Discover now