ANDREA'S P.O.V.
Nagdaan ang ilang buwan matapos ang birthday ni Grae. Wala namang masamang nangyari. Kami ni Grae? Ayos kami. Isang buwan na lang at magtatapos na ko ng third year at graduating na sila Grae.
"Lalim ng iniisip mo ah?", nakangiting sambit ni Grae
"Nasisid mo? Buti 'di ka nalunod?", natatawang sagot ko
"Tch", masungit niyang sabi
Kita mo, bilis magbago ng mood neto. Pikon eh. Hahaha.
"Sungit naman", natatawa kong sabi
"Inaasar mo eh", seryosong sagot niya
Pinisil ko ang pisngi niya at napa-aray siya.
"Cute mo kasi kapag napipikon. Haha", sagot ko
"Gwapo ako hindi cute", sagot niya
"Whatever!", sagot ko saka ko siya inirapan
Bigla naman niyang siniksik ang ulo niya sa leeg ko.
"Bango naman ng future girlfriend ko", bulong niya
"Mas mabango pa sa mga babae mo?", tanong ko
"Tch", masungit niyang sagot
Napatawa na lang ako. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinag-intertwine ang mga daliri namin.
"Alam mo ba dati, kaya ako nambabae, kasi akala ko makakalimutan kita. Akala ko kapag nasa kanila na yung atensyon ko, baka sakaling matutunan ko silang mahalin, pero mali ako", sabi ni Grae
Hindi ako nagsalita at nakinig lang sa kanya.
"Pero kahit na ibang babae ang kasama ko, ikaw ang naaalala ko. Ikaw ang nakikita ko. Naisip ko, kahit pala anong gawin ko, ikaw pa din. Kaya nung nakita kong ang daming pumoporma sayo, gusto kong manapak. Gusto ko silang bugbugin. Kaso, 'di ko magawa. Wala naman kasi akong karapatang gawin 'yon. Kasi hindi ka naman sakin", sabi pa niya
Ganun din naman ako dati. Sarap manampal ng mga babaeng lintek na dikit ng dikit sa kanya. Kaso ganun nga, wala naman akong karapatan na gawin 'yon. Kasi hindi siya sakin. Hindi ko siya boyfriend. At baka, mas lalo siyang magalit sakin kapag ginawa ko 'yon.
Kahit na alam kong kaya kong magtaray, kaya kong makipag-away para sa kanya, kaya ko siyang ipagdamot sa iba. Ang problem lang, ano bang karapatan ko na ipagdamot siya sa iba? Diba?
"Nung dumating si JK. Sobrang natakot ako. He's a nice guy. Hindi malayong mahulog ka sa kanya. Kaya kinausap ko siya nun. Kaming dalawa lang. Lalake sa lalake. Sinabi ko sa kanyang tigilan ka na niya kasi akin ka na. Pero sabi niya nun, bakit daw sinasaktan kita. Bakit daw ba pinagtatabuyan kita? Bakit daw ba hindi ko maamin sayo ang nararamdam ko? Sabi pa niya, kung hindi daw ako aamin, hindi ka niya titigilan", sabi ni Grae
![](https://img.wattpad.com/cover/111949951-288-k532821.jpg)
YOU ARE READING
Chasing You (EDITING)
RomanceGrae del Fiego has always been Andrea Chevrolet Vergara's solitary love interest through much of her existence. Even after he consistently tried to push her away, she persisted to genuinely love him. Andrea made a pact with herself that she'd never...