Chapter 23

1.8K 30 0
                                    

ANDREA'S P.O.V.

Simula nung araw na 'yon, naging okay naman kami ni Kevin. We hang out during weekends. Palaging magkausap sa phone. Tsaka, hatid-sundo rin niya ko. Although minsan naiisip ko pa din siya. Iniiwasan ko naman, minsan na lang talaga.

"Ayan na si Ma'am!", sigaw ni Anthony

Kaya nagsi-ayos agad kami ng upo. Sakto namang pagpasok ni Ma'am  ay tahimik na kaming lahat at maayos na nakaupo.

"Oh, ang bait niyo yata ngayon students?", manghang sabi ni ma'am

Napailing lang ako at lihim na napatawa. Ganun din ang iba kong kaklase.

"Anyways, katatapos lang ng meeting namin. Nai-cancel muna yung camping ng nga YES-O officers", sabi ni Ma'am

"Why? Uwaaaaaa!", sabi ni Messyne

"Shut up Mes. Para kang tanga", pagtataray ni Hyrie sa kanya

"Nakiusap kami sa ibang schools at pumayag naman silang next month na lang. Dahil, uunahin natin ang pag-aasikaso sa upcoming event", sabi ni Ma'am

"What event ma'am?", tanong ko

Ngumiti siya sakin. And I swear, ang creepy ng ngiti niya sakin. May something. Errr.

"Buti ikaw ang nagtanong Andy. It's February guys! And of course, we will be selecting the new King & Queen of Hearts!", masayang sabi ni ma'am

Don't tell me....

"At napagdesisyunan kong, si Andy ang magiging representative ng section niyo", nakangiting sabi ni Ma'am

What the. Bakit ako?! Hindi ba pwedeng iba na lang!?

"Nakausap ko na ang parents mo iha and they already agreed", dagdag pa ni Ma'am

Napabutong-hininga na lang ako. Nakakaloka! Bakit ganon?! Nakarating agad kila Mommy!? Pashnea!

"I guess I don't have a choice anymore ma'am", sabi ko

Kakainis. Bakit kasi ako?! Balak ko kasi next year na ko eh! Brrrr!

"Ayon! Paniguradong mananalo tayo!", sigaw ni Lyne

"Oo nga! Si Andy pa ba?!", sabi naman ni Maxyme

"I-chi-cheer ka namin Andy!", sigaw ni Maine

"Salamat", nakangiting sabi ko

"Okay that's all for today. You can have your lunch now", sabi ni Ma'am

Nag-goobdbye kami saka kami nag-unahang lumabas. Excited madismiss eh. Hahaha.

Agad naman kaming nagpunta sa cafeteria at naabutan namin sa dating pwesto sila ate Agatha.

"Hiiiii!", bati ko sa kanila

"Hi shobe. Saya mo ah? Ganyan ba kapag may lovelife? Hahaha", sabi ni ate Kyara

"Hindi naman achi. Haha", sagot ko

"Mga ates and kuyas, support niyo si Andy ha? Siya ang representative ng section namin para sa King & Queen of Hearts", sabi ni Messyne

Chasing You (EDITING)Where stories live. Discover now