Chapter 56

1.6K 22 1
                                    

ANDREA'S P.O.V.

Natapos ang ceremony, nag-usap kami ni Grae. Pinaliwanag ko sa kanya lahat. Sinabi kong ayoko na. Sinabi kong tama na. Hayaan na niya kong makalimot. Hayaan naman niya kong maging masaya. Hayaan niya kong ayusin yung buhay at puso kong sirang-sira na.

Pero ayaw niya. Hindi niya ko tinitigilan. Simula nung matapos ang ceremony, palagi siyang nakabuntot sakin. Minsan kapag namamasyal ako mag-isa, nandiyan siya susulpot bigla bigla. Kakausapin ako, dadaldalan ako. Kahit hindi ko pinapansin, sige pa rin siya ng sige. Sabi niya, hindi raw siya titigil hangga't hindi ako bumabalik sa kanya. Pero ayoko na. Pagod na ko. Sawa na ko.

Ngayon, byahe namin papuntang Vigan. Nagpa-book na rin kami para sa Hotel Luna kung saan kami mag-sstay. Magkakasama ang tropa. Hindi ko rin naman alam na pati si Grae ay isasama pala nila. Mas hindi tuloy matatahimik ang buhay ko. Tsk.

"Nagugutom ka? May pagkain dito. Nagdala ako", sabi ni Ares

Siya kasi ang katabi ko dito sa van. Silang lahat nandito. Tapos ang tropa, nasa kabilang van naman. Ayokong makisabay si Grae eh. Kaya sinabi kong dun na lang sila.

"Hmm. Okay lang. Di pa naman ako nagugutom", sagot ko

I've always been with Ares. Most of the time, siya ang kasama ko. I admit, masaya ako kapag kasama ko siya. Gusto ko siya palaging kasama. But it doesn't mean that I like him romantically. I just want him by my side.

Baka sakaling, kapag handa na ulit yung puso ko, sa kanya mapupunta. He's perfect for me. At gusto ko, kung magmamahal man ulit ako ng ganito kagrabe, sakanya na. He deserves it anyway. Gusto ko, mahulog ako sa kanya ng kusa. Hindi yung sa napipilitan lang ako. O di kaya, hindi dahil sa kailangan ko ng karamay. Panakip-butas kumbaga.

"Sus, mamaya kayo magkatuluyan diyan ha", panunukso ni ate Venus

"Pre, tinamaan ka talaga ng pana ni kupido noh? Iba na lagay mo", natatawang sabi ni Caerus

"Binata na ang baby boy natin. Yieee", sabi naman ni ate Demeter

"Mga siraulo. Tss", masungit na sabi ni Ares

"Sus. Kinilig ka lang eh", sabi naman ni Hestia

Napangiti na lang ako. Palagi nila kaming inaasar at palagi akong natatawa kapag ganon. Si Ares naman, palaging napipikon. Naririndi daw siya sa kaingayan nila. Haha

"Makatulog na nga lang. Mga bwisit kayo", inis na sabi ni Ares

Tumawa sila. Ako? Napatigil ako sa pagtawa kasi bigla niyang sinandal ang ulo niya sa balikat ko tapos pumikit na siya. Tumingin ako sa kanila, tapos mga tingin nila samin, grabe. Mga judgemental.

"Swerte ni Ares sayo", sabi ni kuya Aeolus

Napangiti ako saka ko tinigan si Ares.

"Siguro mas swerte ako sa kanya pag nagkataon", sagot ko

Totoo naman. Who wouldn't love him? Mabait siya, kahit na may pagkamasungit. Matalino, talented. Proprotektahan ka. Handa siyang itaya ang sarili niyang buhay para sayo. Ano pa bang hahanapin mo? Nasa kanya na ang lahat.

Chasing You (EDITING)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin