Chapter 12

2.1K 39 8
                                    

ANDREA'S P.O.V.

Pagkatapos naming kumain ay umuwi na din kami kaagad. Tinawagan kasi ni Tita Angeline si Kevin at may emergency daw sa kanila.

"Oh, aga mo umuwi? Tapos na kayo mamasyal ni Kevin?", tanong ni ate

"Hmm", sagot ko at tumango

Akala ko bwibwisitin na naman ako ni ate pero sinenyasan niya kong umupo ako sa tabi niya. Kaya tumabi ako sa kanya. Nanahimik ako at inantay siyang magsalita. Kapag ganitong times kasi, seryoso talaga si ate at alam kong may gusto siyang sabihin.

"Okay na ba kayo?", tanong niya sakin

"Hindi ko alam ate. Hindi ko alam kung paano kami magiging okay. I'm hurting because of Grae and Kevin is in pain because of me", sagot ko

"Mahal ka pa ba ni Kevin?", tanong ni ate

Tumango ako ng paulit-ulit saka ako napabuntong-hininga.

"Sinabi niya sakin kanina, mahal pa daw niya ko. Gusto niya daw akong bumalik sa kanya. Nasasaktan daw siya na nakikita akong nasasaktan sa iba. Nasasaktan daw siyang nakikita akong may mahal na iba. Nagsisisi na daw siya", sabi ko

Napatingin ako kay ate nung hawakan niya ang kamay ko. Tapos nginitian niya ko. Unti-unting nagsibagsakan ang mga luha ko.

Ngayon lang ulit ako umiyak sa harap ni ate.

"Anong naramdaman mo nung sinabi niyang mahal ka pa niya? Nung sinabi niyang gusto ka niyang bumalik? Nung sinabi niyang nagsisisi na siya?", tanong ni ate

"H-hindi ko a-alam ate", nauutal kong sagot at humikbi

"Mahal mo pa ba si Kevin? Yung totoong nararamdaman mo ha. Kahit konti lang ganon", sabi ni ate

Tumingin ako sa kanya at unti-unting tumango. Mahal ko pa rin siya, mas mahal ko nga lang si Grae. Hindi naman ako iiyak at masasaktan ng ganito kung hindi ko mahal si Kevin.

Si Kevin ang unang lalaking minahal ko. Siya ang unang boyfriend ko. Siya yung first love ko eh. First love never dies, ika nga nila.

"Andy alam mo, gustong-gusto kitang pakialaman sa buhay mo. Lalo na sa lovelife mo. Saksi kami sa inyo ni Kevin, sa pagmamahalan niyong dalawa. At saksi rin kami kung paano mo habulin si Grae. Lalong-lalo na ako Andy. May mga times na gusto kitang i-untog kasi nag-babaka sakali ako na kapag inuntog kita magising ka sa katotohanan. Baka sakaling makita mo yung reyalidad. Makita mo ang worth mo biglang isang babae. Kasi Andy, masyado mong mahal si Grae. Sa sobrang pagmamahal mo sa kanya, naging sobrang tanga ka na. Napapabayaan mo na ang sarili mo. Hindi mo na nakikita ang ibang tao. Alam mo Andy, hindi lang ikaw ang nasasaktan. Mas nasasaktan kaming mga nagmamahal sayo. Kaming mga nakakakita ng halaga mo. Nasasaktan kami na ganyan ka, na nagkakaganyan ka dahil sa isang lalake. Isang lalake na wala namang ibang ginawa kundi ang saktan ka at ipagtabuyan ka. Sa kanya na lang palagi ang atensyon mo. Ginawa mo siyang sentro ng buhay mo. Ginawa mo siyang mundo mo. Kaya ngayon, ikaw ang hirap na hirap sa sitwasyon. Ikaw ang nahihirapang mag-move on kahit hindi naman naging kayo", sabi ni ate

Chasing You (EDITING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang