Chapter 11

2.1K 38 1
                                    

ANDREA'S P.O.V.

Pagkarating namin sa mall, nagyaya kaagad si Fire sa may mga laruan.

"Ate Andy, I want that!", sabi ni Fire habang nakanguso at tinuturo yung baymax na teddy bear

"Hmm, we'll buy it then", sabi ni Kevin

Tapos kinuha niya yung teddy bear at binayaran. Nung makuha na niya, inabot niya kay Fire. Nahihiya pa si Fire na abutin 'yon nung una pero kinuha pa din niya.

"What are you going to tell kuya Kevin, baby?", nakangiting sabi ko kay Fire

"T-thank you p-po", nauutal na sabi niya kay Kevin

Nakayuko pa siya at yakap-yakap niya yung teddy bear. Ngumiti si Kevin at ginulo ang buhok niya. Nagulat ako nung ngumiti si Fire. Bihira lang kasi siyang ngumiti sa mga hindi naman niya kakilala.

"It's already 9:00 am na pala. Baby, are you hungry?", tanong ko kay Fire

Tumango-tango naman siya at ngumiti.

"Tara na lang sa restaurant", sabi ni Kevin

Tumango ako at ngumiti bilang pagsagot sa kanya.

Mayaman kasi sila. Kung anu-ano ang business na hawak ng pamilya niya. They own hospitals, restaurants, salon and spa at madami pang iba. Kaya hindi na ko magtataka kung bakit madaming nagkakandarapa sa kanya. Bukod sa gwapo at matalino na, mayaman pa.

Habang naglalakad kami palabas ng mall, hindi maiwasang mapagbulungan.

"Look oh, they are so cute!"

"Picture'an ko teka!"

"Ang sweet nila!"

"Bagay sila noh? Maganda at gwapo. Ang ganda pa ng anak nila!"

"What a perfect couple!"

"Diba si Andrea Vergara yan? I didn't know na may anak na siya"

"And look! It's Kevin Rivas! Omg! Siya ba ang ama nung bata?"

Napapikit na lang ako. Kung titignan kasi kami, parang pamilya talaga ang dating. Nasa gitna namin si Fire, tapos hawak-hawak namin siya.

"Don't mind them. Mga walang magawa sa mundo kundi mag-chismis. Tss", masungit na sabi ni Kevin

Tumango na lang ako. Hindi ko alam kasi kung bakit ganon. Kapag mayaman ka, kapag kilala ka, hindi nila maiwasan ang pagchismisan ka. Mygoodness! Hindi ba pwedeng manahimik na lang sila? Geez.

"Ate Andy, where are we going?", tanong ni Fire

"Ah sa restaurant nila kuya Kevin mo baby. Kakain tayo", nakangiti kong sabi

Tumango lang siya at nanahimik na. Tapos nilalaro niya yung teddy bear niya.

Habang nasa biyahe, tahimik kami. Pero biglang nagsalita si Kevin.

"That kid.....really likes you, right?", sabi ni Kevin

Tinignan ko siya pero hindi man lang niya ko nilingon at naka-focus sa daan ang tingin niya.

"Hmm. Unang kita ko pa lang sa kanya noon, natuwa na siya sakin agad. Hindi ko alam kung bakit. Tapos sabi niya, it was the first time daw na nakita niyang ngumiti ang kuya niya ng ganon. He smiled so different daw. Simula nung makilala niya ko at nagpunta ako sa bahay nila, napalapit na din ako sa kanya. Sabi niya, ayaw na daw niya ng ibang babae para sa kuya niya bukod sakin. Sabi niya, kakaiba daw ako sa ibang babae. Tapos sabi niya, 'wag ko daw susukuan ang kuya niya. Nakikita raw niya na mahal ako ni Grae. Pero nakakatawa kasi ako, hindi ko makita", sabi ko

Totoo yun. Sabi niya sakin non, may gusto daw sakin si Grae. Inamin daw sa kanya ni Grae. Gusto ko maniwala kaai sabi nila, hindi marunong magsinungaling ang mga bata. Pero paano ako maniniwala kung ganon ang pinapakita ni Grae sakin?

"My family wants you for me too", sabi ni Kevin

Tapos napabuntong hininga siya. Napalingon ako dahil sa sinabi niya.

"Kev, aren't you over me until now?", tanong ko sa kanya

Hindi siya sumagot. Sa mga sinasabi niya kasi at sa biglaang pagbalik niya, hindi ko maiwasang mag-isip. I mean, after we broke up he tried winning me back pero hindi niya nagawa. And then, bigla bigla nalang siyang nawala.

"I tried. I tried dating other girls. I tried diverting my attention to someone else. Pero kahit saang anggulo ko tignan, ikaw at ikaw ang nakikita ko. Ikaw at ikaw ang naaalala ko. Sometimes I can't stop laughing at myself. Kasi kung tutuusin, kasalanan ko naman lahat. Masyado akong naging gago. I didn't know we're falling apart. I didn't noticed that I was losing you. At nung wala ka na, hindi ko alam kung saan ako mangangapa. Pakiramdam ko, may kulang. Pakiramdam ko hindi ako buo. Pakiramdam ko anytime, mamamatay na lang ako sa sakit", sabi niya

Hindi ako nagsalita. Tinignan ko sa back seat si Fire at nakita ko siyang tulog na.

"I thought losing you was the hardest thing happened to me. I thought t'was the most painful thing. Pero mali ako. Mas masakit pa pala yung makita kang nasasaktan. Mas masakit pala yung makita kitang magmahal ng iba. Mas masakit pala yung makitang ginagawa mo lahat para sa taong binabalewala ka lang naman. Kulang na lang yata lumuhod ka sa harapan niya, para lang mahalin ka niya. Nagagalit ako sa sarili ko, sobra. Kasi dapat pala hindi kita niloko. Dapat pala hindi kita sinaktan. Dapat pala hindi kita pinabayaan. Kasi kung hindi ko ginawa 'yon, siguro sakin ka pa din. Siguro, hindi ka nagdurusa ng ganyan. Siguro hindi ka naghahabol sa lalaking sinasaktan ka lang naman", dagdag pa niya

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya ngayon. Aaminin ako, nasasaktan ako sa sinasabi niya. Aaminin ko, gusto kong maiyak ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba, tagos lahat ng sinasabi niya. O dahil ba, may nararamdaman pa kong konting pagmamahal sa kanya?

Sabi nila, hindi naman daw pwedeng magmahal ng sabay. Hindi pwedeng magmahal ng dalawa. Pero hindi, mali sila. Dahil pwede kang magmahal ng sabay. Pwede kang magmahal ng dalawa. Pero merong pinagkaiba. Nagmahal ka ng dalawa, nagmahal ka ng sabay, pero meron at meron mas lamang sa kanilang dalawa.

Kasi para sakin, you can never unlove someone. Kapag nagmahal ka at nawala yung taong 'yon, he or she will still stay in your heart. You will forever be loving them. Pero siguro nga, not as much you did before.

"Nasasaktan ako Andy, sobra. Nasasaktan ako kasi kahit anong gawin ko, hindi na yata kita mababawi. Kahit anong gawin ko, siya na yata talaga ang nasa puso mo. Kahit anong gawin ko, siya na ang mahal mo. Kahit pa mahal na mahal kita, hindi na kita mababawi sa kanya. Higit sa lahat, nasasaktan ako ng sobra na nakikita kang nasasaktan", seryoso niyang sabi

"Kevin", mahinang sabi ko

Nakita ko ang pagbagsak ng luha niya pero ngumiti pa din siya. Pinilit pa rin niyang ngumiti.

"Hindi naman kita pipiliting balikan ako, kung ayaw mo. Kung saan ka naman mas sasaya, dun din ako. Your happiness is more important than mine. Because your happiness is also my happiness. Don't worry 'bout me. I know in time, maghihilom din yung sugat. Mawawala din yung sakit. Magiging okay din ako", sagot niya

Hinawakan ko yung kamay niya at bigla siyang prumeno. Nagulat ako nung lingunin niya ako at ngitian. Tapos lumapit siya sakin saka niya ko niyakap. Niyakap niya ko ng mahigpit.

"I'm sorry. I'm sorry for cheating on you. I'm sorry hindi ako nakuntento sayo. I'm sorry sinaktan kita. I'm sorry iniwan kita. I'm sorry. Sobrang nagsisisi na ko Andy. Am I too late now? Am I too late?", umiiyak niyang sabi

Ramdam kong basa na ang balikat ko dahil sa pag iyak niya. Hinagod ko lang ang likod niya ay niyakap siya pabalik. Kung sana pwede lang turuan ang pusong magmahal.

"We'll talk about us next time Kevin. I promise. But for now, let's just enjoy this day", sabi ko sa kanya

Tumango siya at unti-unting tumigil sa pag iyak. Nung alam niyang okay na siya, saka niya pinagpatuloy ang pagda-drive.

Is it time for me to give chance to others? Is it time for me to choose kung saan ang tamang desisyon? Ito na ba ang simula ng pagbitaw ko sa kanya? Ito na ba ang simula ng kabanata ng buhay ko na wala siya?

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon