Chapter 10

2.1K 33 0
                                    

ANDREA'S P.O.V.

Days had passed, but I'm not yet okay. Hindi ko alam kung kailan ako magiging okay. Hindi ko alam kung kailan ko kayang ayusin ang lahat. Hindi ko alam kung paano ko aayusin ang gusot ngayon sa buhay ko.

*BZZT BZZT

Napatingin ako sa phone ko nung biglang sunod-sunod ang vibration nito. Nakita kong nagtext si aye Hyo at si Kevin.

Una kong binuksan ang kay Kevin.

From: Kevin

Hey, it's weekend. Wanna hang out? Chill chill lang. If you don't want, it's fine with me.

Binasa ko ang text ni ate Hyo.

From: Ate Hyo

Andy, gusto ka daw talagang makita ni Fire. Okay lang ba? Pasensya na sa abala.

Hmm, isama ko na lang kaya si Fire samin ni Kevin? Papayagan naman siguro nila kasi ako naman ang kasama niya.

To: Kevin

Sure. Pick me up. Mag-aayos lang ako.

Saka ko binuksan ulit ang message ni ate Hyo at nagreply.

To: Ate Hyo

Sure ate. Isasama ko na lang siya sa lakad namin ni Kevin. Okay lang ba ate? Don't worry, I'll keep my eye on her.

Maya-maya tumawag si Ate Hyo kaya sinagot ko naman agad.

"Hello ate?", sabi ko

"May lakad kayo ni Kevin?", tanong niya

"Ah, yes. Bigla kasi siyang nag-aya ate eh. So, isasama na lang namin si Fire", sagot ko

"Oh, I see. Daanan mo na lang si Fire dito sa bahay ha? Salamat Andy", sabi ni ate Hyo

Saka niya ko binabaan ng tawag. Pinatong ko sa table ang phone ko at nag-ayos na din ako.

-

*KNOCK *KNOCK

"Pasok, bukas 'yan", sabi ko habang nagsusuklay

Pumasok naman si ate.

"Si Kevin nasa baba", sabi niya

Tumango na lang ako.

"Okay na kayo?", tanong ni ate

"Hindi naman siya pupunta dito kung hindi kami okay eh", sagot ko

Hindi ko alam pero minsan talaga hindi kami magkasundo ni ate. May times na okay kami, may times na hindi. Daig pa namin ang aso't pusa.

"Err. Whatever. Enjoy!", sabi niya

Saka na siya lumabas at sinaranang pinto. Napairap na lang ako.

Nagpabango na ko saka ko kinuha ang wallet ko at ang sling bag ko. Saka ko kinuha ang phone ko.

"Tara na?", nakangiting tanong ni Kevin

"Alis na kami. Pakisabi na lang kila Mommy", sabi ko kay ate

Tumango lang siya.

"Una na kami ate Gail", paalam ni Kevin

Ngumiti at tumango lang si ate.

Chasing You (EDITING)Where stories live. Discover now