Chapter 15

2K 34 2
                                    

ANDREA'S P.O.V.

Ngayon na ang competition namin ng marching band. Gustuhin ko man na sumabay sa kanila sa school bus, ayaw nila Mommy. Kaya ipapahatid na lang daw ako sa driver. Bantay sarado pa din. Well, I understand. They only want me safe.

Habang nasa byahe, wala naman akong magawa. Kaya umidlip muna ko saglit.

"Sana magtagal kayo ni Kevin shobe", sabi ni ate Kyara

"Sana nga ate. Haha", sagot ko

Kahapon ko lang kasi sinagot si Kevin. And yes, sana nga magtagal kami.

"Grae dude, kumalma ka muna", sabi ni kuya Third habang hinahabol si Grae

Napatigil kami sa paglalakad nila ate Kyara, dahil samin siya papunta.

"Huwag kang padalos-dalos tol", sabi naman ni kuya Spade

Pero hindi sila pinakinggan ni Grae at nagdere-deretso ng lakad papunta...... sakin.

Bakas ang galit sa mga mata niya at halatang galit siya. Teka, ano bang nangyayari?

"Totoo ba?", tanong niya sakin

Hindi ko alam kung anong meron pero hindi ako makasagot. Parang nawalan ako ng sasabihin.

"SUMAGOT KA!", sigaw niya sakin

Medyo napatalon at napaatras ako dahil sa pagsigaw niya. Eto yung unang beses niya kong sigawan.

"Grae ano ba! Bakit mo ba sinisigawan si Andrea?! Tinatakot mo siya!", sigaw ni ate Cheo

"Hindi ikaw ang kausap ko kaya manahimik ka", malamig na sabi ni Grae kay ate Cheo

"What the hell Grae?!", sigaw ni ate Cheo

"Alam kong narinig mo kaya hindi ko na kailangan pang ulitin", sagot ni Grae

Tapos tumingin ulit siya sakin at ang sama ng tingin niya. Nagulat ako nung hawakan niya ko ng mahigpit sa braso.

"Sagutin mo ang tanong ko", malamig niyang sabi sakin

"G-Grae nasasaktan ako!", sigaw ko

Pero mas hinigpitan niya lang ang pagkakahawak niya sakin. Halos mapaiyak ako sa sakit.

"Dude ano ba! Nasasaktan si Andrea!", sigaw ni kuya Spade

Pero hindi nakinig si Grae at umaktong parang wala siyang narinig.

"Bitawan mo nga ang kaibigan ko!", sigaw ni Hyrie

Saka niya tinulak palayo si Grae. Hinawakan naman ako nila ate Kyara.

"Halah ang pula na ng mga braso mo!", sigaw ni ate Agatha

"Ano bang problema mong lalake ka ha! Nananakit ka bigla?! Are you out of your mind?! Kung ang tinatanong mo ay tungkol sa kanila ni Kevin, oo sila na! Oo boyfriend niya si Kevin! Ano bang pakialam mo!?", sigaw ni Hyrie kay Grae

Unti-unting nagbago ang expression ni Grae. Kung kanina ay galit siya, ngayon kumalma na ang itsura niya at parang naluluha pa siya.

"Kayo na? Kayo na talaga?", tanong niya

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa kanya. I'm still confused why is he acting this way.

"Great, just great!", sigaw ni Grae

Chasing You (EDITING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن