Chapter 35

1.6K 27 0
                                    

MAKSPEYN'S P.O.V.

Dumating na ang araw na ayaw naming dumating. Ang araw na malalaman niya ang lahat lahat. Ang hindi ko naagapan, ay ang paglitaw ni Alyssa. Hindi ko namalayang nandito na pala siya sa Pilipinas at patago pa silang nagkikita ni Grae.

"Nung una, akala namin na-torpe lang talaga si Grae umamin sayo. Dati pa namin nahahalata na may nararamdaman na siya sayo. Pero hindi kami nakialam kasi inantay namin na siya mismo ang umamin sayo. Pero hindi niya ginawa", sabi ni Spade

"Na-torpe siyang umamin kasi nanliliit siya sa sarili niya. Pakiramdam niya hindi nababagay ang isang katulad niya sayo. Kasi masyado ka raw perpekto. At siya? Isa lang raw siyang patapon kumpara sayo. Sabi namin sa kanya, hindi ganon. Kasi alam namin na hindi ganun ang tingin mo sa kanya. Aamin na sana siya noon sayo, pero biglang may umeksena. Ang mga magulang mo Andrea", sabi ni Stroam

Bakas sa mukha ni Andrea ang pagkagulat. Sinasabi ko na nga ba. Hindi niya alam. Wala siyang kaalam alam na may kinalaman ang mga magulang niya dito.

"Kinausap nila si Grae na hindi mo nalalaman. Pinakiusapan nila si Grae na layuan ka. Kasi hindi raw makakabuti si Grae sayo. Sisirain lang daw niya ang mga pangarap mo at hindi daw ang tipo ni Grae ang gusto nila para sayo. Hindi kagaya ni Grae na basagulero, sakit sa ulo, walang pangarap, walang patutunguhan ang buhay. Nasaktan si Grae. At mas lalo pang nanliit ang tingin niya sa sarili niya dahil sa sinabi ng mga magulang mo. Nung una, ayaw ni Grae. Pero sabi ng mga magulang mo, ilalayo ka nila. Yung hinding-hindi ka na makikita pa ni Grae. Kaya kahit ayaw ni Grae, lumayo siya sayo. Mas mabuti na raw na lumayo siya sayo, pero kahit papaano ay nakikita ka niya rito at paminsan-minsang nakakasama. Kaysa sa hindi ka na niya makita kahit kailan", sabi naman ni Third

Mas lalong napaiyak si Andrea. Napatakip siya sa bibig niya at hindi alam ang sasabihin.

Hindi siya nagsalita at patuloy sa pag-iyak.

Hindi namin ginustong saktan siya at itago ang lahat, pero wala kami sa posisyon para sabihin ang mga 'to sa kanya.

Chasing You (EDITING)Where stories live. Discover now