"Pag-ibig sa Himpapawid"

1K 7 0
                                    


Di alintana ang layo mo sa akin
Mga tala sa langit ay kaya kong abutin
Ilang bundok man ang aking tatawirin
Katawan ko'y di susuko hanggat 'di ka mapapa sa 'kin.

Ilang dagat man ang ating pagitan
Mukha mo ma'y di ko ma hawakan
Ngunit sa pag tulog katabi ko ang 'yong larawan
Sana'y mag tagpo ang mga puso natin sa gitna ng buwan.

Malayo ka man ngunit malapit
Ikaw lamang ang nakikita ng matang nakapikit
Ang iyong lawaran sa 'king kamay nakadikit
Laging langhap ang amoy ng 'yong damit.

Oras man natin ay magka-iba
Gabi sayo, sa akin ay umaga
Pag-ibig ng isa't isa'y nangungulila
H'wag hayaang tuluyang itong maglahong parang bula.

Malinaw ngunit malabo
Minsa'y pintig ng puso ko'y huminto
Katawan ko'y minsa'y naging bato
Mata ko'y puti na sa kakahintay sa iyo.

Nasaan ka na oh aking pag-ibig?
Hagulhol ko'y kasing ingay ng kuliglig
Tila tenga mo'y bingi at hindi ako naririnig
Sadyang kay lupit mo sa 'kin pati ng daigdig.

- September 9, 2017

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon