"You're such a brat! Sige na bababa ko na to. Love you take care of yourself." Sabi ko at tuluyan ng pinatay ang tawag.

"Napakalandi mo talaga kiefer! May Stacy kanina, May tasha na pinagkakalat ang relasyon niyo tapos ngayon may babygirl ka pa. Bwiset talaga kayong mga lalaki kayo!!" Nagulat ako sa mga pinagsasabi ni Alyssa at bigla bigla na lang siyang tumayo at iniwan ako. "Aalis na ko nawalan ako ng gana sayo."

"Okay! What was that?"

Sumigaw ako ng malapit na siya sa pinto. "Ly! Huwag mong kalimutan magsuot biniki ha, para naman hindi na ko tumingin sa iba." Asar ko pa sa kanya.

"Huwag kang lalapit sa akin ha." Sabi niya at umalis na ng tuluyan.

Hindi ko na napigilan na tumawa tapos pagkatingin ko sa mga pagkain namin mas lalo akong natawa. "Nawalan daw ng gana eh halos maubos na nga niya."

Tinawag ko ang assistant ko. "Rick keep an eye on Alyssa habang may inaayos ako sa hotel. Huwag mong hahayaan na may lumapit sa kanya ha." Bilin ko dito.

Hindi ko mapigilan na mapangiti ito ang unang beses na sabay kami kumain mula ng ikasal kami.

———

ALYSSA

Naiinis talaga ako kay Kiefer, ang kapal kapal ng mukha. Kala mo naman ang gwapo. Pwede ba? wala pa siya sa kalingkingan ni Leonardo DiCaprio, Brad Pitt, Liam Hemsworth, and Theo James.

Naglalakad ako pabalik ng Villa na tinutuluyan ko dito ng mapatingin ako sa mga batang naglalaro ng volleyball. Ito yata ang sports na pinakagusto kong matututunan pero dahil sa mahigpit ang lolo at tita ko hindi ako nakakalabas ng bahay puro school lang.

"Ano bang gagawin ko dito? Hindi ko naman alam ang mga pwedeng gawin sa resort na to. Dapat yata hindi ko iniwan si kiefer doon at nagpasama na lang." Sa isip ko na medyo nabobored na.

Binilisan ko ang paglalakad para makapagpalit ng swimwear ko. "Tignan natin kung hindi ka matutulala sa akin, kiefer."

Nilabas ko ang mga biniki na dinala ko at tinignan ito isa isa. Kanina ko pa iniisip kung anong susuotin ko.

Tapos napatingin ako doon sa black two piece kakabili ko pa lang sa Paris hindi ko pa siya nagagamit kasi balak ko sana tong gamitin sa Siargao trip namin ni Ella pero dahil sa busy schedule ko hindi na matuloy tuloy.

Sinuot ko na at tumingin muna ako sa mirror dito medyo nailang tuloy ako feeling ko ang pangit ng katawan ko

"Bwiset! Kasi tong si Kiefer eh! Nakakainis talaga!"

Umikot ako ng isang beses pa tapos Pinatungan ko to ng white na polo ni kiefer na nakita ko sa cabinet.

Kinuha ko ang isang towel at ang shades ko tapos ng makuntento na pinasya kong lumabas na, buti na lang hindi naman masyadong masakit sa balat ang araw.

Naupo ako sa isang sun lounger at pinikit ko ang mga mata ko. Parang ngayon lang yata talaga ako narelax sa sobrang daming nangyari sa akin, buti nakasurvived pa ko. Kumusta na kaya ang boutique? Tapos si Ella hindi ko pa siya nasabihan dito malamang sesermonan ako nun.

Natigil ang pagiisip ko ng may magsalita sa tabi ko.

"Hi Miss, are you alone?" Sabi ng isang maputing lalaki na nakangiti pa sa akin. "My name is Ivan." Nilahad niya pa ang kamay niya sa akin.

Hindi ko alam kung tatanggapin ko to pero nakatingin lang ako sa kanya.

"Don't worry harmless naman ako. Hindi ako katulad ng iniisip mo, kanina pa kasi kita nakita paglabas mo doon sa restaurant mag-isa ka lang maybe I can keep you company?" Sabi niya pa.

Dreams Into Reality (COMPLETED)Where stories live. Discover now