xxix. How white turned Black

995 26 1
                                    


Updated muli, nawa'y magustuhan niyo po. ;)

(THIRD PERSON'S POINT OF VIEW)

MATAPOS noong mirakulong gabi na nabuhay si Ericka, nanatili muna siya sa Isabela kasama ang pamilya at ang baby niya. Ilang linggo na hindi nagparamdam si Azazel sa kaniya. Inaamin niya nag-aalala siya sa ama ng anak niya, hindi pa kasi niya ito nakakausap ng maayos mula ng manganak siya.

Zenrick decided to stay with her, sa tulong nina Irhana, Caden at Agnus naging madali ang pag-a-adjust ni Zenrick bilang isang tao ulit. Zenrick was able to keep his third eye, isa yun sa mga abilities na hindi naalis sa kaniya kasama na ang fighting skills niya. Tulad ni Ericka, nakakita na rin siya ng mga ghost na minsan pa nga nakikipaglaro sa anak ni Ericka na si Ickus. Hindi naman mawari ng pamilya ni Ericka ang biglaang pagsulpot ni Zenrick sa eksena pero naipaliwanag niya na espesyal na parte ng buhay niya si Zenrick at ganon din si Azazel.

Malusog si Baby Ickus at palangiti rin ito, sobrang masayahin niya kaya libang na libang si Ericka na mag-alaga sa kaniya. Zenrick had decided to be Ickus father, he's 27 in his human age so having a baby wouldn't matter at all and marrying Ericka would not be an issue because she's already 24 to begin with.

Zenrick can finally picture a happy ending, ito yung pinangarap niya kasama si Margaret dati at ngayon matutupad niya kasama si Ericka. "Kanina ka pa ata nakatingin sa akin?" tanong ni Ericka kay Zenrick, mahina siyang ngumiti dito. It was a beautiful sight, seeing Ericka taking care of her baby.

"I never thought these things would happen again. Hindi ko inakalang mabibigyan pa ako ng ganitong pagkakataon," sagot niya kay Ericka. "Ako rin, akala ko forever na akong weird at abnormal. Until you came, you made my flaw very special. You loved me despite of it," sagot ni Ericka sa kaniya. Lumapit siya dito at saka hinaplos ang pisngi ni Ericka.

"Maliit lang na bagay yun kumpara sa pagbibigay sa akin nang dahil upang mabuhay muli," dagdag pa nito dahilan para mamula ng tuluyan si Ericka.

***

"ERICKA, ang gwapo talaga n'yang jowa mong si Zenrick ha?" tanong ni Ate sa akin nang umalis si Zenrick sa tabi ko para maligo. Sa wakas, totoong ligo na talaga ang magagawa ni Zenrick, nung mumu siya walang epekto ang tubig sa kaniya at mayro'n pa siyang ghost rights na tinatawag, natawa na lang ako habang iniisip iyon. Mahina akong napangiti kay Ate. Si Azazel, binura n'ya at muling minanipulate ang ala-ala nila Nanay, Ate at Tatay maging ng buong baryo na nakakaalam na asawa ko siya. When I woke up the next day, everything seemed so normal. Na tila ba 'di ako nagsuffer sa near death experience.

At ang alam nila, si Zenrick ang boyfriend ko na kasama kong pumunta ditto sa probinsya. He even had manipulated some of their memories, kaya kahit nanibago kami ni Zenrick, we decided to just go with the flow. Kasi kung sabihin man namin ang totoo people wouldn't believe us. Fantasy is far away from reality even tho it exist.

"Sinuwerte lang ako ate," sagot ko sa kaniya.

"Kaya sinolo mo na. Nakipagtanan ka pa e sobrang gwapo naman n'yan. Alam mo kung sinabi mo agad na buntis ka noon at 'yan ang ama. Walang magagalit sa'yo kasi pinapaganda mo na ang lahi natin." Natawa na lang ako sa sinabi ni Ate sa akin.

"Ate, pasensya ka na. Nag-alala siguro kayo noong nagtanan kami ni Zenrick."

"Sobra kaming nag-alala noon! Kaya h'wag mo ng ulitin 'yon ha?" sambit niya sa akin. "Don't worry ate, ngayon okay na ang lahat. Wala ng dahilan pa para matakot ako at magtago," sagot ko sa kaniya.

Tumayo sa pinagkakahigaan niya si Xing Xing at lumapit sa aking baby, dinilaan niya ang ulo nito dahilan para mapahagikgik ang bata. Hinawakan ni Baby Ickus si Xing-Xing kaya naman napapikit ang pusang 'yon. Mabuti 'di niya sinisipa ang kamay ni Ickus gaya ng ginagawa niya sa akin mukhang gustong – gusto niya ang anak namin kahit sinusungitan niya ang tatay nito noon.

[Fallen Wings Series #1] The Ghostly Hunter, Demon and I [EXO Kai ] (Completed)Where stories live. Discover now