xxii. Aftermath

1K 34 3
                                    


Updated na rin po ang ILY, My Mumu. Enjoy reading! Vote! and Comment po tayo.


(ERICKA DEL CARLOS' POINT OF VIEW)

NAGISING ako dahil may yumakap sa akin. Kusang nagmulat ang mga mata ko at bumalik sa akin ang mga nangyari kahapon. Ang kumot na tanging takip ng katawan ko, ang kumot na tanging bumabalot sa aming dalawa. Ang kwartong naging saksi ng ginawa n'ya sa akin.

Bumalik sa akin ang bawat kababuyan na ginawa niya sa akin, tumingin ako sa kamay na nakayakap sa akin at takot ang naramdaman ko. Pabalya kong inalis ang kaniyang yakap sa akin.

"Destiny, ang aga naman ata ng gising mo. Hindi ka ba pagod?" tanong n'ya at saka niya minulat ang kaniyang mga mata. His red eyes welcomed me, he was pure evil. He is nothing but evil. Agad kong yinakap ang sarili ko, wala na s'yang maari pang makuha. Huli na 'tong nais n'yang kunin sa akin. Mahina s'yang tumawa at saka siya umupo.

"Huwag mong sabihing 'di mo nagustuhan ang ginawa natin. As far as I remember you begged for more..." saad n'ya sa akin at lumebel siya sa akin.

'Hindi ko gusto 'yon, ginawa ko lang 'yon kasi gusto mo 'yon. Kasi 'di mo ibibigay 'yung dahon. Ginawa ko 'to para kay Zenrick, ginawa ko ito kasi mahal na mahal ko siya.'Tumawa siya ng marinig niya ang rason, isang tawa na tila ba biro ang nadinig niya mula sa akin.

"How romantic... but don't be so plastic, okay? You liked the pleasure and don't deny it." he chuckled at muli n'yang tinuon ang tingin niya sa akin. Mas naging pula ang mga mata niya, nag-aalab ito sa pula. Napaatras ako sa headboard ng kama, I can't speak. All what I can feel is a Goddamn fear. I felt like I made the most stupid decision in my life. I could have anothers option but I weak... No, I was fucking desperate.

"Nakikita mo ang mga mata ko, Ericka..." He forced me to look at him, grabbing my cheeks, making me groan in pain. Pakiramdam ko ay babaon ang kuko n'ya sa pisngi ko.

"Ikaw ang may gawa ng mga ito. Kasalanan mo kung bakit ganito ako kaya papahirapan kita. Iyan ang gusto kong gawin. Gusto kitang pagdusahin!" sigaw n'ya sa akin. Hindi ako nakasagot dahil mas nauna ang takot ko, isa nga s'yang demonyo. Napakasama n'yang nilalang. "You can't just forget about me after you lived aga—" My body shook because of fear, I'm trembling. I felt like I'm near to dying.

Inangat niya ang daliri niya at hinaplos ang pisngi ko, nang dahil doon ay naluha ako sa takot. Naalala ko kung paano magmakaawa na itigil na niya, naalala ko ang lahat. Bumaba ang daliri niya sa aking leeg papunta sa kumot na nagtatakip ng katawan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit sa akin n'ya binubuhos ang galit n'ya. Hindi ko alam kung bakit ako pa? Ang dami n'yang maaring guluhin pero bakit ako? Bakit 'di na lang niya basta hatakin ang kaluluwa ko? Sa halip, ganito pa ang ginagawa n'ya.

"Tama na... Gusto ko ng bumalik sa tabi ni Zenrick. Please... ibigay mo na lang 'yung dahon. Gusto ko ng umuwi at makita si Zenrick. Gusto ko pa siyang makasama." pakiusap ko sa kaniya. Nawala ang pagkapula ng mata niya, naging kulay brown ito. Ang 'di ko maipaliwanag na galit sa kaniyang mga mata ay napalitan ng ibang tingin.

Naisuklay niya ang kamay niya sa buhok niya, kasunod ng kilos na 'yon ay ang mahinang pagmumura niya. Tumayo s'ya sa kama at sinuot ang nakakalat na pantalon at polo n'ya, "Babalik ako kasama ang dahon mo. Mag-ayos ka na, ibabalik na kita," saad n'ya sa akin at biglaan s'yang naglaho.

***

(THIRD PERSON'S POINT OF VIEW)

NANGINGINIG si Ericka habang naglalakad pabalik sa tahanan nila Irhana.Dala na niya ang gamot na kinuha niya kay Azazel kapalit ng isang gabi ay ang tuluyang paggaling ni Zenrick. Iika ika siya at sobrang sakit ng katawan niya.Pakiramdam niya sobrang dumi na niya pero kailangan niyang iwaglit ito sa isip niya at makabalik agad para magamot na si Zenrick. Gustong umiyak ni Ericka sa tuwing maalala niya ang mga nangyari pero hindi na niya maibabalik ang lahat.

[Fallen Wings Series #1] The Ghostly Hunter, Demon and I [EXO Kai ] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon