xx. Hiding

795 33 1
                                    


(ERICKA DEL CARLOS' POINT OF VIEW)

TATLONG araw na kaming nagtatago dito sa tahanan nila Irhana pero hindi ko pa rin makalimutang ang huling pag-uusap namin kasama si Azazel, kung paano niya muntikang saktan si Zenrick.

"Masyado pa yatang maaga para tumingin ka madilim na view," lumingon ako at nakita ko si Irhana. Mahina akong ngumiti sa kaniya at saka bumuntong hininga. "May iniisip lang ako," sabi ko sa kaniya.

"Tungkol iyan sa sumpa ni Azazel diba?" tanong niya sa akin, tumango ako sa kaniya at yinakap ang sarili ko dahil sa lamig. "Pakiramdam ko sobrang pabigat ko na dahil doon, lahat na lang kayo parang pinoprotektahan ako kahit ang dapat niyong gawin eh patayin ako," sagot ko sa kaniya.

"Dapat nga pinapatay ka namin pero inosente ka eh, tama si Zenrick. Hindi ka dapat nadamay sa gulong to, sadyang tuso lang si Azazel at alam niyang ikaw ang bagong kahinaan nito,"sagot niya sa akin.

"Zenrick lost so much for Margaret, but still he lost her despite of it," sabi niya sa akin tumingin ako sa kaniya.

"Nung nawala si Margaret, nalungkot siya pero na-realize niya nandyan ka pa. He still have a reason to live, kaya gagawin niya ang lahat huwag ka lang mawala. He loves you so much that he will sacrifice even his immortality for you,"sagot niya sa akin

"Buhay niya, ako yata ang dahilan kung bakit masasaktan si Zenrick. Ayokong mapahamak siya."

"Pero ayaw niyang mawala ka sa kaniya," sagot niya siya sa akin, tumayo siya at saka ako hinarap.

"Sumama ka sa akin, may ibibigay ako sayo,"saad niya at hinila niya ako papasok ng bahay. Dinig na dinig pa namin ang hilik ni Caden pagpasok namin. Pumunta kami sa isang kwarto sa baba kung nasaan ang mga sandata nila.

Lumapit si Irhana at kumuha ng dalawang pirasong patalim, inabot niya sa akin iyon. "Para saan ito?" I asked her at nagkunot ang noo ko.

"Ayaw mong maging pabigat kay Zenrick diba?" tanong niya sa akin, tumango ako sa kaniya. "Tutulungan kitang huwag maging pabigat. I'll teach you the basics of fighting, para kung may sumugod dito,you'll have the confidence to defend yourself," mabigat ang mga patalim pero sobrang talas nito.

Lumabas kami ni Irhana at tinuruan niya akong magbato ng patalim at kung paano ang tamang pagsugod, inabot na nga kami ng umaga dahil doon. Mabilis naman akong natuto at mock trial kami ni Irhana, kunwari siya ang kalaban at nagawa ko siyang talunin.

Sobrang saya ko dahil doon. "You're doing a great job," napalingon ako at nakita ko si Zenrick.Naka-morning look pa siya at ang gwapo niyang tingnan. "Tinuruan ako ni Irhana na ipagtanggol ang sarili ko para hindi ako maging pabigat," sagot ko sa kaniya at saka ako tumakbo para yakapin siya.

 "Hindi ka naman pabigat," sagot niya sa akin.

"Pero gusto kong hindi ka laging nag-aalala sa akin sa tuwing may hunter na gustong pumatay sa akin. Gusto ko mabawasan yung pag-aalala mo, kung pwede nga hindi na maging stress eh," sabi ko sa kaniya, hinalikan niya ang labi ko. "Mas maiistress ako kung wala ka sa tabi ko," sagot niya sa akin at natahimik ako.Kahit na kailan hindi niya naisip na mas madali kung papabayaan na lang niya ako at hahayaan na patayin ng mga hunters.

"Tandaan mo ito, I love you so much that I will do anything not to lose you again like Margaret," bulong niya sa akin.

"I Love you too, and I promise na hindi ako mawawala sa'yo gaya ni Margaret," sagot ko sa kaniya. "Mamaya na kayo maglambingan at mag-eensayo pa kami ni Ericka. Zen, sasama ka ngayon kay Agnus at Caden para mag-hunt diba?

[Fallen Wings Series #1] The Ghostly Hunter, Demon and I [EXO Kai ] (Completed)Where stories live. Discover now