xxv. Longing for your love

964 32 2
                                    


Updated na po ulit tayo, mga beshies! Mwahahaha


(AZAZEL'S POINT OF VIEW)

"ANONG oras ba dadating ang bus ha? Hirap na hirap na si Ericka na maghintay," reklamo ni Azazel sa konduktor ng bus.

"Sir, nahuli po kasi yung driver at traffic daw sa Nueva Vizcaya," sagot naman ng konduktor. Sinabunutan ni Azazel ang sarili niya at lumapit ulit sa akin.

"Can we just teleport?" tanong niya sa akin.

"Sira, edi nabaliw naman na yung pamilya ko kung nag-teleport tayo," sagot ko sa kaniya. "Nahihirapan ka na, mauna na lang kaya tayo," he suggested.Inayos ko ang upo at hinawakan ang tiyan.

"Baby, maghihintay muna tayo ha?" sabi ko sa baby sa tiyan ko at saka ako tumingin kay Azazel.

"Naiinip ka na ba, Azazel hijo?" tanong ni tatay sa kaniya at inabutan niya nang kape si Azazel tinanggap naman niya ito.

"Medyo po, hindi pwede si Ericka sa matao at mainit na lugar. Our baby might find it uncomfortable," sagot niya kay tatay. Aysus, nagbabait-baitan. Deceiving ang peg nito ngayon ah? Sino bang mag-aakalang demonyo siya?

Mabilis na napalagayan ng loob ni Azazel si Tatay, naiisip ko kung si Zenrick siguro ang naiuwi ko at nakikita nila baka madali din silang magkasundo.Napabuntong hininga na lang ako, hindi na pwedeng mangyari iyon. Wala na kaming pag-asa ni Zenrick dahil sa nagawa ko, hindi nga niya ako hinanap eh. Siguro, siguro para sa kaniya balewala na ako dahil sa ginawa ko.

Sabagay, kung tutuusin I betrayed him. Siguro deserve ko din to. "Iniisip mo na naman ba siya?" tanong ni Azazel at tumango ako sa kaniya.

"Namimiss ko na siya," sagot ko sa kaniya.

"Iniwan mo tapos mamimiss mo, anong klaseng katangahan iyon?" tanong niya sa akin at saka niya hinipan ang sinisimsim niyang kape.

"Ang sakit mo namang magsalita," sagot ko sa kaniya at tinawanan niya ako.

"Nagsasabi lang ako ng totoo, he didn't even noticed that you are gone. Hindi niya napansing umalis ka.So I think, what he felt for you is not real love," sagot niya sa akin.

"Dinedemonyo mo na naman ako," angal ko sa kaniya.

"Nagsasabi lang ulit ako ng totoo, bibihira lang ang demonyong honest kaya maniwala ka na sa akin," he retorted back.

"Kung hindi totong love ang naramdaman niya sa akin. Okay lang, what I felt for him is real at hindi ko pinagsisihan na ibigay iyon ng buo sa kaniya."

"Si Zenrick, siya ang nag-iisang tao sa buhay ko na tinuring akong normal. Pinaramdam niya sa akin na normal ako, pwedeng mahalin kahit na ang tototo eh abnormal ako at laging napapagbintangan na may sayad dahil sa third eye ko," pagkwento ko sa kaniya.

"Bakit ba ang dali niyong mahulong sa mga simpleng bagay?" tanong ni Azazel sa akin. "Siguro dahil tao kami, God gave us the priviledge to chose and to feel emotions, to explore, and even to love freely. Masayang magmahal kahit masasaktan ka bandang huli, nasaktan man ako kasi hindi niya natanggap itong nangyari. Masaya pa rin ako kasi mas madami kaming masasayang ala-ala na pinagsaluhan. I'll bring it even to death, makalimutan ko na ang lahat huwag lang ang pagmamahalan namin," sabi ko sa kaniya at saka ako ngumiti. Tumingin si Azazel sa akin at hinaplos niya ang pisngi ko.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kaniya.

"Oh holy shit! here it goes again," he murmured at inalis niya ang kamay niya sa pisngi ko. "Azazel, magkaiba sila. Stop being so selfish and just focus on what you did," bulong niya sa sarili niya. "She is she, her is her. Their different, don't make another fucking mistake..." muli niyang bulong sa sarili niya.

[Fallen Wings Series #1] The Ghostly Hunter, Demon and I [EXO Kai ] (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz