xxi. Painful sacrifice

1K 31 2
                                    


xxi. Painful Sacrifice

(ERICKA DEL CARLOS' POINT OF VIEW)

DINALA nila Agnus si Zenrick sa loob ng tahanan nila.Ang daming dugo ang lumalabas sa kaniya."Mautak ang hunter na iyon, nilagyan niya ng lason ang sandata niya," sabi ni Caden habang sinusuri niya ang sugat ni Zenrick.

Nakatayo lang ako sa gilid habang nakikita ang ginagawa nilang pag-rescue kay Zenrick. kasalanan ko lahat ng ito, Irhana was injured, Caden is in pain at si Zenrick naman nasa malubhang kalagayan. Napansin ko ang paglapit sa akin ni Agnus, patuloy sa pag groan si Zenrick sa sakit na nararamdaman nito. "Lapitan mo na siya, kailangan ka niya,"sabi sa akin ni Agnus.

"Kasalanan ko 'to, nasaktan siya ng dahil sa akin."

"Wala kang kasalanan, mautak lang ang hunter na iyon. Gagaling din si Zenrick kaya huwag kang magsalita ng ganyan ha," paninigurado niya sa akin. Lumapit ako kay Zenrick na kasalukuyang sumisigaw habang dinidis-infect ni Irhana ang sugat niya.

"Matagal pa ba iyan?" tanong ni Agnus sa kaniya, hinawakan ko ang kamay ni Zenrick. Minulat niya ang mata niya at mahinang ngumiti sa akin.

"I'll be fine," sabi niya sa akin.

May malaking arrow na tumusok sa puso ko dahil doon, Alam kong hindi siya okay. He's dying because of me. "Sorry," sabi ko sa kaniya. Hanggang sorry na lang ako lagi sa kaniya pero wala naman akong naitutulong.

"Bakit ka ba nagso-sorry eh maliit na sugat lang naman ito?"

"Gagaling din ito pag hinalikan mo ako sa lips," sabi niya at nagawa pa niyang magpout sa harap ko. "Sira ka ba, nasaktan ka oh. Ang daming dugo tapos nangyari pa iyon dahil sa akin," sabi ko sa kaniya at umiyak na ako pinunasan ko ang luha ko at ang sipon ko na tumulo.

"Shit, ang hot mo talaga pag tumutulo ang sipon mo Ericka. sa susunod wag mo ng punasan. Gusto ko pag tutulo sa sahig yung sipon mo."

"Zenrick, tuluyan kita diyan eh," sabi ko sa kaniya habang namumula ako ng sobra.Talagang nagawa pa niyang magbiro eh halos mamatay na siya nang dahil sa pagsalag niya sa tira na dapat sa akin tatama. He could've just let me get killed kesa ipahamak niya ang sarili niya.

"Huwag ka na kasing mag-isip ng kung ano, alam mo bang sobrang saya ko kasi lig---" natigil siya ng dumiin ang kamay ni Irhana sa sugat niya.

"Bullshit, Irhana dahan dahan!' sigaw ni Zenrick.

"Oo dinadahan-dahan ko pero malalim ang sugat mo, kailangan kong linisin para alisin. It seems like that hunter used a poison from hell."

"Anong ibig sabihin no'n?" tanong ko sa kaniya tumingin sa akin si Irhana. "This poison was really meant for Ericka, balak no'ng hunters na sirain pati ang kaluluwa niya para maglaho na talaga si Azazel, total destruction ika nga."

"Ito ang ginagamit sa impyerno para parusahan ang mga kaluluwa ng tao. It can melt someone's soul na parang binubuhusan ito ng asido tapos babalik ulit sa dati, gagaling and the same cycle will happen. Kapag ginamit naman 'to sa hunter, it will literally burn the area at kapag sa isang tao na hindi pa nahahatulan.It can destroy it's soul. Gano'n ang nangyari kay Zenrick, yung mga organs niya na tinamaan ng lason ay natutunaw sa mabagal na proseso," paliwanag sa akin. Humigpit ang hawak ni Zenrick sa kamay ko, pakiramdam ko mauubusan na siya ng dugo sa dami ng lumalabas sa kaniya.

"Pero diba ang mga hunters kayang magregenerate?" tanong ko Irhana.

"Oo, pero galing sa impyerno ang lasong ito, hindi gumagana ang regeneration skills ng isang demon hunter dito, kailangan nating makakita ng lunas nito."

[Fallen Wings Series #1] The Ghostly Hunter, Demon and I [EXO Kai ] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon