viii: Ang textmate kong engkanto

1K 43 1
                                    


Double update for today! What can you say po about the story so far. This is the reposted version. May mga mababago kasi sa later chapters. New details and new chapters po ang makikita n'yo. So, Thank you!


viii: Ang textmate kong engkanto

"HINDI ko kailangan ng tulong." Sabi sa amin ng engkanto na nakaputi habang nakaupo kami sa ilalim ng puno. muling tumunog ang cellphone n'ya kaya na naman bigla s'yang nataranta.

"Hala na, ayan na naman siya," sabi niya muli sa amin at sinagot niya ang tawag pero hindi siya nagsasalita saka niya madaling pinatay ang cellphone niya.

"Hindi ba talaga?" tanong ko sa kaniya

"Hindi, kaya ko na 'tong mag-isa." Sabi niya sa amin pero nanginginig pa rin siya.

"Eh parang problemado ka eh, natotorpe ka no?" tanong ni Zenrick at pinakita niya ang ghost smirk niya na feeling hot kahit hot naman talaga tingnan.

"Ako? Torpe hindi ha? Nahihiya lang ako," pagtanggi niya sa akin at saka niya kinusot ang ilong ko.

"Torpe nga," sagot naman ni Zenrick.

"Hindi nga ako torpe eh!" pagtanggol niya sa sarili niya at saka niya muling tiningnan ang babae.

"Natatakot lang ako sa magiging reaksyon niya, paano kung malaman niya na yung secret admirer niya engkanto pala. Magugustuhan pa ba niya ako?" tanong niya sa amin at nabalot ng lungkot ang mukha niya.

"Tol, gwapo ka naman pero mas gwapo pa rin ako sa'yo. Kaya wag kang mawalan ng pag-asa, saka hindi mo pa naman sinusubukan eh. Matakot ka kung binasted ka kasi mahirap mag move on." Sagot naman ni Zenrick sa kaniya tumingin naman ito sa amin.

"Kahit kailan talaga ipaglalaban mo 'yang kamunduhan mo tungkol sa kagwapuhan mo ano?" tanong ko sa kaniya at saka ako tumawa.

"Kung alam ko lang, eh nag-uwi ka ng isang litrato mula sa unit ko," sagot niya sa akin at namula ako ng sobra sobra.

"Hoy! Sobrang maalikabok na ng mga picture mo! Bakit naman ako mag-uuwi no'n eh mukhang unggoy ka naman doon?" pagdepensa ko sa sarili ko. Pero oo, nag-uwi ako ng maliit na picture niya. Pero hindi ko naman tinititigan lagi 'yon. Pag gabi lang tapos may time ako.

"Kasi nga gwapo ako, matalas ang jawline ko, tapos moreno, matangkad, dream guy mo pa nga hindiba?" tanong niya sa akin at itinaas niya ang kilay niya saka siya nag-disappear at biglang sumulpot sa harap ko. Nakalagay ang braso niya na parang kino-corner niya ako sa puno at saka niya inangat ang baba ko para matingnan ako sa mga mata ko.

"Teka-- teka hindi totoo 'yang sinasabi mo,"sabi ko sa kaniya.

"Come on Ericka, mula ng niligtas kita sinundan na kita, kaya wala ka ng malilihim sa akin. Let's talk about over shower sometime baby, and let's turn you fantasies into some action," saad niya at gumamit pa siya ng raspy voice niya. Gusto ko tong buhusan ng Agua bendita o kaya paluin ng buntot ng paging at ng mawala na.Ipagdasal ko na kaya ang kaluluwa nito? Agad akong tumakbo at tumagos pa ako sa kaniya, sobrang goosebumps tuloy ang meron ako tapos tinawanan lang niya ako.

"Heh! Maghanap ka ng ibang mahahanap mo sa networking!" sigaw ko sa kaniya at muli siyang tumawa.Napatingin ako kay Marciel na hindi naman kami pinapansin dahil nakatitig pa rin siya doon sa babae.

"Ako nga pala si Ericka tapos itong kasama ko si Zenrick, multo siya na may amnesia." Pagpapakilala ko sa kaniya at inilahad ko ang kamay ko sa kaniya.

[Fallen Wings Series #1] The Ghostly Hunter, Demon and I [EXO Kai ] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon