I. The girl who sees

2.7K 52 3
                                    


New title: The Ghostly Hunter, Demon and I 

New title: The Ghostly Hunter, Demon and I 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


I. The girl who sees

(ERICKA DEL CARLOS' POINT OF VIEW)

BATA pa lang ako nakakita na ako ng mga multo. Alam niyo ba na ang mga ghost ay nagpapakita sa'yo dahil sa may kailangan silang sabihin?Ginagawa lang nila iyon kung alam nilang relax ang utak mo. Pero sa katulad ko, kahit 'di ako relax eh nagpapakita sila sa akin. Kahit na magpanggap akong walang nakikita, ewan ko ba malakas ata ang sensors nila at nararamdaman pa rin nila na nakakakita ako ng mga multo.

Tulad nitong katabi ko ngayon sa restaurant.Nakatingin siya sa akin habang nanonood ako sa I wantTV ng On the Wings of Love, tapos kinikilig pa ang multong ito. Crush daw niya si James Reid at inis na inis na siya sa character ni Paulo Avelino.Kulang na nga lang ay hampasin niya ako sa kilig. Kaya ito ako, nagpapanggap na hindi ko siya nakikita.

"Can I get your plates, Ma'am?" tanong sa akin ng waiter.

"Ano ba 'yan! Panira naman sa panonood." Reklamo nang multo na nakikinood lang sa tabi ko. Tiningnan ko siya sa refleksyon ng screen at nakita ko ang itsura niya.

"Sure, paalis na rin naman ako," saad ko sa waiter at saka kinuha ang bag ko. I need to leave or else. Damn!

"Di ko pa tapos panoorin 'yung On the Wings of love tapos aalis ka na?" tanong ng multo sa akin. I pretended not to hear what it said to me. Wala akong naririnig, wala rin akong nakikita kahit na alam kong mayroon.

Kinuha ko na ang mga libro ko at saka ko pinatay ang cellphone ko para makaalis na. "Huwag kang aalis!" nakakatakot niyang sigaw sa akin. Lumabas ang litid ng mga mata niya at ang mga dugo dito, muntikan akong mapasigaw pero pinilit kong maging stoic.

"Dito ka lang! Alam kong nakikita mo ko!" sigaw niya muli sa akin.Napalunok ako at uminom ng tira kong pineapple juice. Mapapasubo ako dito sa multong ito, Oh Lord God please help me.

"Huwag kang aalis! Akin lang si James Reid!" sigaw niya muli sa akin at napaatras ako paano kasi nakita ko na ang paglabas ng eyeballs niya. Bigla siyang lumuhod at gumapang papalapit sa akin. Umatras ako ng umatras, at umatras ulit hanggang sa matumba ako.

"Wag kang aalis... H'wag... pakiusap, huwag..." sabi niya muli sa akin.

"Miss, are you okay?" tanong waitress sa akin tinuro ko yung babaeng multo.

"Ma'am bakit?" tanong niya muli sa akin.

"Yung babae, m - multo," sabi ko at tinuro ko ulit yung babae.

"Ma'am, wala naman pong babae diyan? Wala po akong nakikitang multo," sabi niya sa akin.

"Gumagapang siya, yung mga mata niya..." nanginginig kong saad sa kaniya.

[Fallen Wings Series #1] The Ghostly Hunter, Demon and I [EXO Kai ] (Completed)Where stories live. Discover now