xvi. Azazel

1K 41 1
                                    


Updated na po ulit ang ILY, My Mumu. Enjoy reading.


16th Chill: Azazel

(ERICKA DEL CARLOS' POINT OF VIEW)

MINULAT ko ang mga mata ko at nakita ko si nanay at tatay sa tabi ko. "Nanay,"tawag ko sa kaniya. Itinuon niya ang atensyon niya sa akin.

"Ericka, anak ko...." sabi niya at agad niya akong yinakap ng mahigpit.Napaiyak na lang ako dahil sa sobrang takot ko. Muntikan akong mamatay nang dahil kay Azazel.

"Bakit ka ba naglaslas ha?" tanong niya sa akin at umiling ako. Hinanap ng paningin ko si Ate Ria at nakita ko siya sa gilid na tila ba may kinikimkim na sama ng loob sa akin.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na demonyo ang may kagagawan nito diba? "Hindi ko alam," sagot ko sa kanila at saka ko hinawakan ang aking pulso, dalawang pulso ko ang may laslas.

"Hindi naman ako nagkulang sa pag-aalaga sayo diba?" tanong ng Ate ko sa akin at napayuko na lang ako. Gusto kong sabihin kung ano ang nangyayari pero natatakot ako.

"Bakit ka ba nagpakamatay ha? " tanong niya sa akin at saka siya umiyak. Hindi ako nakasagot ng maayos sa kaniya. "Hindi ba kung problema ka naman diyan sa third eye mo, ginagawan ko ng paraan pero ikaw yung may ayaw!" sigaw niya sa akin at saka niya ako binatukan.

"Pero, anong ginawa mo? Gugulatin na lang ako ng tawag na--- Ayy! Nakakainit ka ng ulo Ericka!" sigaw niya sa akin

"Tama na iyan, Ria!"awat sa kaniya ni nanay. Biglang sumulpot si Zenrick sa gilid at saka siya tumingin sa akin at mahinang ngumiti.

Lumapit siya at umupo sa gilid ng kama ko."Are you fine?" he asked me at umiling ako sa kaniya at saka ako umiyak na rin ng sobra. "Takot na takot na ako, ayokong mamatay," sabi ko sa kaniya. Iyon ang nararamdaman ko, gusto kong takasan ang mga nangyayari sa akin. Gusto kong burahin itong marka ni Azazel sa akin pero hindi pwede iyon.

"Kung gusto mong mabuhay edi sana 'di ka naglaslas!"sagot ni Ate sa mga sinabi ko kahit na para kay Zenrick iyon."I'm Sorry, Ate..." sagot ko sa kaniya, pero nag walk-out lang ang ate ko.

"Ate Ria!" tawag ko sa kaniya. Agad naman hinabol ni Tatay si Ate Ria para kausapin ito, sumunod din si nanay at naiwan kami ni Zenrick sa loob ng kwarto.

"Patawarin mo ako," bulong niya sa akin. Inilagay niya ang noo niya sa ulo ko.

"Natatakot ako Zenrick, paano kung—"

"Sshhh... wag kang magsalita ng kahit na ano ha? Ililigtas kita diba? Ako pa rin yung knight mo at hindi magbabago iyon. Hindi ko hahayaan na masaktan ka ni Azazel," sabi niya sa akin at hinalikan niya ang ulo ko.

"Masakit pa ba ang kamay ko?' tanong niya sa akin at tumango ako, "Malalim yung hiwa na ginawa ni Azazel. Porket hindi niya nararamdaman yung sakit sinagad niya," sabi ko sa kaniya.

"Hindi 'yan sasagarin ni Azazel kasi pwede rin niya iyong ikamatay kapag namatay ka. Ginawa niya iyon para hindi ko siya patayin. Hindi ko magagawa ang misyon ko bilang isang hunter kung 'di ko mapapatay si Azazel," sagot niya sa akin.

"Para mapatay siya dapat mamatay muna ako?" tanong ko sa kaniya at tumango siya sa akin.

"Hindi ko hahayaan na mangyari iyon," sagot niya sa akin.Hinawakan ko ang markang inilagay ni Azazel sa leeg ko.

"Hahanap ako ng paraan para mabali ang sumpa niya," sabi niya sa akin at saka siya tumayo, kumuha siya ng baso ng tubig at saka inabot sa akin.

"Master na master mo na ang pagpapagalaw ng mga bagay ha?" I asked him.

[Fallen Wings Series #1] The Ghostly Hunter, Demon and I [EXO Kai ] (Completed)Where stories live. Discover now