xviii. Chatmate ni Ate Ria

886 36 1
                                    


Updated na po ang ILY, My Mumu. Votes and comments po tayo.

Chapter 18: Chatmate ni Ate Ria

(ERICKA DEL CARLOS' POINT OF VIEW)

HINDI ko maintindihan ang nangyayari sa harap ko ngayon, naglalaban silang apat. Isa laban sa tatlo at wala man lang akong magawa, nanghihina na si Zenrick at puno na siya ng sugat. Malakas siya pero hindi niya kaya ang sabay sabay na pagtira sa kaniya ng mga demon hunters.

Lahat ng ito nangyayari nang dahil sa akin, dahil sa gusto niya akong protektahan.

"Tama na!" sigaw ko at natuon sa akin ang atensyon nang isang lalaking hunter. Lumapit siya sa akin at kinuha ang patalim niya, ihahagis na niya iyon pero pinigilan iyon ni Zenrick sa pamamagitan nang hagis ng espada niya saka niya muling kinuha ang espada niya.

"Hindi niyo masasaktan si Ericka, dadaan muna kayo sa akin,"sabi ni Zenrick sa kanila at tumawa ang lalaking iyon. "Isuko mo na lang siya Zenrick, mahihirapan ka lang," sabi nito sa kaniya.

"Hindi ko siya isusuko!"

"She is Azazel's vessel kaya dapat siyang tapusin,"sagot nung Irhana at inatake niya si Zenrick. "Wala siyang kasalanan Irhana, Azazel just put some nasty spell on her. Hindi siya pwedeng mamatay!"

"Pero kailangan, Zenrick. It was not a simple spell. There was a reason why he placed her under that spell. That spell was meant to protect her, that Demon was protecting her because he had another intentions and that intention was meant to be stopped!" Irhana replied. 

The Demon was protecting me? 

Zenrick stopped for a while pero agad niyang binalik ang attensyon niya. Ano bang ibig sabihin nila?

"She's not that kind of vessel! Azazel just played on her so that I will not kill hi--" sigaw niya pabalik pero nasaksak siya ni Irhana sa tagiliran nito.

Hindi pwede ito!

Bumagsak si Zenrick si ground at hinawakan ang sugat nito. Lumabas ang dugo ng sugat at nakita ko ang pain sa eyes niya. Agad akong tumakbo malapit sa kaniya at saka ko siya inalalayan. "Zenrick, I'm sorry." sabi ko sa kaniya pero ngumiti lang siya sa akin.

"I'll be okay," sabi niya sa akin at pinilit niyang tumayo. "You'll be safe, I'll protect you...."

"Naglabas na si Castiel ng order sa lahat ng demon hunters, handa silang magsakripisyo ng isang tao para lang mamatay si Azazel,"sabi nung Irhana.

"Wala akong pakialam sa order ni Castiel, I only have Ericka in this world at hindi ko siya hahayaang mamatay,"his eyes turned into color blue again and his white aura appeared.

"Kung itutuloy mo ito, buong samahan na ng hunters na ang makakalaban mo." sabi ng isang hunter sa kaniya.

"Wala akong pakialam, Caden."sagot ni Zenrick sa kaniya at tumingin siya sa akin. "I will protect you no matter what, kahit na mawala pa ako sa mundong to gagawin ko mabuhay ka lang," sabi niya sa akin at tuluyan na akong lumuha.

"Well then we have no choice, Zenrick. If we have to kill you, we will do that. A mission is a mission." Sagot ni Irhana at muli itong sumugod kay Zenrick, sobrang hina na niya at ang dami niyang sugat. Masakit isipin na wala akong magawa para sa kaniya, kailangan niya akong protektahan.

"Huwag niyong sasaktan si Zenrick! Patayin niyo na lang ako!" sabi ko sa kaniya at saka ko pumunta sa harap ni Zenrick, natigil si Irhana sa pag-atake niya.

[Fallen Wings Series #1] The Ghostly Hunter, Demon and I [EXO Kai ] (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora