xi. Tanya

859 37 2
                                    


Updated na po ulit! Votes and comments po tayo!

"TANYA.. Ta-tama na!" sigaw ko habang sakal sakal ako ni Tanya, biglaang natumba ang pintuan at nakita kong niluwa no'n si Kuya Hans na tumakbo palapit sa amin. "Tanya, stop it!" sabi niya at saka niya pinigilan ang kapatid niya, sigaw ang sinukli ni Tanya. Nakakatakot na sigaw na parang buong lalamunan ang gamit niya.

Naitulak niya si Ranya saka ako lumayo pero siya naman ang sunod na inatake ni Tanya, mabuti malakas si Kuya Hans.Napadako ang tingin ko kay Zenrick na nakikipagsuntukan sa malignong iyon.

"Are you okay, Ericka?"he asked me at tumango ako sa kaniya. Sinuntok niya sa tiyan ang maligno at agad itong naglaho, bigla ring kumalma si Tanya at nahimatay na lang.

"Tanya! Tanya!" paggising ni Kuya Hans sa kaniya pero hindi ito nagising.

"What happened to her?"he asked me.

"Dapat dalhin na natin siya sa manggagamot o kaya sa pari, tine-take over na nung malademonyong halimaw ang kaniyang katawan," saad ko sa kaniya at pumayag naman ito.

"Manang pakisabi sa gwardya ihanda ang sasakyan ko, pakikuha din ang car keys ko," sabi ni Kuya Hans at tinulungan ko siyang alagaan ito."May church dito na malapit lang, is it okay if I bring my sister there?"he asked me at tumango ako sa kaniya.

"Mas maigi na 'yon," sagot ko sa kaniya. "Sasamahan kita, Kuya Hans!" dagdag ko pa sa kaniya.

"Thank you..." he said at ngumiti siya sa akin.

"Ericka, wag ka ng sumama napapahamak ka lang dito," sabi ni Zenrick sa akin and I stopped.

"Hindi pwede, kailangan kong samahan si Tanya..." sagot ko naman sa kaniya.

"Ikaw ang dapat hindi sumama, mahihirapan ka," sagot ko sa kaniya.

"No, hindi ako mahihirapan. Remember what I said right? I wanted adventure and this is adventure. Being with you doing these stuffs is the adventure and I will keep on protecting you on this journey," sagot niya sa akin at saka siya ngumiti. "And Im a ghost as well," dagdag pa niya sa akin.

"Sino bang kausap mo? Let's go!" saad ni Kuya Hans sa akin at inalalayan ako ni Zenrick at isinakay si Tanya sa sasakyan. Hinatid namin siya simbahan at tinanggap naman kami ng pari doon. Si Father Pio ang tumanggap sa amin at tinawagan niya ang bishop ng lungsod para tumulong sa amin mabuti at mababait sila at handang makinig.

"Ano bang nangyayari sa kaniya? Kailan pa 'to?" tanong ng pari sa amin at tumingin ako kay Kuya Hans.

"She turned 18 last year, doon na nangyari yung mga pagbulong bulong na sinasabi niya. Akala ko exhausted lang siya or was taking weeds or doing drugs and I never believed her. Akala ko nagkaka-mental problem lang siya not until she started screaming and crying like hell," sagot ni Kuya Hans sa kaniya.

"Sigurado ba kayong nasasapian siya?" tanong ng bishop sa min at tumango ako.

"Itim na nilalang, red eyes at saka black aura. It was evil at gusto niyang kunin si Tanya, nag-threat pa siya na isusunod niya ako at kanina Tanya tried to stab me. Yung maligno pinapatay niya mula sa loob si Tanya to get her soul," sagot ko sa kaniya.

"Demonyo ito hija, hindi kayang gawin ng isang simpleng maligno ang nangyayari sa dalagang ito," sagot niya sa akin at nagsign of the cross siya at saka niya hinawakan si Tanya sa ulo biglaang nagising si Tanya.

"Aaahhh!" sigaw nito at dinuraan niya ang pari sa harap niya.

"Alagad ng walang kwenta!" sigaw ni Tanya and once again nakita ko ang demonyong ito na hindi pala maligno.

[Fallen Wings Series #1] The Ghostly Hunter, Demon and I [EXO Kai ] (Completed)Where stories live. Discover now