iv. the wedding dress

1.2K 49 1
                                    


(ERICKA DEL CARLOS' POINT OF VIEW)

"ATE bakit hindi mo pinapansin si Kuya Zenrick?" tanong ni Lloyd habang nasa classroom kami.Wala pang tao sa room. Wala kasing pasok ngayon at pupuntahan ko rin ang Mama ni Lloyd kasama syempre si Lloyd, nawala nga sa isip ko na multo si Lloyd akala ko bata talaga at sinundo ko pa. Sabagay, bata pa naman talaga siya.

"Wala akong kilalang Zenrick," sagot ko sa kaniya. "Hala, ate LQ po ba kayo ni Kuya Zenrick? Ano pong nangyari?" tanong niya sa akin.

Napatingin ako sa bata. "Teka, bakit mo alam ang meaning ng LQ? Ikaw ha, ang bata mo pa!"

"Duh, ate! Sa tagal ko dito lahat ng terms narinig ko na mula BH, LQ, BJ, Oral pati mga Momol e!"

Nanlaki ang mga mata ko, "Aba, Aba! Itong batang 'to. Diyos ko wag na wag mong gagawin 'yang mga naririnig mo lalo na 'yung Momol!"

"Opo ate! Hindi po! Multo naman na ako 'di na ako magiging malaki!" Giit niya sa akin, somehow nakaramdam ako ng awa sa kaniya. After this, he will disappear, hindi na siya mabibigyan ng pagkakataong mabuhay ulit dahil kaluluwa na lang siya.

"Tara na puntahan na natin ang mama mo," aya ko sa kaniya at lumabas kami ng classroom. Napagdesisyunan kong hindi pansinin ang multong ito para matahimik na ang buhay ko.Pagkatapos kong tulungan si Lloyd ay wala na akong ibang multo na tutulungan pa. Tulad nga ng sabi ko,mapanganib pumasok sa buhay nila lalo na at patay na sila.

"Ericka naman wag mo na akong iwasan, mas lalo kitang hindi titigilan niyan eh,"sabi niya sa akin pero di ko siya pinansin.

"Ate, kawawa naman si Kuya Zenrick pansinin mo na siya. Kawawa naman siya ate baka maging scary ghost siya." sabi niya muli sa akin.

"Isa ka pa, alam mo na ngang multo pala 'to hindi mo man lang ako binalaan,"sita ko sa kaniya.

"Eh sabi kasi niya secret lang daw namin na ghost siya eh." Sagot naman ni Lloyd sa akin. "At ano namang kapalit ang inalay niyan para mauto ka?" tanong ko kay Lloyd. "Kagwapuhan lang ang inalay ko Ericka at saka mabuti akong multo. Hindi ako nanakot ng tao!"sagot naman niya kaya inirapan ko nalang siya atsumakay ako ng taxi kasama silang dalawa.Pumunta kami sa bahay ng nanay ni Lloyd.

"Pansinin mo na ako Ericka, please?" pakiusap muli ni Zenrick sa akin.

"Tao po! Tao po!" tawag ko sa bahay, mamaya maya ay may bumukas na pintuan at may lumabas na matandang lalaki mga nasa 60 na siguro siya.

"Anong kailangan nila?" tanong niya sa akin.

"Magandang araw po, pwede ko po bang makausap si Ma'am Flor?" tanong ko sa kaniya.

"Ang asawa ko? Bakit tungkol saan?" tanong naman niya pabalik sa akin.

"Si Papa, Papa! Papa! Nandito ako Papa," sigaw ni Lloyd sa kaniya at tumatalon talon pa ito."Hindi ka niya maririnig, multo ka diba?" sabi naman ni Zenrick sinamaan ko siya ng tingin at umiwas naman siya.

"Sorry na kasi," sabi niya muli sa akin.

"Ang gwapo ko kaya para madedma ng ganito, diba nagagwapuhan ka naman sa akin bakit ayaw mo kong pansinin?" sabi niya muli sa akin at ngumuso pa siya sa akin."Hindi naman ako nakakatakot, ang gwapo ko kaya." Pag-ulit na naman niya, muli ko siyang sinamaan ng tingin dahil doon.

"Tungkol po kay Lloyd, yung anak po niya na namatay sa school." sabi ko sa kaniya."Anong tungkol sa anak namin?" tanong niya muli sa akin."Gusto po kasing makita ni Lloyd ang Mama niya, alam ko po mahirap paniwalaan pero nakausap ko po si Lloyd." sagot ko sa kaniya at mahina akong ngumiti.

[Fallen Wings Series #1] The Ghostly Hunter, Demon and I [EXO Kai ] (Completed)Where stories live. Discover now